CHAPTER 19
Napatda ako. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Pipigilan ko ba sila? Manggugulo ba ako? Paano si Tito? Paano kung sila naman pala talaga at sabit lang ako? Paano kung sa akin nagsisinungaling si Rizza. Hindi ko alam na kaya niyang gawin ito sa akin. Wala sa hinagap ko na bukod sa akin, pinagbibigyan rin niya pala si Paul. Pinagsasabay pala kaming dalawa.
Nakita kong nakatayo si Rizza at nakasandig siya sa dinding na walang kahit anong saplot sa katawan habang nakaluhod naman sa harapan niya si Paul. Dinidilaan nito ang kanyang lagusan. Walang pamimilit na nangyayari. Halatang consensual naman. Nakaluhod si Paul at kinakain ang dapat ay akin lang. Hawak ni Rizza ang ulo ni Paul na gumagalaw sa mismong harapan niya. Hanggang sa nakita kong tumigili si Paul. Binuhat niya si Rizza. Dinala niya ito sa kama at dahan-dahan niyang pinahiga. Itinaas ni Paul ang dalawang paa ni Rizza at itinutok nito ang ari sa bukana ng aking kasintahan. Isang tagpong sadyang nagpalambot sa tuhod ko. Gusto ko na talagang pigilan si Paul o kaya ay gumawa ng ingay para matigil ang ginagawa nila ngunit mas mabilis ang aking pagluha kasabay ng paninigas ng aking kamao. Mas mabilis ang ideyang lumayo doon nang hindi na lalo pang masaktan. Nang hindi na ako makagagawa pa ng problema. Inisip ko lagi ang sinabi sa akin ni Tito, kapag nasasaktan at gustong manakit, mas maiging umiwas, mas tamang lumayo para hindi na makagawa pa ng mas matinding kasalanan. Nanginginig ang buo kong katawan. Itinukod ko ang kamay ko sa aking tuhod. Nakayuko ako. ang hirap sa akin ang huminga. Pinagpawisan ako kahit hindi naman ganoon kaalinsangan. Mabilis akong pumasok sa kumbento at halos liparin ko ang hagdanan para makabalik sa aking kuwarto. Nang nasa loob na ako ay doon ako humagulgol nang humagulgol habang sinusuntok ko nang sinusuntok ang aking mga unan. Sa lakas no’n sumabog ang dalawa kong unan hanggang sa hindi ako nakuntento ay sinuntok ko ang pader. Ramdam kong sugat ang aking kamao. Hanggang sa muli akong umupo. Sinapo ko ang aking ulo. Doon ko nilabas ang hinanakit ko sa pag-iyak. Huwag lang magkamali si Paul na lapitan ako o kaya kausapin ako ni Rizza dahil hindi ko alam ang aking magagawa sa kanila.
Magdamag akong dilat. Iniisip ko ang ginagawa ni Paul at Rizza. Kung masama lang akong tao, baka makapapatay ako. Hanggang sa madaling araw nang maramdaman kong parang may pumapanhik sa hagdanan.
Binuksan ko ang pinto ng aking kuwarto.
Nagulat pa si Paul. Kung pwede ko lang agad suntukin sa mukha ginawa ko na pero gusto ko lang ipamukha sa kanya na may alam ako. Gusto kong makita niya sa mukha niya nasasaktan ako. Ibig sabihin pala kapag umuuwi siya rito noon, patago nilang ginagawa ni Rizza ang lahat ng iyon.
“Oh, gising ka na? Aga pa ah?”
“Kagabi pa. Hindi na nga ako nakatulog eh. May pusa kasi sa baba. Ingay. Naglalandian!”
Agad kong isinara ang pintuan. May kalakasan.
Bigat na bigat na kasi ako sa nararamdaman ko. Hindi ko na makayanan pa ang sakit. Parang nabibiyak ang dibdib ko at hirap akong huminga. Tinungo ko ang kama ko. Ibinagsak ko ang katawan ko. Tumihaya ako. Patuloy lang ang pagpatak ng luha. Kinuha ko ang unan. Itinapat ko iyon sa aking mukha at muli akong nagsisisigaw. Hindi na ako dinalaw ng antok magdamag dahil ang alaala at mukha lang ni Rizza ang tumatakbo sa aking isip. Inubos ko ang aking luha. Isang oras ako sa ganoong kalagayan. Pinigilan ko ang aking sarili na muling bumalik ang mga sandaling ipinadadama niya sa akin ang kaniyang pagmamahal. Gusto kong lahat ng iyon ay mabura na nang tuluyan. Ang tanging nais kong maiwan ay ang sandaling sinaktan niya ako. Yung gabing iniwan niya ako sa kabila ng paulit-ulit niyang pagsabi noon kung gaano niya ako kamahal. Lahat pala ng iyon ay pawang kasinungalingan. Kung talagang mahal niya ako, hindi niya ako kailangang lokohin at magkaroon pa ng Paul.
Nahiga ako sa aking kama. Ngunit kahit anong gawin ko ay nagtatalo pa din ang sakit, galit at tindi ng pagmamahal ko sa kaniya. Parang sasabog ang aking utak. May kung anong nakadagan sa aking dibdib na dahilan kung bakit hindi normal ang aking paghinga. Ansakit sakit na. Sobrang hindi ko na talaga kinakaya. Ganito pala kahirap masaktan. Ganito pala kabigat ang pakiramdam.
Kinaumagahan ay tumungo na ako sa banyo. Gusto kong umalis nang bahay ng maaga. Naghubad ako. Naalala ko, ito nagsimula ang lahat. Kung maaga lang sana akong nagising noon, hindi sana ako na-curious. Hindi ko sana hinayaan ang puso kong mahalin siya kasi alam ko naman na una pa lang, hindi ako dapat magmahal sa babae dahil magpapari nga ako. Bumuhos ako. Naalala ko ang mga sinabi niya noon sa akin sa talon. Iyon pala ang gusto niyang ipakahulugan sa akin. Iyon pala ang gusto niyang sabihin na kahit anong masaksihan at malaman ko ay hindi ko siya iiwan. Na hindi dapat magbago ang pagtingin ko sa kaniya. Na bibigyan ko ng pagkakataong magpaliwanag. Sa tulad kong hindi dumadaan sa pagdarahop, sa tulad kong hindi nasadlak sa kahirapan, walang kahit pang-unawa na maapuhap ko sa puso ko. Walang awa, walang pagmamahal...lahat ay galit... pagkamuhi... Ano bang paliwanag ang kailangan kong pakinggan doon sa nakita kong tinitira siya ng ibang lalaki? Naroon pa rin ang luha ngunit nagpupuyos ang aking damdamin. Nagsimulang umusbong ang pandidiri! Pinilit kong kalimutan ang lahat. Gusto kong tuluyan ng maglaho ang naipong sakit na likha ng ginawa niya.
Pagkatapos kong maligo, maaga rin umalis. Hindi ko na siya hinintay. Hindi ko rin pinansin pa ang kahit sino sa bahay. Kahit si Paul na kausap ng tito ko, sinimangutan ko. Hindi na siya kaibigan o kakilala sa tingin ko. Isa siyang kaagaw. Isang kalaban. Hindi kailanman pagkakatiwalaan at hindi ko kailanman magiging kaibigan.
Gustuhin ko man sanang hindi na siya panoorin sa kaniyang pagtatapos ngunit hindi kaya ng aking konsensiya. Nangako ako sa kanya na panonoorin ko siya, na isa ako sa mga taong papalakpak kapag tinatanggap na niya ang kaniyang diploma. Ngunit kumukulo ang dugo ko nang makita sila ng ni Paul na umakyat sa entablado para tanggapin ang simbolo ng kaniyang pinaghirapan ng apat na taon. Bakit si Paul? Akala ko ba si Tito? Ganoon ka-espesyal ang relasyon nila? At anong silbing diploma ang tinanggap niya? Isang diplomang pinagputahan? Diplomang natamo dahil sa pagpatol niya kay Paul? Kaya pala madalas siyang may pera bukod sa ibinibigay ni Tito na tinatanggihan niya minsan may natatanggap pa siya. Galing pala iyon kay Paul. Manloloko!
Nang matapos na ang graduation ceremony at nauna nang umalis si tito at si Paul ay tinangka ni Rizza na lumapit sa akin. Yung mukhang parang walang nangyari. Yung mukhang akala mo wala siyang ginawa. Painosente? Akala niya siguro hindi ko pa alam kaya yung tingin niya sa akin ay okey pa ang lahat. Yung kanyang pagiging sweet ay ganoon pa rin. Hindi niya alam kinamumuhian ko siya.
"Bhie, yeyyyy! Graduate na ako! College na ako next year!" mahina niyang bulong sa akin at isinuksok pa niya ang kamay niya sa aking bisig at ipinatong niya ang ulo niya sa aking balikat.
Tinanggal ko ang kamay niyang nakapulupot sa aking bisig.
Bahagya ko siyang itinulak palayo sa akin. Umusog ako sa aking kinauupuan sa silong ng sampalod sa likod ng aming paaralan. Nagtataka ang kanyang mukha ngunit hindi siya nagtanong. Muli siyang ngumiting ipinakita ang diploma at medal niyang Salutatorian.
“Happy graduation. Regalo ko sa'yo." Sarkastiko kong pagbati.
"Salamat. Nag-abala ka pa talaga. Pero maraming salamat dito... Yes! Ang saya-saya ko, bhie. Sobrang saya ko lang." Muli siyang lumapit at niyakap ako. Minabuti kong tumayo na parang wala akong naririnig.
"Kapag makatapos ako. Kapag guminhawa ang buhay ko. Kapag may marating ako, masasabi kong maipagmamalaki mo rin ako bhie! Wait, bakit hindi mo ako hinintay kaninang umaga?" paanas at tuwan-tuwa niyang sinabi para hindi marinig ng mga naroong kaklase niyang parating.
"Bakit kita hihintayin e, nandun ang boyfriend mo."
Namula siya. "Anong sinasabi mo? Boyfriend? " mahina ang pagkasabi ngunit halatang may diin.
Lumakad ako palayo. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng aking luha. Ayaw kong umiyak eh. Ayaw kong makita niyang mahina akong klaseng lalaki. Na iniiyakan ko ang kagaya lang niyang babae. Dapat hindi ako iyakin. Dapat silang mga babae lang ang umiiyak. Tang-ina lang! Ayaw kong makita niya na iniiyakan ko siya. Ayaw ko din na makita ako ng mga kaklase kong naluluha. Mabilis ang ginawa kong paglakad papunta sa magubat na bahagi ng aming school. Doon sa walang halos pumupunta. Doon sa malaya kong maiiyak ang sakit ng loob na kinikimkim kay Rizza. Unang pagkabigo, unang sakit ng loob dahil sa pagmamahal.
Ramdam kong sumusunod siya. Ngunit hindi nagsasalita. Hindi ako pinigilan. Basta ang alam ko lang ay bumubuntot siya saan man ako pupunta.
Huminto ako. Umupo at tuluyan ng yumugyog ang aking balikat dahil sa gusto kong iluha lahat ang sakit ng loob ko sa kaniya na pakiramdam ko hindi nababawasan. Tang-ina! Ganoon ba katindi ang pagmamahal ko sa kanya?
"May nakita ka ba kagabi? Bakit hindi mo ako diretsuhin nang hindi ako nangangapa kung anong kasalanan ko sa iyo. Sabihin mo sa akin, Rhon. Ipamukha mo sa akin ang lahat nang pag-usapan natin."
Tinignan ko siyang tigib ng luha ang aking mga mata. Sige pagbibigyan ko siya.