CHAPTER 26 Ilanng saglit lang pagkatapos kong mabasa ang sulat ay biglang may kumakatok sa pinto ng kuwarto ko. “Rhon, Rhon, anak?” boses iyon ni Mommy. Hindi napaghandaan. Hindi ko alam kung bakit bigla silang nandito. Pero nami-miss ko siya. Nami-miss ko sila ni Daddy kahit alam kong bahagi sila ng sakit na aking nararamdaman. Ngunit nandito na rin lang sila. Kailangan nilang malaman ang mga gusto kong mangyari. Pagkabukas ko ng pinto ay agad na lumapit si Mommy sa akin at sa isang iglap ay yumakap ako sa kaniya. Iyon din ang kaniyang ginawa. Ganoon din si Daddy, nakangiti man siya ngunit may luha sa paligid ng kaniyang mga mata. Naramdaman ko ang marahan nitong paghaplos sa aking likod. Kailangan ko iyon ngayon. Hinahanap ko pa rin ang kanilang