Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng aking kwarto. Medyo nagtaka ako nang una kung bakit nasa hindi ako pamilyar na kwarto. Mukhang hindi pala isang masamang panaginip ang mga nangyari kahapon. Ang balitang pagkamatay ni lolo, ang tatlong huli niyang kahilingan at ang biglaan kong paglipat sa Enchantasia. Nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng isang araw.
Ramdam ko ang pagkalam ng aking sikmura dahil sa hindi ako nakapag-hapunan. Naisipan ko nang simulan ang paghanda para sa unang araw ng aking klase rito sa Enchantasia. Pagbaling ko sa aking walk in cabinet ay may nakasampay na isang kakaibang itim na uniporme. Maihahantulad ko ang uniporme sa mga magical anime. Sabagay ilang beses na ako nakita ni lolo na nanunuod ng mga ganoong palabas.
Paglabas ko ng aking dorm ay maraming estudyante ang mapahinto sa kanilang pag-uusap. Nagkibit balikat na lamang ako ay sinimulan hanapin ang cafeteria. Inilabas ko ang mapang kasama sa mga ibinigay ni Kuya Tyler. Mukhang nakalimutan kong gamitin ito kahapon. Minsan talaga hindi ako naag-iisip.
Nakapagtataka lang dahil kakaiba ang buong mapa ng Enchantasia. Mayroon kakabit na mga gem sa mapa na nasa iba’t ibang parte ng akademya. Sa north ay may red gem na sumisimbolo sa elemento ng apoy. Sa east naman ay blue gem na sumisimbolo sa elemento ng tubig. Sa west ay green gem na sumisimbolo sa elemento ng lupa. Sa south ay yellow gem na sumisimbolo sa elemento ng hangin. At ang huli, white gem na nasa gitna ng buong akademya.
“Weird.”
Ano kaya naisipan ni lolo para maglagay ng ganitong pakulo sa mapa ng kanyang akademya? Sabagay simula nang umapak ako rito ay marami na akong nakitang kakaiba mula sa normal na akademya.
Naramdaman ko na may mga brasong umakbay sa magkabilaan kong balikat. “Good morning, Naomi.” Nakangiting bati ni Cielo sa akin.
“Naisip namin na baka naliligaw ka muli kaya nandito kami ni Cielo para samahan ka” Concern na sambit naman ni Citron. Walang paalam na tinangay ako nang dalawang lalaki at hindi ko alam kung saan nila ako daldalhin. Hinayaan ko na lang sila dahil palagay ko ay mababait naman ang dalawang lalaki, may pagka-weirdo lang.
Lahat yata ng makakasalubong namin ay nagugulat kapag nakikita kami. Ang iba sa kanila ay binibigyan ako ng matatalim at naiinggit na mga tingin. Ito siguro ang katulad ng mga nababasa ko. Mukhang sikat sila at hindi na nakakapagtaka dahil gwapo naman talaga.
Hanggang sa bumitaw sila sa pagkaka-akbay. Bumungad sa aking harapan ang cafeteria. Paano kaya nila nalaman na rito ako pupunta? Napakagat labi ako nang malakas na kumalam ang aking tiyan. Mukhang kanina pa kumakalam ang tiyan ko para malaman nila na rito ako pupunta. Kita ko ang pagpipigil ng tawa ni Cielo sa aking tabi kaya siniko siya ni Citron para tumigil.
Nilibot ko ang aking tingin sa cafeteria. Mukhang bawat estudyante ay may kanya kanya ng kinalulugaran. Araw-araw ba naman sila kumakain ng sabay sabay rito.
“Tara, Naomi.” Sambit ni Cielo ay hinila na naman ako kung saan.
“Okay lang naman siguro kung isabay natin siya, di ba?” Narinig kong pagpapaalam ni Cielo at sa pag-angat ko ng tingin ay bumungad ang aking mga pinsan.
“Sure.” Nakangiting pagpayag ni Kuya Tyler.
Napanguso ako ng aking labi. Ayoko ng special treatment pero mukhang sa mga sikat sa akademya pa ako sasabay kumain. Hindi na nakakapagtaka kung may humarang sa akin mamaya para sabihan na layuan sila.
Umupod ng upo si Kuya Tyler kaya tumabi ako sa kanya. Samantala si Jija naman ay sinasamaan na naman ako ng tingin. She really hates me.
“Naomi, try mo itong dessert nila. Masarap!” Pang-aalok sa akin ni Yuan na ikinataka naman nina Citron at Cielo.
“Kilala niyo pala si Naomi.” Nagtatakang sabi ni Cielo.
Nag-irap naman si Jija. “Duh! Siya lang naman ang transferee na sinundo namin kahapon.” Pagpapaliwanag ni Jija saka nag-flip ng kanyang buhok. Mukhang na-convince naman ni Jija sina Citron at Cielo nang magsimula na rin silang kumain.
“Naomi, buti na lang nakilala mo na sina Citron.” Sambit ni Kuya Tyler sa akin. “Magiging mga kaklase mo sila.”
Natigil sa kanyang pagkain si Cielo. “Woah! Kaklase pala natin si Naomi eh.” Masayang sambit niya at lumingon kay Citron.
“Buti naman may matino na akong makakasama.” Masayang sambit ni Citron na ikinasimangot naman ni Cielo. “Matino ako oy.” Angal ni Cielo sa sinambit niya.
*******
Isang combat training.
Sinong mag-aakala na may klaseng ganito sa Enchantasia? Minsan iniisip ko kung ano ba talagang klase ng akademya ang itinayo ni lolo. Alam ko na may kakaiba rito. Hindi ko pa lang matukoy kung ano iyon.
“Magsama sama na ang magkakapareha.” Anunsyo ng aming combat trainer pagkadating na pagkadating niya. Nilingon ko sina Citron at Cielo na sila pala ang magkasama. Samantalang naiwan ako mag-isa sa gitna ng field dahil ako na lang yata ang walang kapareha.
Nabaling ang tinging ng aming combat trainer sa akin. “You must be Miss Veneficia, the transferee.” Sambit ng niya habang nakatingin sa kanyang class list. “Mayroon pa bang walang kapareha?” Tanong niya sa aking mga kaklase.
Kita ko ang pagmumutla ng lahat at isang direksyon lamang ang tinignan nila. May isang lalaki na nakahiga sa ilalim ng puno na tila natutulog at walang pakialam na may klase kami ngayon. Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng takot habang nakatingin sa nakahigang pigura ng lalaki.
Sukong napabuntong hininga ang aming combat trainer. “Aidan Nuria.” Sambit pa niya sa pangalan ng lalaki. Nagmulat ng mga mata ang lalaki at bagot na bagot itong bumangon mula sa pagkakahiga. “Siya ang makakapareha mo sa combat training mula ngayon.”
Nalipat ni Aidan ang tingin mula sa aming guro patungo sa aking gawi. Napasinghap at napamangha ng makita ang pares na tila nagliliyab na mga mata.
“Tss.” Rinig kong bulalas niya saka dahan dahang lumapit sa kinaroroonan ko. Bagot niya inilagay sa magkabilaang bulsa ng pantalon niya ang mga kamay niya.
Nagsimula nang magtawag ng mga magkakapareha ang aming guro. Nagulat ako sa mga galing na ipinamamalas ng lahat sa combat. Para bang normal na bagay lamang sa kanila ang makipaglaban. Pero bakit?
“Last pair na.”
Naunang pumagitna si Aidan na tila bagot na bagot na. Tinignan naman ako ng lahat na tila mga natatakot sa aking maaaring kahihinatnan.
“Kawawa naman siya. Ang last na nakapareha ni Aidan ay naka-confine pa rin sa ospital.”
“Kahit babae siya ay papatulan siya ni Aidan. Ganyan pa naman siya ka-brutal makipaglaban.”
“Good luck sa kanya.”
“First day pa man din niya ngayong araw at mukhang hindi na siya makakapasok muli.”
Hindi ko maiwasang mapalunok sa mga naririnig kong bulong sa paligid. Ewan ko ba kung bulong ko ba talaga iyon masasabi o talagang pinaparinig nila sa akin.
“I’ll pray for her soul.”
“Condolence.”
Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang nagsabi ng mga iyon. Aba’t pinapatay na ako ng mga kaklase ko. Kung i-cheer nalang kaya nila ako kaysa ilaglag?
Napailing na lang ako ng ulo at tumigil ng ilang hakbang sa harapan ni Aidan. “Simulan niyo na.” Panimulang hudyat ng aming guro.
Nang una ay walang gumagalaw sa aming kinatatayuan ni Aidan. Ako ba ang mauunang susugod o siya? Sa isang beses ko lang na pagkurap ay napunta siya sa aking unahan. Agad ko pinag-cross ang aking mga kamay para isangga sa kanyang pagsipa.
Napaatras ako ng ilang hakbang dahil sa atakeng iyon. Buti na lamang ay mabilis ako nakapag-depensa ay baka buong mukha ko ang makakatanggap ng impact ng atakeng iyon. Sunud sunod na umatake si Aidan sa akin pero puro paa lamang ang ginagamit niya. Kaya tinatatagan ko ang aking pagdepensa dahil alam ko na iniintay lamang ni Aidan na mabutasan ito at doon niya ako tuluyang matatalo.
Habang tumatagal ay pabilis ng pabilis ang kanyang mga pag-atake kaya sinabayan ko rin ito ng bilis ng aking pagdepensa. “Woah!” Manghang hiyaw ng aking mga kaklase na nanunuod sa aming laban.
Napatigil si Aidan sa kanyang pag-atake at mataman ako tinignan. Hanggang sa inilabas niya sa isa niyang bulsa ang nakatago niyang kanang kamay. Lalaban na siya ngayon na gamit ang isa niyang kamay.
Unang suntok pa lang niya ay ikinamanhid ng buo kong braso. Kung kanang kamay pa lang iyon, gaano pa kaya kalakas ang suntok niya sa kaliwa niyang kamay?
Totoo ang sinabi nila na kahit babae ay hindi niya palalampasin. Sabagay sa isang totoong labanan, walang babae, bata o matanda. Walang pakialam ang kalaban kung mahina ka o walang kalaban laban. Dapat maunahan mo sila bago ikaw ang maunahan nila.
Lahat na iyon ay ibinilin sa akin ni lolo noong tinuturuan niya ako na makipaglaban. Nanikip ang aking dibdib at pinigilang maiyak nang maalala muli si lolo. Namimiss ko na siya.
“Tss.” Bulalas ni Aidan. “Baka sabihin mo hindi ako naging mabait sa iyo kaya pagbibigyan kita pagkakataon na itaas ang kamay mo at sabihing umuurong ka na.”
Napamaang ako sa kaangasan niya. Kaso hindi ako maaaring sumuko lalo nang makita ko na pati ang mga pinsan ko ay nanunuod na rin sa aming laban. Ayoko na isipin nila na mahina ako.
“Hindi ako susuko.”
“Fine. You decide to fight until the end” Sabi ni Aidan at nilabas ang kanyang kaliwang kamay mula sa kanyang bulsa. Napasinghap ang aming mga kaklase sa aming paligid. Ang iba sa kanila ay inuudyok ako na sumuko na lang.
“Bring it on!” Hamon ko sa kanya at ngayon ay unang umatake sa aming dalawa. Bawat atake ko ay hinaharang niya rin ng isang atake. Nagiging palitan lang ng suntok at sipa ang labanan namin.
Nang pareho kami hingalin ay sabay kami lumayo sa isa’t isa. Hindi ko magawang kumurap o putulin ang tingin namin sa isa’t isa. Dahil kapag ginawa ko iyon ay maaaring maisahan at matalo ako.
Akmang susugurin namin muli ang isa’t isa nang biglang pumagitna ang aming guro. “Kulang na tayo sa oras.” Nanghihinayang niyang sambit. “Sa susunod na lang siguro natin aalamin kung sino ang mas magaling sa inyo.”
“Aw. Sayang.”
“Ito ang unang beses na may nakasabay sa pakikipaglaban ni Aidan.”
“Ang mas nakakagulat ay babae pa siya.”
********
Natapos ang una kong araw sa Enchantasia na tila pagod na pagod ako. Isa lang ang naiisip kong gawin sa mga oras na ito kundi ang matulog. Ngunit bago ko pa magawa ang ninanais ko ay malakas na bumukas ang pinto ng aking dorm. Nandoon si Jija na nakataas ang isang kilay sa akin at ginagawaran pa rin ng matalim na tingin.
“B-B-Bakit?” Dahan dahan siyang humakbang patungo sa akin at bigla akong hinila sa collar ng aking suot na damit. “T-Teka saan tayo pupunta?”
Dahil wala naman akong laban sa lakas ni Jija ay nagpatangay na lang ako kung saan niya ako balak na dalhin. Lakad lamang kami ng lakad hanggang mapunta na kami sa gitna ng Enchantasia. Ang lugar na kinalalagyan ng white gem. Bumungad sa aking harapan ang malaking pintuan na may nakalagay na ‘Headmaster Office’ sa tutok nito.
“Bakit tayo pumunta rito?”
Tinignan niya ako ng tila napaka-obvious naman ng sagot sa tinanong ko. “Ikaw ang bagong headmistress, di ba?” Nakahalukipkip niyang sabi at saka tinulak ako paloob ng pintong iyon. “Ngayon mo na simulan ang trabaho mo, headmistress.”
Sa paglingon ko ay bumungad ang tambakan na mga papeles sa buong opisina. “Good luck.” Mapang-asar na sabi ni Jija bago ako iniwan sa kwartong iyon. Nanlulumo ako napaupo sa sahig at naisip na may lihim na galit si lolo sa akin para iwanan ang ganitong karaming trabaho.