C39

2826 Words
JOHNSER SY POV:) Nasa office ako nung oras iyon. Kalat na sa buong media at sa buong mundo ang nangyari sa kapatid ko. Di ko mapigilang mapangiti dahil sa wakas, mapapasaakin na rin ang pinapangarap kong kompanya. Nakatanaw ako sa labas ng bintana habang may hawak na basong naglalaman ng tequila nang may pumasok nalang sa office ko. Di ko na kailangan lumingon pa dahil kilala ko kung sino ang pumasok. "Sigurado ka bang kasabay sa pagsabog sa kotse ang kapatid ko?" Tanong ko sabay lingon dito. "Opo. Lahat nalinisan ko na po. Wag kayong mag-alala, Sir Johnser. Tinapos ko na ang pinapatrabaho nyo po sa akin." Sagot ng alaga ko, si Dylan Lorenzo, ang butler ni Clive na di nila alam, traydor siya at alaga ko siya. Nakangiting demonyo na pinagtaptaptap ang balikat nito. "Good job!" Sabi ko na may ngiting pang-demonyo. ELIZABETH VILLATORTE POV:) "What? You don't know your name?" Gulat na bulalas ko. Nag-nod naman siya at parang di talaga niya alam ano pangalan niya. "Taga saan ka ba?" Tanong ko pa rin dito. "What?" Tanong nito habang may laman ng tinapay ang bunganga nito. Oo nga pala! Ingleshirong hilaw pala ito. "I mean, where are you live?" pag-translate ko sa english. "I don't know, I don't know where I live nor my family. I don't know who I am." English pa rin na sagot nito. Di ko alam kung bata ito o binata na. Di ko matukoy kasi ee. Ang dumi nya saka puro itim ang mukha niya. Uling ata ito ee. Pero matangkad siya, medyo maganda ang pangangatawan at childish siya magsalita at kumilos. "Kahit ni isa, wala ka naaalala?!" Tanong ko pa rin. "What?!" Natampal ko nalang ng palad ko ang ulo ko. Nagtagalog na naman ako. Dapat speaking english ako. "I said, even one? You..you don't remember?" Translate ko sa English. Di ko alam kung tama ini-english ko. Bahala na. "I wake up on the place full of charcoals. When the owner saw me, he immediately envict me to go out, I run fast until I reach this place." Kwento niya. Kahit paano, naiintindihan ko pa rin siya. Pero may ibang words ang di ko naintindihan. Envict? Pinoy Big Brother? Mahina ako ng kaunti sa English. Nosebleed ako nito! Siguro, kailangan ko na umalis. Mali-late na ako sa trabaho ko. Saka mano-nosebleed lang ako nito. Marunong naman ata siya mag-tagalog, pa-sosyal pa. Baka magnanakaw sya? At nagpapanggap na walang alam? Kailangan ko na nga itong iwasan. Magnanakaw ata ito o mamamatay tao. Di naman siya kano para magsalita siya ng English. Halatang pinoy siya ee. Itsura at physical palang niya, pinoy na pinoy na. "Bye, I will leave you." Pagmamadaling paalam ko at iniwan na siya. Naglakad na ako paalis. Di pa ko nakakalayo, napalingon ulit ako sa likuran ko. Napatalon nalang ako sa gulat nang makitang nasa tabi ko yung hilaw na englishero na iyon at sumasabay din sa paglalakad sakin. Ngumiti ito sakin habang may tinapay sa bunganga nito dala ang supot na may laman pang tinapay. "Go! Shoo! You! Don't go on me please I don't know you, I'm not a babysitter." Pagpapaalis ko sa kanya. Tumigil naman siya sa paglalakad. Naglakad na ako ulit pero nakita ko na naman na sumusunod siya sakin. Pag tumitingin ako sa likuran, tumitigil siya sa paglalakad at kunyark titingin siya sa ibang lugar. Pag maglalakad ulit ako, susundan na naman niya ako. "Tang-ina! Di kita kilala, layuan mo na ko!" Sa loob-loob ko at binibilisan ko na ang paglalakad ko. Tumakbo na ako at tumakbo na rin yung pulubing englishero na iyon na tila sinusundan ako. Halos napasigaw na ako ng... "Waaaahhh!" Tang-ina! Para tuloy ako sa horror movie at nakikipaghabulan sa zombie. Chacks! Kakatakot! Tae! Anong gulo ang pinasok ko. Hayst! Nang nahihirapan na ako tumakbo, dahan-dahan na ako tumigil sa pagtakbo hanggang napatigil na ako at napatungkod ang kamay ko sa may tuhod ko. Panay hingal ko sa sobrang pagod sa kakatakbo. "Time first. Ah! Ah! Time first..." Sabi ko dito sabay nag-ekis sign sa kamay na akala mo talaga naglaro kami ng habul-habulan. Umayos na ako ng tayo pero humihingal pa rin ako. Nasa harapan ko siya at parang di napagod o pinawisan man lang sa pagtakbo. "Are you ok?!" Tanong niya sa akin. "Tang-ina! Kala mo okay ako? Please, Mr. Stranger, don't english me! Wala tayo sa America, nasa pinas tayo! Okay! Okay! OKAY?!!" SAbi ko dito halos pinandilatan ko pa siya ng mata. Hindi ito umimik bagkus nakatingin lang siya sa akin habang bahagyang naka-pout siya. Sabi na nga! Di niya naintindihan sinasabi ko. "You! Po--poor? You beggar, don't follow follow me. I had work to do. You work to like what other beggar did if you want to life you. You sit there and say hungry okay?! Bye! You stay there, don't follow follow me." Naiinis nang sabi ko sa kanya habang paatras papalayo dito. Di ko alam kumg tama pagkaka-English ko. Aba! Di nga siya kano pero pag umi-english siya ang galing. Tae! Baka magnanakaw nga ito? Nagpapanggap lang ng pulubi?!! Pagkatalikod ko para maglakad na, napatigil ako sa paghakbang nang maramdamang nakahawak siya sa damit ko sa likuran. Dahan-dahan ako lumingon dito at nakita kong parang nagmamakaawa na wag ko siyang iwan. "Can I come to you? I don't know where I go even where I can sleep. Can I live on your house temporarily? If I remember anything, I will leave." Pagmamakaawa nito sa akin. Wala akong magawa. Ako yung taong maawain kaya mahirap tanggian ang tulad niyang parang walang uuwian na pamilya. Lalo akong naaakit at naaawa dito dahil para siyang aso na nagpapa-cute tapos nagti-twinkle pa ang mga mata. Naku! Bahala na kung mapagalitan man ni Landlord kung bakit dalawa na kami sa iisang kuwarto! "Okay, okay. But you behave." Payag ko at kondisyon ko sa kanya. "Yehey!" Masayang turan nito. Isa sa sabi ni Mama, tulungan ang mga nangangailangan dahil isa itong bukod tangi sa lahat. Magkakaroon ka ng isang gantimpala galing sa panginoon. ELIZABETH VILLATORTE POV:) "We are close to my house, you don't forget what I said you quite and don't put dirt. All your dirt put it on trash. Understand?" Sabi ko sa kanya habang naglalakad na kami papunta sa inuupahan kong bahay. Di ko pa rin alam kung tama ba pagkaka-english ko. Di naman kasi ako magaling sa english. Sana maintindihan niya kahit papanu. Panay lingon lang siya sa paligid sa dinadaanan namin. Kada nakakakita siya ng mga taong nagtitinda ng mga street foods o mga nagtitinda ng mga kakanin, napapa-'wow' siya. Minsan naman napapa-'yummy' pa! "Understand?" Ulit ko pa ring sabi. Parang di kasi siya nakikinig. Sa pagkain siya nakatingin. Tumingin agad siya sakin sabay sabi ng, "Yes, my Lady." Nakangitin sagot niya sakin agad. "Good, good!" Bumaling na ulit ako sa daan at nasa harapan na nga kami ng isang maliit lang na bahay na may style pagka-building. Tumigil na kami sa harap ng bahay ng landlady at humarap ako sa Engleshirong pulubi. Paglingon ko, wala na siya sa likuran ko. "Asan na yung madumi na yun?" Sabi ko. Hinanap na hinanap ko siya, nakita ko nalang siya nasa kabilang kalsada siya. Nandodoon siya sa Computer shop at nanonood ng naglalaro ng mga online games. Napakamot nalang ako sa ulo. Tumawid na ako ng kalsada para puntahan yung madumi na yun sa computer shop. "Hey, hurry up! You and me need to talk land lady if you can stay there---" di ko na napatuloy sasabihin ko dahil mukhang di siya nakikinig sakin. Nakatutok lang siya sa lalaking naglalaro ng Ros o Rules of Survival. Yung mata niya nagtitingkad at parang gusto niya maglaro din. Tapos yung kamay niya parang di mapakali na tila kunyari nagpipindot sa keyboard. Naiinggit siya sa mga binata ditong naglalaro ng ROS. Pero lahat dito ay puro pustahan lang naman na laro. Para siyang bata na nag-aasam na gusto rin makapaglaro. Oh my god! Naaawa na naman ako! Tang-ina! Bakit ang hina ko pagdating sa mga ganito? Ang dali ko maawa. Napailing-iling nalang ako nang bumalik na ang tamang pag-iisip ko. Bumaling ulit ako dito. Hinawakan ko ang mangas ng shirt niya sabay hinila-hila. "Hey!" Tawag ko dito. Napatingin naman ito sakin. "Hi, my Lady!" Sabi niya nang makita ako sabay ngiti ng napakalapad halos kita ang kaputihan ng ngipin niya. Wow ah? Siya lang ang nakita kong pulubi na ang linis at ang ganda ng ngipin. Ang puti at walang sira man lang at saka kompleto pa! "Go! You and me, go to my house. Hurry!" Yaya ko na sa kanya. Ayaw pa sana niya kaso hinila ko na siya habang hawak ko ang manggas ng damit niya. Nagpaakay nalang siya sa akin. "What you want I call you? A temporary name?" Tanong ko dito habang tumatawid na kami ng kalsada. "Ros." Sagot niya pero nakatingin siya sa likuran at tinitingnan pa niya yung naglalaro ng ROS. "Ros? You want me tawag-tawag---isteh call you you a Ros?" Bahagyang nagulat na sabi ko. Mukhang naadik na sya sa games ng Rules of Survival. Tumango siya dahan-dahan sabay ngiti ng kasing laki pa sa half moon. "Okay! I call you Ros and I'm beth. Kaya pwede ba? Don't ingles me kasi ang hina ko dyan. Napipiga na utak ko sa kakaisip ng translation ng ibang word. Nasa pinas tayo wala tayo sa America." Naiinis nang pahayag ko halos di ko na in-english. Nahihirapan na talaga ako. Sumasakit na bunganga ko sa kaka-english, pati utak ko napipiga na rin. "Ah?" Di niya naintindihan sinabi ko. "Never mind." Pumasok na kami sa isang maliit na building. Third floor iyon pero sa bawat floor, apat ang kuwarto. Nasa 2nd floor yung kuwarto ko. Bago pa man umakyat sa 2nd floor, pinuntahan na namin ng madumi na ito yung kuwarto ng Landlord ng building na ito. "What I said to you, remember it? Okay?" Pagpapaalala ko sa kanya nang nasa harapan na kami ng kuwarto ng Landlady. "Yes, my Lady." Sagot lang niya at ngumiti ng matamis. Doon na nga ako kumatok ng tatlong beses sa kuwarto ng Landlady. Di nagtagal, bumukas naman iyon. "Bakit?" May pagkakasungit na tono na tanong nito. "Magandang umaga po. Maaari po bang mag-stay po ang ka..." Kapatid ba sasabihin ko? Pinsan? Boyfriend?! Wag boyfriend! Ayaw ko maging boyfriend itong madumi na ito. Iww! Taray ko 'no? Kala mo di ako galing sa madumi. Hahaha! "...k-kapatid ko po? Wala na kasi magulang namin at pakalat-kalat nalang siya sa kalsada. Wala na siya matutuluyan. Kung maari po pwede po ba patirahin ko po siya dito? Share po kami sa kuwarto ko. Dadagdagan ko po ang bayad ko sa pag-uupa ko dito. Please? Maaari po ba?" Pagmamakaawa ko dito. Tiningnan muna nito si Ros, baba hanggang taas. Napataas-kilay ito nang makita na kabuuan nito. "Okay! Pero paliguan mo muna siya. Ang dugyot-dugyot niya." Nandidiring payag ng Landlady. Napangiti ako nang pumayag din ito. "Salamat po! Maraming salamat po!" Sabi ko halos nagbow-bow pa. "Okay." Sabi nito at sinarado na ang pintuan. Nakahinga na ako ng maluwag. "What did she say?" Tanong ni Ros sakin at mukhang di niya naintindihan pinag-usapan namin ni Madam Landlord. "She say take a bath. You look dirt. Let's go! You take a bath, after you bath I go to work. Hurry! I'm late na in my work." Sabi ko sa kanya sa English. Umakyat na kami ng hagdan papuntang 2nd floor. JOHNSER SY POV:) Nasa Morque kami at doon dinala yung katawan ng kapatid ko na sunog na sunog na halos di na makilala pa. Papunta kami ng Papa at Lola ko doon kasama ang butler nito, si Ramon na tagapag-alaga ng kapatid ko sa States at si Mr. Yu kasama ang anak niyang si Mandy Yu, nagmamay-ari ng Sumex Company. Binuklat ni Papa ang puting tila na nakatakip sa katawan ng kapatid ko. Napapikit kaming lahat nang makita ang sunog na mukha ng kapatid ko. Di na makilala ito at parang na-letchon na talaga. "Nagpapatunay na si Clive po iyan, Mr. Sy dahil suot ng anak nyo ang regalo nyo sa kanyang kuwintas." Sabi ng Doctor sabay turo sa kuwintas na suot ng kapatid ko. Napaluhod at napaiyak nalang si Lola nang makita ang kuwintas ng kapatid ko. Dahil katawan nga ito ng apo niya dahil suot nito ang kuwintas. "Apo ko! Huhuhu!" Panay iyak lang si Lola."Apo, bakit mo kami iniwan?!! Huhu!" Napaluha nalang yung anak ni Mr. Yu na si Mandy. Siguro naaawa lang siya. Panay iyak naman si Diego. "Sorry, dapat di ko na binayaan siyang mag-drive mag-isa. Huhuhu, yung alaga ko. Huhuhu." Halatang nagsisisi na sabi ng tagapag-alaga ni Clive, si Diego. Tiningnan ko si Dylan at palihim na tumango siya. Palihim na tumango rin ako dito. Saka lumapit ako kay Lola at pakunyari na umiiyak din at pinapatayo si Lola. "Lola, tumayo po kayo. Ayaw ni Clive na makita kayong ganyan. Di siya masaya nyan..." Nagkukunyaring umiiyak na sabi ko dito. "Condolence." Sabi ni Mr. Yu kay Papa nang hawakan nito ang balikat. Tumango lang dito si Papa at kahit di siya umiiyak, kita ko sa mata niya ang pamumula ng mata. Palihim na tiningnan ko si Papa. Ngumiti ako ng demonyo. "Wala na si Clive, Papa. Ibibigay nyo na rin sakin ang kompanya na matagal ko nang pinapangarap na makamtan." sa loob-loob ko. ELIZABETH VILLATORTE POV:) Pagkabukas na pagkabukas ko ng kuwarto ko, nauna nang pumasok sa loob si madumi---isteh si Ros. Nasanay na akong tawagin siyang madumi ee. Madumi kasi siya, puro uling katawan niya. Mapadamit at mapamukha niya, puro uling talaga. Panay 'wow' lang si Ros habang panay libot nya sa kabuuhan ng kuwarto ko. Maliit lang kasi kuwarto ko, may kusinang maliit pero walang CR. Yung CR dito, all in one. I mean, share talaga. Lahat ginagamit dito. Kada floor, may CR din kaya di mo na kailangan bumaba pa o hanapin ang CR kasi meron na dito. Malapit pa! Nakita ko nalang si Ros na nakaupo na sa isang maliit at pang-isahang sofa at kinuha yung remote at pinag-aralan kung saan iyon ginagamit. May pinindot nalang siya doon at saka bumukas yung T.V halos nagulat si Ros. Pinatay niya ulit yung T.V at binuhay na naman. Napa-'wow' na naman siya sa nadiskobre na namang kakaiba. Naka-on lang yung T.V nang makita niya yung Painting na nakasabit sa dingding. Pinuntahan niya agad iyon at hinawak-hawakan pa. "Beautiful." Sabi niya sa Painting. Nang makita niya yung Electric Fan, pinindot niya yung number one. Napatalon siya sa gulat nang umandar iyon. Parang takot na pinindot na naman niya yung number 2. Napapa-clap-clap siya dahil bumibilis at lumalakas yung lumalabas na hangin. Sunod niya yung max na max na yung lakas yung number 3. Para siyang bata na nagpapahangin sa harap ng Electric Fan. Napatingin siya sa maliit na stove kung saan doon ako nagluluto ng mga pagkain. Nanlaki mata ako nang makitang papaikutin niya ang pampabuhay nun kaso huli na. Takot na takot na tumakbo siya sakin nang may lumabas na apoy sa stove. "Oh my god! What's that?!! That thing want to kill me!" Takot na takot na sabi ni Ros nang tumago siya sa likuran ko. Natawa nalang ako. Pinatay ko na yung stove at natatawa pa ring humarap ako sa kanya. "That thing, called Stove." Paliwanag ko dito. "What is Stove? Use for what?" Tanong pa rin niya."For killing a person?" Dagdag niya. Natawa ako lalo sa huling sinabi niya."No. It use for cooking. Cooking-cooking of foods. Yeah! Foods and then playing---" "Playing?!" Parang batang natuwa na sabi nito agad. "N-no, no, no, no! Not playing! Use for prying. Prying a fish! Anything that good-good to prying. Hehehe." Paliwanag ko dito kaagad. Ano daw? Tama ba english ko? "My lady, I want to take a bath. I'm not comfortable on my body, I look like a mess." Asal bata na turan nito at napakamot pa sa leeg nito. "Ah! Oo nga pala! Wait me. Just wait for me. Bibili ako sa hukay-hukay ng idadamit mo--- I mean, just wait for me. I'm just buy you clothes on bargain bargain. We are next to CR, you go there take the towel, use it after take a bath. You back here and wait for me if I'm not around. Understand?" Bilin ko. Bahala na! Bahala siya! Mahina ako sa English. Bahala siya kung di niya maintindihan. Saan ba kasi galing itong abnormal na ito kahit magtagalog, di marunong? Tsk! Habang nag-uusap kaming dalawa, napalabas sa T.V yung nangyari kay Clive. Dahil wala ang atensyon namin sa T.V kaya di namin napanood yung balita. "Ok, my Lady." Sabi niya at nag-pout bahagya. "Oh, sya! Sige, sige! Just wait me. Okay?" sabi ko pa dito. "Okay." Sabi nito sabay nag-thumbs up pa at ngumiti ng matamis. Naglakad na ako palabas ng kuwarto. Nakahinga na ako ng maluwag nang makalabas na ako doon. Salamat at di pa ko dinuduguan sa ilong. Di pa ko nosebleed sa kaka-English. Wiw!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD