PAMAMAALAM

2144 Words
Chapter 25 Nang mabuksan ko ang sobre at makita ko ang sulat, may kahabaan. Hindi ko alam kung babasahin ko na agad ngunit parang may nagbubulong sa akin na kailangan kong basahin ang nilalaman kung bakit siya umalis at saka na lang niya ako iniwan. Umaasa ako na dito ko malalaman ang kasagutan ng aking mga tanong. Nanginginig ang mga kamay ko. Nagtatalo ang isipan ko at puso. Tahimik akong pumasok sa aking kuwarto. Bumunot muna ako ng malalim na hininga bago ako humiga ako. Bago ko pa man simulang basahin ang sulat naiiyak na naman ako. Pilit kong pinigilan ang aking sarili na maiyak. Hindi ako dapat iiyak. Rhon, Nakapahirap sa akin na isulat ang lahat ng aking nararamdaman. Marami akong takot. Maraming iniisip. Paano ko kung galit ka pa sa akin at hindi mo lang ito babasahin? Alam kong hindi mo alam pero naghintay ako sa labas ng iyong kuwarto. Umaasa na lalabasan mo ako at kakausapin. Nagdadasal na bago ako aalis malinawan natin ang lahat. Na kaya pa nating ayusin ang ating problema. Hindi madali para sa akin ito lalo pa’t hindi naman ako sanay magsulat pero kailangan kong gawin. Kung kailangan paulit-ulit akong hihingi ng tawad sa’yo gagawin ko. Kung pwede ngang lumuhod, lumuhod na sana ako. Pero Rhon, ang tigas mo lang na di mo ako hinarap. Ang tindi mo magalit na hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon. Alam mo bang hindi ka madaling mahalin? Na kahit napansin na kita, na kahit gustung-gusto na kita ay hindi pwede kasi bukod sa suplado ka, may Paul pa sa buhay ko na siyang gumugulo sa isip at puso ko. Kaya lang iba talaga ang hatid mo sa aking epekto, Rhon. Na kahit anong gawing kong pag-iwas, na kahit pilit pa kitang iniwasan, kahit pa sinasabi ko na hindi mo ako gusto, na hindi pwedeng maging tayo, nangibabaw pa rin yung kagustuhan at pagmamahal ko sa’yo. Kahit pa noong una, si Paul naman talaga ang mahal ko. Akala ko paghanga lang ang nararamdaman ko. Ikaw na kasi ang nakita kong pinakamaputi at pinakagwapo sa tanang buhay ko. Inaamin kong ikaw na ang pinakaguwapo. Ang sarap laging pagmasdan ng palihim ang makapal mong kilay. Nakakainggit ang matangos mong ilong. Nakakakilig ang tangkad mo na gusto ko sa isang lalaki at ang kakaibang presensiya mong sadyang bumihag sa akin . Basta noon ang alam ko, gusto kita. Ikaw ang dahilan kung bakit ko nakitang may mali sa amin ni Paul. Ikaw ang nagbukas sa isip ko na hindi ko dapat mahalin ang lalaking hindi kayang panindigan ang kanyang sinasabi. Na hindi ko dapat pagkatiwalaan ang lalaking umaasa lang sa iba at hindi kayang tumayo sa sariling mga paa. Sapat na sa akin iyon. Hindi ko naman pinangarap talaga na mapansin mo ako. Hindi ni minsan sumagi sa isip ko na magugustuhan mo ako kasi sino ba naman ako? Isa lang akong kasambahay. Isang ulilang katulong. Matagal na akong kinakausap ni Paul na sumama sa kanya pero paano ako sasama kung may Father Dimas siya. Kung hindi niya ako paninindigan at maging kabit lang ako ng isang baklang pari, bakit ako kailangan sasama sa walang katiyakan? Pero alam ko ang totoo, Rhon. Hindi ko talaga kayang iwan ka. Hindi dahil sobrang mahal na kita kundi hindi naman niya gustong iwanan si Father Dimas. Ang labas, parang kabit lang ako. Parausan. Gagamitin. Isa pang pumipigil sa akin kaya hindi ako makaalis dito ay ang katotohanang hindi kita kayang iwan. Walang kasiguraduhang magugustuhan mo ako o magiging tayo lalo pa't hindi ko rin naman pansin na nagagandahan ka sa akin. Basta ang alam ko lang noon, tingin mo sa akin, kasambahay. Tingin mo sa akin, isang katulong na hindi pinagkakausap. Ang hirap palang magmahal nong alam mong malayo ang estado sa’yo. Yung nandiyan ka pero bakit parang hindi kita abot. Yung nasa harap kita, pero bakit hindi mo ako nakikita? Yung magkasama tayo, pero bakit hindi mo ako nararamdaman? Nangangapa ako sa tunay mong pagkatao. Ngunit lagi kong hinihiling na sana minsan, kausapin mo man lang ako, sana ngumiti ka man lang sa akin, sana magtanong ka man lang ng kahit ano? Pero wala eh! Alam mo lahat. Kaya mo lahat. Kung pagsilbihan man kita, kung gigisingin man kita, pakiramdam mo, trabaho ko lang iyon. Hindi mo ako dapat pasalamatan, hindi mo ako dapat kausapin pa ng masinsinan. Umasa ako noon, kahit limang minuto lang. Kahit na sana mapansin mo ako kahit mahirap lang ako, na sana hindi ka namimili ng makakaibigan at mamahalin kahit hamak na tiga-linis at utusan lang sa kumbento at simbahan. Alam mo bang natakot akong mahalin ka? Natakot akong baka sadyang masungit ka talaga. Mabait ka naman eh, kaya lang sobra mong tahimik. Mabuti kang tao pero ayaw mong mag-commit. Natatakot kang magmahal, natatakot kang mahulog sa iba? Bakit? Dahil ba sa tingin mo, temporary lang kami sa buhay mo? Dahil magpapari ka at wala kang iniisip pang iba kundi ang bokasyon mo? Hanggang sa unti-unti, binuksan mo ang buhay mo sa akin. Paunti-unti, pinapasok mo ako sa malingkot at tahimik mong puso. Sa tuwing naghahabulan tayo diyan sa garden sa mga gabing maliwanag ang buwan at sa tuwing sabay tayo kumakain tuwing recess ay lihim akong nasisiyahan. Noon ay alam ko na. Hindi lang simpleng paghanga ang nararamdaman ko, mahal kita at mamahalin pa rin kita kahit hindi mo pa iyon alam. Kalandian marahil sa’yo iyon, ngunit para sa akin, isang paghanga sa kakaibang lalaking nakilala ko sa buhay ko. Rhon, sana mananatili sa alaala mo ang mga umagang nakapatagal kong paghihintay sa iyo tuwing papasok tayo, sa tanghaling sabay tayo at pinapayungan kita, yung kailangan kong humakbang nang mabilis para lang masabayan kita pauwi para mananghalian at sa hapong masaya nating binabagtas ang daan na puro biruan at tawanan. Hindi mo alam kung paano mo binuo ang buhay ko. Sandali kong nakalimutan na mag-isa lang ako sa mundong ito. Ipinaramdam mo sa akin na kahit mag-isa ako, pwede pala akong maging masaya. Pwede pa rin pala akong maging buo. Alam kong hindi mo pansin lahat ng iyon dahil siguro, ang alam mo bahagi lang iyon ng trabaho ko bilang katiwala sa simbahan at kumbento ngunit ginagawa ko ang lahat ng iyon dahil mahal kita. Hindi naman ako yaya mo dito kaya kung tutuusin wala na sana akong pakialam pa sa pagpasok at pag-uwi mo. Wala na sana akong pakialam kung nakakain ka na, kung ubos mo ba ang iyong miryenda, kung mainit na ba ang pampaligo mong tubig. Kung naplantsa na ba ang iyong mga damit. Kung lahat ba ng gamit mo sa school ay nasa bag mo na. Ni minsan hindi mo pinasalamatan. Ni minsan hindi ko narinig na natutuwa kang ginawa ko ang lahat ng iyon sa’yo.” Bumangon ako sandali. Huminga ako. Ang sikip sa dibdib. Ang hirap tapusin at basahin ang sulat. Bakit hind ko iyon nakita nang nandito siya? Bakit hindi man lang ako nakabawi sa kanya ngayong wala na siya. Ahhhh! Bakit ganitoi kasakit lahat! Bakit mo ako iniwan na hindi ka nagpaalam! “Rizzzaaaa! Rizzza!” humihikbi ako. Tumayo ako. Sumilip ako sa bintana. Parang nakita ko si Rizza. Kumakaway sa akin. Hanggang nang sisigaw na sana ako ay biglang naglaho. Bakit kahit saan ako titingin, ngiti niya ang aking nakikita? Bakit ganito pala kasakit magmahal? Umupo ako at muli kong ipinagpatuloy na basahin ang sulat. Kapag nag-eensayo ka ng basketball at karate mo, lagi akong nagdadala ng tubig at pamunas mo. Nanginginig ako kapag nakikita ko ang kumikislap na hubad mong katawan. Ang pinkish mong u***g, ang lumalabas mo nang abs. Ang iyong kahubdan. Ang iyong kabuuan. Pero tulad nga ng isang damo, hindi mo ako mapapansin kahit naaapakan na. Hindi ako ang iyong gugustuhin. Hindi ka pwedeng magkagusto sa akin dahil nga laging sinasabi ng Tito mo na hindi kitya dapat demonyohin dahil kasalanan sa Diyos na karibalin siya lalo na’t inihahanda kang maging tagapaglingkod Niya. Paano nga ba ako mananalo sa Diyos? Paano ba kita aagawin sa kanya? Ang sama ko lang na isipin na kung kaya kong agawin si Paul sa isang pari, heto ako, nangangarap agawin ang isang Rhon Matthew sa Diyos. Isang kahangalang pangarap. Mahal kita Rhon. Kahit nang wala pa sa ating nangyayari, kahit nang tanaw pa kita sa malayo, alam kong totoo at tunay ang nararamdaman kong pagmamahal sa’yo. Ngunit iniisip ko rin, ano bang karapatan kong magmahal ng kagaya mo? May kaya sa buhay. Mataas ang pangarap. May gustong marating samantalang heto lang ako. Walang naghihintay na bukas. Walang masabing siguradong pangarap. Inisip ko na lang na baka libog lang ito, na baka nga tama ka, malandi lang talaga ako kasi bukod kay Paul, sa murang edad ay pumatol pa ako sa’yo. Inisip ko na gusto mo lang ng experience. Na baka ako lang naman talaga ang nagmamahal. Ako lang itong si gagang nangangarap nang gising. Ang hirap ng maging ako, Rhon. Ang hirap ng walang masandalan at masabing pamilya. Ang sakit isipin na ako lang mag-isa at ako lang ang pwedeng tutulong sa sarili ko. Ngunit naisip ko, konting panahon na lang aalis na ako. Hindi kasi ako kayang tulungan ng Tito mo pero kaya niyang tulungan ang iba. Kumuha siya ng bagong scholars niya kay Kapitan at nakakasakit para sa akin na malaman iyon. Bakit sa iba, pwede? Bakit sa akin hindi? Bakit sila may mga pamilya, bakit ako wala? Alam kong maling ihambing ang sarili ko sa iba pero wala akong magawa. Naawa ako sa sarili ko. Wala naman ibang tutulong sa akin kundi ako na lang. Sa sariling diskarte ko na lang. Dahil sa pangako ko kay Paul na at the age 16, ibibigay ko ang sarili ko sa kanya kaya ako napilitang ibigay na lang muna sa’yo. Malandi na kung malandi pero ang gusto kong makauna sa akin ay ang totoong mahal ko. Sinubukan ko naman maghanap ng pagkakakitaan pero nasa baryo lang tayo. Wala naman dito magpapalaba. Ang usong trabaho ay ang pumunta sa bukid sa halagang 120 isang araw. Wala akong alam na trabaho sa bukid. Kailangan ko ng pagsisimulang pera sa Manila. Renta, pang-enrol habang nagta-trabaho. Iyon ang aking plano. Iyon ang gusto kong gawin. Nandiyan si Paul, handang magbigay ng 50,000 para sa aking pag-aaral. Pikit-mata, tinanggap ko. Tutal naman, may nangyari na noon sa amin. Tutal naman ikaw at siya lang naman ang lalaki sa buhay ko. Kayo na lang ang lalaking gusto kong makagalaw sa akin. Mahirap magsalita ng patapos pero kung ako ang masusunod, si Paul ang unang lalaking minahal ko at ikaw ang huli sa puso ko. Hindi na ako magmamahal pa ng iba. Hindi ko na gugustuhin pang dagdagan kayong dalawa. Sandali akong mawawala sa’yo. Magpakalayo-layo. Nagpaalam ako sa Tito mo at alam din naman iyon ng pamilya mo. Nakausap ko ang Daddy at Mommy mo, umiiyak sila sa akin. Nakiusap ang Tito mo sa akin. Halos maglumuhod na iwan kita. Binibigyan niya ako ng malaking halaga. Nagbibigay ang Daddy at Mommy ng pera ngunit anong mukhang ihaharap ko sa’yo kung ipagpapalit kita sa salapi. Hindi ka dapat sa akin binibili dahil hindi naman kita pag-aari. Marahil, ganoon kababa ang tingin nila sa akin. Pera-pera lang ang lahat. Kaya kong ibenta ang katawan ko ngunit hindi ang taong mahal ko. Hindi na tayo nakapag-usap ng matino. Hindi na kita nayakap o nahalikan. Hindi mo na ako napatawad. Hindi mo ako nabigyan ng pagkakataon. Aalis ako bhie pero iwan ko ang puso ko sa iyo. Sana darating yung araw na mapatawad mo na ako. Sana muling mahanap mo ako puso mo. Lagi mo sanang iisiping hindi kita kailanman kakalimutan. Iiwan ko sa iyo ang isang pangako. Magbabago ako. Darating ang araw, magkikita tayong muli. Yung panahong okey na ako. Okey na tayo. Alam kong bayad na bayad na ako sa lahat ng mga utang ko sa Tito mo, kay Paul, sa lahat lahat na minaliit ako. Maipagmamalaki mo din ako bhie. Magiging proud ka rin sa akin. Pangako kong ikaw lang ang mamahalin ko. Pangako kong mababalikan mo ako sa ating kanlungan. Doon ako tahimik na maghihintay. Doon ko ibubuhos ang nalalabi pang panahon ng aking buhay. Hindi man tayo ngayon pero naniniwala ako na tayo sa huli. Marami man tayong pagdadaanan na problema pero sigurado akong hinding-hindi na tayo magkakalayo pa kapag tayong dalawa na ay handang-handa. Paghandaan natin ang ating kinabukasan. Hiling ko lang, huwag kang magpari kung hindi mo talaga gusto kasi hindi ko kayang karibalin ang Diyos. Hindi kita kayang ipaglaban sa Poong Lumikha. Maghihintay ako. Hihintayin kita sa ating Kanlungan. Rizza Tumayo ako. Dumungaw ako sa bintana. Isinigaw ko nang paulit-ulit ang pangalan ng babaeng una at huli kong mahalin. Hindi ako papayag. Gagawin ko ang lahat para sa amin ni Rizza. Oo, bata pa ako pero hinding-hindi ako papayag na basta na lang kami maghihiwalay na hindi ko inilalaban ang pagmamahalan naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD