HINDI SIGURADO

2294 Words
CHAPTER 8 “Paul, tulungan mo ako. Nililingkis na ako!” sigaw ko. Lalong hinigpitan ng malaking sawa ang pagkapulupot niya sa akin. “Paul, ano ba? Kumilos ka! Patayin mo ang ahas! Dali!” Pero napatulala siya. Umatras pa nga siya palayo sa akin imbes na tulungana ko. Nawalana ko ng pag-asa sa kanya. Nabawasan ang aking tiwala. Nakita ko ang isang malaking kahoy sa tabi ko at agad kong pinukpok ang ulo ng sawa. Paulit-ulit hanggang sa namatay ito. Lumuwang ang pagkakapulupot nito sa akin. Ako na mismo ang nagtanggal sa sawa sa aking mga paa. Noon lang parang bumalik sa katinuan si Paul na hindi alam kanina ang gagawin. Tinanggal ko ang pagkakapulupot ng sawa sa akin. “Sorry. Nagulat ako. Hindi ko alam kung anong unang gagawin ko. Naisip ko kasi baka matuklaw ako. Baka lalo kang puluputan kaya wala akong nagawa.” Tinignan ko siya. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Baka raw matuklaw siya? Baka lalo akong puluputan kaya wala siyang nagawa? Kalokohan. Dahil doon, kahit papaano nagkaroon ako ng biglang agam-agam. Mapapanindigan kaya ako ng kagaya ni Paul o sadyang doon lang siya kung saan siya safe, kung saan siya mas makikinabang. “Tara na. Umuwi na tayo. Baka hinahanap na tayo ni Father.” Tumayo ako. Sinimulan kong ayusin ang aming kalat pati ang maliit na tent na hindi naman naming nagamit. Tahimik siyang tumulong. “Galit ka ba?” “Hindi. Natakot lang ako at saka nagulat. Hindi bale. Napatay ko naman. Sawa lang ‘yan. Hindi naman makamandag kahit tuklawin ka niya o ako.” seryosong sagot ko. Tahimik kaming bumalik kung saan niya ipinarada ang kanyang motor. Umangkas ako sa kanya. May mga sinasabi siya pero isang tanong isang sagot lang ako. Hanggang sa nang nasa malapit na kami ng simabahan ay huminto siya. Madilim-dilim pa naman pero nag-uunahan na ang mga tilaok ng manok. Mag-uumaga na rin. “Salamat babe ko. Hindi mo ako binigo. Sumama ka pa rin sa akin kahit alam mong pwede akong makagawa sa’yo ng hindi maganda. Kahit alam mong maaring kagalitan tayo ni Dimas, pinili mo pa ring pagkatiwalaan ako.” “Mahal kita. Kalakip ng pagmamahal ko ang aking pagtitiwala. Pero sana hindi masisira yung tiwala ko sa’yo. Sana kaya mo akong panindigan.” “Paano, mauna ka na lang umuwi ha? Sabihin mo kina Mimi ka natulog. Sa bahay na muna ako kunyari at baka magalit o makaramdam si Dimas sa atin. Ayaw kong makahalata siya at mapagalitan ka dahil lang sa akin.” “Sige. Mag-ingat ka at salamat.” “Ikaw rin, Babe ko.” Niyakap niya ako nang mahigpit. Hinalikan ako sa labi saka siya tumalikod. Nilingon ko siya. Lumingon din siya sa akin. Bigla siyang bumalik at hinila niya ako sa malaking puno. Nagtago kaming dalawa sa malaking puno. Magtatanong pa lang dapat ako kung bakit pero hinalikan niya agad ako sa labi. Niyakap niya ako hanggang sa naramdaman ko na naman ang kanyang kamay papasok sa aking palda. Tinapik ko ang kamay niya. “Huwag dito, please!” "Na-miss na kasi kita agad eh." Bulong niya sa akin habang yakap niya ako. “Sige na, quickie tayo dali. Wala pang 3 minutes lalabasan na ako.” "Ayaw ko nga! Hindi ka ba natatakot?” “Hindi ako kuntento sa nangyari kagabi eh, pasukin na lang kita dito.” “Tumigil ka nga, Paul. Please lang. Lagi naman tayong magkasama eh, laging nagkikita sa bahay.” “Iyon na nga eh, pero parang anlayo natin sa isa’t isa lalo na kapag nandiyan siya.” “Kung sakali bang malalaman ni Father ang tungkol sa atin at papipiliin ka. Ako ba ang pipiliin mo?” “Mahal na mahal kita, babe ko kaya syempre ikaw ang pipiliin ko." At muli kaming nagyakapan, naghalikan....mahirap ang muling pagbitaw sa yakapan naming iyon kahit alam naman namin pareho lang kami ng tinitirhang bahay. Hanggang sa biglang may nag-flashlight. “Sino ‘yan?” boses iyon ni Father. “Tang-ina nagising na ang bakulaw.” “Paano ‘yan? Iniilawan niya ang motor mo. Alam niyang nandito ka?” bulong kong kinakabahan. “Paul! Ikaw ba ‘yang nasa likod ng puno?” tanong ni Father. “Patay na! Gagawin natin?” Hindi na siya makakatago pa. Alam na niya talaga na kami ni Paul ang nasa likod ng malaking puno. Palapit na ang yabag ni Father sa puno. “Paul, Rizza! Anong ginagawa ninyo riyan?” Kinakabahan na kaming pareho lalo na tinawag na niya ang pangalan naming dalawa. Paniguradong malaking eskandalo ito. Siguradong mapapahiya ako sa lahat. Palalayasin niya ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi kami dapat mahuli. Hindi kami niya dapat makita. “Paul!” isang dipa na lang. Napapikit na ako. Hindi ako pwede umalis doon. Lalo niya akong mapapansin. Lalong halata na may itinatago kami. “Oh? Bakit?” si Paul. Agad niyang hinarap si Father Dimas na malapit na at nakatutok na ang lente sa malaking puno. Umupo ako. Nangangatog ang tuhod ko. Kung iikot si Father, paniguradong makikita niya ako. Ano naman ang irarason namin ni Paul kung sakali? Anong dahilan at nasa likod kami ng malaking puno? “Anong ginagawa mo riyan? May kasama ka ba? May itinatago ka ba riyan?” sunud-sunod na tanong ni Father Dimas. “Wala. Paano mo nasabing may kasama ako? Hayan ka naman sa tamang hinala mo eh!” “Anong wala. Tanga ka ba na nasa likod niyan kung wala kang itinatago?” Kahit pa hinarangan siya ni Paul ay hinawi niya ito at mabilis niyang inilawan ang likod ng puno kung saan kami nagtago kanina ni Paul. Hindi na niya ako nakita pa roon. Nang nilapitan siya ni Paul at nang umupo ako, agad na akong gumapang sa damuhan palayo. Narinig ko ang kanilang pagtatalo. “Oh may nakita ka ba? Wala hindi ba? Umihi lang ako!” “Bakit hindi ka umuwi? Nasaan si Rizza? May ginagawa ba kayo ha? Gusto mo ba si si Rizza, hayop ka!” “Anong pinagsasabi mo? Anong gusto at bakit mo sa akin hinahanap?” Nang nakita kong iniharap na ni Father kay Paul ang lente ng kanyang flashlight ay kumaripas na ako ng takbo papunta ng pintuan ng kumbento sa kusina. Iyon kasi ang nakita kong bukas kaya doon na lang ako dadaan dahil hindi na ako makakaikot pa. Doon dumaan si Father. Pero sa kamalas-malasan, nabangga ko ang isang latang ginagamit kong pangsalok ng tubig. Lumikha ng ingay iyon. Mabilis na nilentehan ni Father ang pinanggalingan ng ingay. Pati ang pusa ay tumunog pa kasi dahil natamaan. “Sino ‘yon? Ano ‘yon?” tanong ni Father Dimas. Agad akong nakapasok sa loob bago pa niya ako nalentehan. Mabilis na lumapit ang nakalente sa kusina kung saan ako nagtago. “Pusa lang ‘yon!” “Anong pusa lang? Parang may tumakbo eh!” “Anong pinagsasabi mo eh tayo lang naman dalawa rito.” Ramdam ko ang sakit ng tuhod kong bumangga sa lata. “Malaman ko lang na niloloko ninyo ako ni Rizza, sasabihin ko sa iyo, Paul. Palalayasin ko ang babaeng ‘yan at maghanda-handa ka na dahil sisingilin ko ang pamilya mo sa malaking utang nila sa akin. Huwag mo akong subukan. Hindi moa ko kilala. Hindi ninyo ako maloloko ni Rizza. Oras lang na malamang kong tama ang kutob ko at tama ako ng hinala sa inyong dalawa kagabi.” “Umagang-umaga ang ingay mo. Hindi ka ba natatakot na matanggal ka sa pagkapari? Tayo na ang pinag-uusapan sa buong barangay.” “Wala akong pakialam. Nasaan ba ang babaeng ‘yan ha?” “Hindi ba umuwi?” “Hindi. Wala akong naramdamang umakyat.” “Tinignan mo ba sa kuwarto niya? Kinatok mo ba?” “Bakit ko naman gagawin iyon eh hindi ko nga naramdaman o dumating kayo. Sabi mo sabay kayong uuwi.” “Nauna siya. Nagpaalam kami ni Kap kagabi at idinaan ko muna siya rito bago ako nakipag-inuman sa mga barkada ko.” “Sinungaling!” Binuksan ni Father Dimas ang ilaw. “Sinungaling? Check mo kaya muna sa kuwarto niya bago ka naghihinalang ganyan. ‘Yan ang hirap sa’yo puro ka hinala.” Narinig ko na ang pagpanhik ni Father at Paul papunta sa kuwarto ko. Iyon ang ayaw ko sa kanila kapag nag-aaway sila o nagtatalo. Dinig sa buong kumbento sa pagsisigawan nila. Kinakabahan ako. Nanginginig. Palapit na si Father sa kuwarto ko. “Tignan natin ha? Kung nandito sige, paniniwalaan kita. Pero kung wala dito sa kuwarto niya, malamang sa malamang, tama ang hinala ko na kayo ang magkasama! Malakas na kinatok ni Father ang kuwarto ko. “Rizza! Rizza, nandiyan ka ba!” Pahamak kasi itong si Paul. Sana hindi na lang siya nagsabing tignan ako sa kuwarto ko. Natatakot akong humarap kay Father lalo na kung ganyang galit nag alit dahil sa pagseselos niya. “Rizzzza! Punyeta! Ano? Bubuksan mo ba ito o gigibain ko!” Katahimikan. “See? Sinabi ko eh! Siya ang kasama mo sa likod ng puno! Siya ang kasama mo magdamag! Anong ginawa ninyo hayop ka! Anong ginawa ninyo ng malanding babaeng ‘yon!” sigaw ni Father Dimas. Lumabas ang kabaklaan niya. “Bakit po, Father?” tanong ko agad pagkabukas ko sa aking kuwarto. Mabuti na lang, nagawan ni Paul nang paraan na harangan si Father Dimas at bago pa nabuksan ng pari ang ilaw sa bahay ay nakaakyat na ako sa hagdanan. Muntik na niya akong nakita kung agad lang sana siyang tumingin sa hagdanan at wala si Paul na nakaharang, paniguradong nakita niya ako. Nang kumakatok siya, nagpapalit pa lang ako ng damit kong pambahay kaya hindi ko agad mabuksan ngunit dinig na dinig ko sila. “Kailan ka umuw ha babae ka?” “Mga ala-una ho.” Pagsisinungaling ko. Nananalangin ako n asana tulog na siya ng oras na iyon o kaya ay hindi siya nasa sala at naghihintay. “Ala una pa? Bumalik ako ng sayawan ng ala-una at wala na kayo. Ang sabi ni Kap sabay daw kayong umuwi. Hindi na ako nakatulog sa kahihintay sa inyo.” “Akala ko nasa loob lang kayo ng kuwarto ninyo nang dumating ako kaya hindi ko na kayo ginising.” “Ano? Pahiya ka? Ikaw kasi eh! Hindi ka nagtitiwala sa akin.” Panggagatong ni Paul sa sinabi ko. Huminga nang malalim si Father Dimas. Mukha namang kumbinsido na. “Sige na. Kunin mo yung motor mo, iparking mo saka ka susunod sa kuwarto. Gusto kong matulog dahil puyat na puyat ako sa inyo!” “Sige. Huwag ka nang magalit. Ikaw talaga!” inakbayan ni Paul ang pare. Hinalikan pa niya sa pisngi. Hindi ko alam kung may karapatan akong magselos o dapat akong magselos kahit alam kong ako naman talaga ang mahal ni Paul. Ngunit masakit. Nasaktan ako na sila ang magkaakbay at sila ang magkatabing matulog. “Ikaw, umaga na. Maglinis ka ha? Maglaba. Pagkatapos magluto kang tanghalian. Gusto ni Paul sinigang kaya damihan mong taba at talbos ng kangkong.” “Sige ho, Father,” nakayukong sagot ko. Humugot ako ng malalim na hininga. Araw ng aming Recognition Day. Isa ako sa pinakamatalino sa klase ngunit sanay na ako na walang pumupunta para sa akin. Walang natutuwa. Walang nagsasabit ng medalya. Nasanay na ako na lahat ng mga mahahalagang okasyon sa buhay ko, ako lang. Kailan ban ang huli akong nag-birthday? Noong buhay pa yung pari na nag-alaga sa akin. Hindi rin naman ako magawang handaan ni Paul noon kasi madalas siya sa aking naiwas. Parang natatakot siyang pagselosan ako ni Father. Kapag kasi mangyari iyon, paniguradong mas pahihirapan ako. Baka nga napalayas na ako kaya walang kahit anong okasyon sa buhay ko. Sa pasko, ramdam ko rin naman na mag-isa ako kahit bagong taon kasi ako lang sa kumbento ang naiiwan. Sina Father at Paul, nasa pamilya ni Father o kaya nasa pamilya ni Paul. Hindi siya imbitado. Hindi siya kasama ng pamilya. Hindi ko alam kung paanong nakakaya noon ni Paul na pabayaan lang ako. Kung noon pa man, mahal na niya ako, bakit kaya wala siyang nang mga panahong iyon noon. Nang second year na ang tatawagin ay tinignan ako ni Paul. Alam kong ako ang Top 1 sa klase ngunit alam ko rin naman na kukunin ko lang iyon. Kung makaramdam ang adviser, si adviser o si kapaitan na o Mayor ang magsusuot sa akin ng medalya ko. Tinawag na ng adviser namin ang third honors. Tumingin ako kay Paul. Katabi niya ang Mama niya. Ang Papa niya at limang kapatid niya nasa likod nanonood kasama si Father. Nang second honors na ang tatawagin, tinignan ako ni Paul. Nakita ko sa mata niya na parang naaawa na siya sa akin. Nang tinawag ang pangalan ko ay agad na akong pumanhik sa entablado at kinuha ko ang medal at ribbon ko. “Sinong magsasabi sa medals and ribbon mo, Rizza?” tanong ng adviser ko. Umiling ako. “Wala po.” Mahina at garalgal kong sagot. Pababa na ako dapat nang makita ko si Father Dimas na paakyat ng entablado. "Puwede bang ako na lang, Rizza? Ako na lang ang sasabit sa medalya at ribbon mo." Nagkatingin kami ni Paul na noon ay pumapalakpak sa audience. Ngumiti ako. Ngumiti din siya. Nang mailagay ni Father ang medal ko ay inakbayan niya ako at nagpakuha ng litrato. "Salamat po, Father” bulong ko. "Walang anuman. Mabuti akong tao sa mabuti sa akin, pero masama akong kaaway, Rizza. Hindi habang-panahon makakatago kayo ng sikreto." bulong niya sa akin na nakangiti. Alam kong ako lang ang nakarinig sa banta niyang iyon. Napalunok ako. Kinabahan. May alam na kaya talaga si Father sa pang-aahas ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD