C40

2087 Words
DYLAN LORENZO POV:) "Wala na ang tagapagmana ng Uphone. Paano na nito? Hindi maaaring mapunta iyon sa panganay na anak ni Mr. Sy." Makahulugang sabi ni Papa nang pinuntahan ko siya sa office nito. Secretary ito ni Mr. Sy at malaking utang na loob namin sa pamilya nila dahil di dahil sa kanila, wala na sana ngayon si Mama. Sila ang nagpa-opera at gumastos lahat sa hospital. Nagkaroon kasi ng tumor si Mama sa utak na mabuti naman na-operahan ito agad. Laking pasasalamat nang magulang ko sa kanya kaya noong baby palang ako, napagdesisyon ng mga magulang ko na maging butler ako ng bunsong anak ni Mr. Sy at maninilbihan na kami sa pamilya nito. "Papa, may mali ba kung si Johnser humawak sa kompanya ni Mr. Sy?" Tanong ko dito. Tiningnan ako ni Papa at agad na bumawi ito ng tingin. Napahawak nalang ito sa ulo nito at halatang namomroblema din. "Di mo alam, anak bakit ayaw namin si Johnser ang magmana ng lahat na iyon." Makahulugang turan lang ni Papa. Alam ko naman na masama si Sir Johnser at may sakit ito sa pag-iisip. Madali ito magalit at di makontrol minsan nito ang galit. Pero mabait naman ito kaso minsan bumabaliktad isip nito pag di niya nagustuhan ang gusto niyang mangyari. "Kung alam nyo lang papa na inutusan ako ni Sir Johnser na ipapatay ang kanyang kapatid. Wag kayong mag-alala papa, nasa mabuting kamay ngayon si Clive. Di ko siya pinatay, tinakas ko lang siya sa kasamahan ni Sir Johnser." Sa isip kong sabi. Di ko kayang patayin si Clive. Kahit di niya ako pinapansin o di kami masyadong close, tinuring pa rin niya akong mahalaga sa kanya noong nasa States kami. Mabait si Clive at di ko kayang pumatay ng tao. "Paano na'to? Namomroblema na si Mr. Sy dahil nawala ang nag-iisa at totoo niyang anak." Problemadong turan na lamang ni papa halos nasabunot na nya ang buhok niya. Nagtataka na ako sa ikinikilos ni Papa. Bakit ganun nalang siya mamroblema? May mali ba at masama kung si Johnser na ang maging CEO ng Uphone? "Bakit, Papa? Sabihin nyo ang alam nyo?" Takang tanong ko halos kumunot na ang noo ko. "Si Jayson Clive Sy at Johnser Sy ay gshxhcjsjcm..." "Ano?" Gulat na bulalas ko sa nalaman. MANDY YU POV:) Naglalakad ako papunta sa food court nitong Uphone Company. Papunta ako sa dati kong binibilhan na coffee nang makita ako ng mga chismosa kahapon. Nakatingin sila sa akin at parang may pinag-uusapan. Di ko sila pinansin bagkus nag-chin up lang ako habang naglakad at nilagpasan ang table nila. Di pa ako nakakalapit sa binibilhan kong coffee nang nagulat akong sumulpot yung isang chismosang babae sa gilid ko. "Hi! Pwede magtanong?" "Wha?" Tanong ko nang makalapit na sa binibilhan kong coffee."Vanilla." Sabi ko sa tindera. "Di ba, ikaw si Mandy Yu? Anak ng nagmamay-ari ng Sumex?" Paniniguro nito. Tiningnan ko ito na may malditang tingin."Yeah! Ako nga, bakit?" Tumingin ito sa mga kaibigan niyang nasa table."Sabi ko na sainyo ee! Siya nga iyon." Mahinang sabi niya sa mga kaibigan niya. Nagbayad na nga ako at kinuha ang inorder kong coffee. Naglakad na ako para umalis. Kaso biglang hinarangan nito ang dadaanan ko. "Bakit?" Tanong ko pa rin dito. "Ako nga pala si Coreen. Isang employee dito." Pagpapakilala nito sa sarili niya at inilapat ang kamay. Mabait ako at friendly kaya tinanggap ko naman ang pakiki-kamay nito. "I'm Mandy Yu." Pagpapakilala ko rin sa sarili ko na may tonong maldita pa rin. "So, magkaibigan na tayo. Don kana m muna sa table namin. Mag-usap tayo ng mga kaibigan ko." Mukhang pumi-feeling close na agad na anyaya nito. "Wait---" Hinila na niya ako papunta sa table ng mga kaibigan niya. Ano pa ba magagawa ko e di nagpa-akay na lamang ako. "Guys! Ito na si Mandy. New friends na natin." Nakangiting balita niya sa mga kaibigan niya nang makalapit kami. "Waaah!" Tili naman ng isang babae. "Ito na nga siya!" Sabi naman ng dalawang babae halos nagpaluan pa sila sa braso. Yung isang lalaki na kasama din nila, nakangiti lang saking malapad kaso naiilang din ako sa tingin niya. Parang nagagandahan siya sakin. Syempre naman, maganda naman talaga ako. Dami rin nagkaka-crush sakin. Dami na ngang nanliligaw saking mayayaman kaso ni isa sa kanila, wala ako sinagot sa kanila. May nakalaan na kasi sakin. Ang isa sa anak ni Mr. Sy ang mapapangasawa ko. Iyon na ang gusto kong maging first bf ko. Mas interesado ako sa bunso kaso wala na siya. Kini-cremate na nila ang katawan nito ngayon. "Hi, Mandy. Ako pala si Jacksy. Alam mo, fan na fan mo ko! Ang ganda mo talaga." Pakilala at puri ng isang babae na tomboy ata ito. Buhok palang kasi nito gupit lalaki. Tinanggap ko naman pakiki-kamay nito. "Ako nga din pala si Lanie. Fan mo din ako. Hihihi." Isang babae na ang daming kolorete sa mukha pero bagay naman sa kanya. Ang ganda nga niya ee kahit maliit lang siyang babae. Tinanggap ko rin ang kamay nito. "Aleshia nga pala. I'm not your fan kasi fan na fan mo 'to. Hahaha!" Pakilala naman ng babae na halatang pabebe. Tawa palang nito parang pang-maarte na pero mukhang nabait naman siya. "Ang guwapong nilalang sa lupa na ako lang ang lahi samin ang nag-iisa bukod tangi sa lahat. Wala ka nang mahahanap pa kaya nandito na alo handang anakan ka. Alfred nga pala." May pagkaka-feeling ang lalaki pagpapakilala ng sarili niya halos ngumiti pa siya ng ubod ng laki with naka-salamin pa siya sa mata na nagmumukha siyang nerd sabayan pa ng gusot niyang buhok. Pero nakita kong may sira siyang ngipin na nasa harapan. Gusto ko sana tumawa kaso pinigilan ko nalang. "Mandy." Tipid na pagpapakilala ko at tinanggap ang kamay nito. "Have a seat." Sabay sabi ni Alesia at Jacksy. Binigyan naman nila ako ng mauupuan. "Thank you." Naupo naman ako. Doon na rin nagsi-upo sila. "Mandy, kailan ililibing yung anak ni Mr. Sy?" Paninimula ng topic ni Correen. "Sa next monday na." Sagot ko sabay inom ng in-order kong coffee. "Nakita mo na ba ang mukha ng bunsong anak ni Mr. Sy? Guwapo ba? Di kasi nila pinapakita yung mukha. Magkakaroon daw ng private na libing lang. Excited pa naman kami makita kung totoo ba ang sabi-sabi na pangit daw 'yon. Bakit dinala iyon sa ibang bansa para ipa-ayos ang mukha ata." Halatang chismosang sabi ni Jacksy. "Oo nga." Pagsang-ayon naman ng tatlong babae sa sinabi ng kaibigan nila. Oo nga, bakit di samin pinapakita yung mukha ng Clive na iyon? Siya naman tagapagmana ng Uphone at ako ang magiging fiancé niya, bakit di man lang sakin pinakita o kahit picture man lang nun? Baka totoong halimaw raw pagmumukha nun? "I don't know. Di ko pa rin nakikita ang mukha nun." Sagot ko na lamang. "Sayang naman. Excited pa naman kami makita ang totoong pagmumukha nun." Turan ni Coreen. "So, panu yan? Patay na ang tagapagmana ng Uphone. Yung panganay na anak ni Mr. Sy, sa kanya na mapupunta itong kompanya?" Gulat na pahayag ni Alesia. "At siya na ang mapapangasawa ko?" Dugtong ko sa isip. Nanlalaking mata na lamang ako. "What?!" Bulalas ko. ELIZABETH VILLATORTE POV:) "Kuya, ito na po. Magkano lahat?" Nandito ako ngayon sa ukay-ukay. Nakapili na rin ako ng damit ni Ros. Di ko naman kaano-ano ang stranger na iyon bakit binibilhan ko siya ng damit? Masyado na talaga akong mabait. Yung lalaking nagbabantay dito, nakaupo with taas paa pa habang nakatutok sa cp nito. Nanonood ito ng video at rinig ko sinasabi doon. "Ang tagapagmana ng Uphone ay patay sa isang malaking aksidente. Patay ang bunso ng anak ni Mr. Sy sa pagsalpok ng kotse nito at sumabog ito kasabay ang katawan nito. Halos di mamukhaan ang mukha. Blah blah blah..." Yan narinig ko na sinasabi ng pinapanood ng lalaki sa cp. "Sayang naman. Ang bata pa ng lalaki at siya sana tagapagmana ng Uphone, namatay agad." Komento ng lalaki sa pinanood nitong balita. "Uphone? Yun yung pinagtatrabahuan ko ah?" Mahinang kausap ko ang sarili ko. Tumayo na ang lalaki at lumapit na sa kinaroroonan ko. Doon na ako humarap dito ng maayos. "250 lang." Sabi nito nang makita ang dalawang damit na bibilhin ko. Kumuha agad ako sa wallet ko at binayaran agad. Pagkabayad, binigay na niya sakin yung damit at nilagay na niya sa supot. "Salamat po." Pasalamat mo at umalis na nga. Pumunta ako sa kabilang tindaan para bumili ng brief para kay Ros. Kawawa naman kung magsho-short lang siya at walang brief. Kawawa hotdog at itlog niya. Joke! Nakakita naman ako ng brief na naka-set na sa isang lagayan. "Magkano ito ale?" Tanong ko sa isang babae na tama lang ang katandaan. "150 lang yan, anak." Sagot nito nang lumapit sa kinaroroonan ko. "Isa po nito." Nilagay na ng matandang babae yung brief sa supot. Binigay ko na yung bayad sabay bigay din ng binibili ko. "Para sa boyfriend mo?" Nakangiting pilya na tanong nito. "Hala! Di po!" Sagot ko agad. Grabe? Boyfriend?! "Weh? Asawa mo na ata?" Nakangiting malisya pa rin na sabi nito. "Di po!" Tanggi ko. Grabe naman itong manang na ito? Porket bumibili ng brief, boyfriend at asawa agad? Natatawa ang matanda na umalis na ako doon halos binilisan ko pa paghakbang ko. Sa lahat na bibiruin niya, yun pa lumabas sa bunganga niya. Ayaw ko muna mag-asawa. Magtatapos pa ko ng kolehiyo. Huhuhu. Di nagtagal, nakarating na ako sa inuupahan ko. Pumanhik na ako ng hagdan halos nasira pa yung plastic bag na naglalaman ng binili kong damit ni Ros. "Hayst! Malas naman." Lumuhod ako at kinuha ko yung mga damit sa hagdan. Di ko na iyon ulit nilagay sa plastic kasi butas na. Nilagay ko nalang iyon sa mga kamay ko at dinala ko na. Binuksan ko na nga yung pinto ng dorm ko halos napakunot-noo na lamang ako dahil sa dala ko. Nababadtrip pa rin ako pag naaalala ko yung sinabi nung matandang babae. Ang bata ko pa para magkaasawa. Mukha bang may asawa na ko? Kainis! Sira na naman araw ko. "Ros, tapos kana ba maligo? Ito na yung mga damit na pinagbili k---" di ko nalang napatuloy sasabihin ko nang makitang may lalaking nakatayo at nakaharap sa labas ng bintana. Kita ko ang maputing balikat at likod nito. Ang cute ng mga muscle na nasa braso niya. Ang buhok niyang tumutulo dahil basa ito. At ang binti nitong napakabuti at ang sarap-sarap tingnan at wala kahit ni buhok doon. Para na kong na-estatwa sa nakita kong nilalang sa loob ng kwarto ko. Dahan-dahan lumingon ang lalaki at slow motion ang lahat na nangyari. The more paharap na siya sakin, the more nanlalaki ang mata ko at lakas makatibok ng puso ko. Nang nakaharap na siya sakin, kita ko ang kakisigan niya, ang 6 packs niya halos may tubig-tubig pa ang katawan niya, yung pusod niya na nakakaakit tingnan at... Dahan-dahan binaba ko ang tingin ko. Bigla ko nalang na-realize na naka-half naked lang siya. Di ko alam, nakakagat labi na pala ako. Bumalik ulit ang tingin ko sa mukha niya. Slow motion na sumilay ang ngiti sa mga labi niya na sumasabay ang mata niya sa matamis na ngiti niya. Lalong kumislap ang kaguwapuhan niya dahil may perfect face siya. "Hi, my Lady! I'm done bathing." Sabi nito na may matamis na ngiti. Doon lang bumalik ang katinuan ng isip ko nang marinig ang boses nito. Napatikhim nalang ako at iniwas agad ang tingin sa kanya. Naiilang ako sa katayuan niya ngayon. Shit! Yung maduming lalaki na akala ko panget, guwapo pala?! Mukhang artista ang dating niya dahil sa kaguwapuhang tinataglay niya. Yung katawan niya pang-model at ang ngiti niya na nakakaakit sa mga babae. Ngayon ko lang nakita ang totoong itsura niya. Binata na binata siya na akala ko magka-edad kami pero parang matanda siya sakin ng dalawa o tatlong taon. Yung inampon ko, ang guwapo pala. "D-dress this! I'm going out here." Naiilang na sabi ko halos di makatingin sa kanya. "O-ok." Lalapit na sana siya sakin para kunin ang damit na agad tinapon ko nalang iyon sa kanya. Gulat na sinalo naman niya iyon. Tarantang lumabas kaagad ako at sinara ang pinto Pagkasara, napasandig na lamang ako sa pinto at napabuntong-hininga. Salamat at nakaalis na ako. Di ko kayang makita siya sa ganoong posisyon. Jusko! Twenty-years na paninirahan ko sa mundo, ngayon lang ako nakakita ng lalaki na ganoong katawan. Malala pa, sa kuwarto ko pa nakita. Jusko lord! Bakit ang guwapo ni Mr. Stranger?!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD