C38

2652 Words
JOHNSER SY POV "Kalat na ang bali-balita sa building ang pagbibitiw ni Mr. Sy sa posisyon niya. At kalat din na ang bunsong kapatid mo ang papalit sa posisyon ng ama mo." Sabi ng secretary kong lalaki nang pumasok kami sa office ko. Tumungo kaagad ako sa bintana at nakahawak sa noo habang nakatingin sa labas na problemadong-problemado. Gusto kong magmura at magwala. Galit at inis ang nararamdaman niya ngayon. Akala ko, ako na ang magiging bagong CEO sa UPhone company pero nagkamali pala ako. Ang lintik kong kapatid sa States ang magmamana ng kompanyang pinapangarap kong mapunta sa akin. Galit na humarap ako at inis na inis na inalis ko ang mga gamit na nasa mesa ko. "Bullshit! BULLSHIT!" Sigaw ko sa sobrang galit at nagkalat sa ibaba ang mga gamit ko halos may nabasag nang babasagin na gamit. Tahimik lang na nakatayo ang Sekretarya kong si Ramon halos nanginginig na ito sa takot. Takot ito sakin dahil kadalasan pag ako nagagalit, nabubuntong ko ang galit ko sa kanya. May katandaan na rin si Ramon. I think ang edad niya ay nasa 35+ pataas na. Samantala ako, 25 palang ngayon. Naiinis ako at nagagalit kay Papa. Ako yung panganay saming dalawa ni Clive at ako ang nakasama niya sa pagpapaganda pa lalo ng kompanya namin pero lahat na hirap at oras na tinuon ko sa Uphone, mawawala rin pala. Si Clive lang makikinabang sa pinaghirapan ko. Si Clive ang magmamana na wala naman inambag sa kompanya at kahit kailan wala ito naitulong. Wala pa siyang kaalaman sa negosyo at isip bata pa siya. Dapat sa akin ibinigay ni Papa ang posisyon niya kaysa sa lintik kong kapatid na englisherong ilaw! Pabagsak na nilagay ko ang dalawa kong kamay sa table. Panay hingal ko sa galit! Sumigaw ako ng malakas dahil gusto ko pa magwala! Gusto ko makapatay ng tao. "Ahhhh!!! Woooaaahh!" Dinadaan ko nalang sa sigaw ang nararamdaman kong galit. Pagkatapos nabaling ang tingin ko kay Ramon. Napangiti nalang ako ng pilyo. "Halika dito." Tawag ko sa kanya habang sinesenyas pa ng kamay na pinapalapit ko siya sa akin. Takot na napatingin naman siya sakin. Nagdadalawang isip pa siya kung lalapit ba siya o hindi. "Hmmm." Sambit nito halos napapalunok na ito ng laway. "Halika nga." Sabi ko dito. Lumapit na nga ito."Good. Tama yan. Lapit ka lang sa akin." Nakangiting nakakaloko sabi ko. Nang nasa harapan ko na siya, hinawakan ko ang magkabilang braso nito at inayos ang coat nito."Gusto ko makasapak ngayon. Pwede ba? Babayaran naman kita. Hmm?" Mahina kong sabi sa kanya na may tonong demonyo. "Hmmm, S-sir Johnnser...." Sambit lang nito at nakita kong nanginginig na ang tuhod nito. Natawa ako bahagya. Bumulong ako sa kanyang tainga. "Isang sampal, ang halaga ay 10,000. Bigyan mo ko ng tatlong sapak. Ah?" Sabi ko sa kanya. Dahil takot sakin si Ramon, wala siyang magagawa kaya nanginginig na tumango nalang siya. Malakas na sinampal ko siya halos napasubsob ito sa mesa ko. Sinampal ko ulit siya halos napatayo siya ulit. Pangatlong sapak, sinampal ko siyang napakalakas halos napahiga na siya sa sahig at nakaroon ng sugat sa may gilid ng bibig nito. Parang baliw na naman ako na panay sigaw ko sa sobrang saya. Nailabas ko ang galit na nararamdaman ko at nabuntong ko lahat iyon kay Ramon. Kumuha agad ako sa wallet ko ng pera. Imbes pera ang ibibigay ko sa kanya, ang ibinigay ko ay ATM card ko. Hinulog ko lang iyon sa tapat niya. Nakahiga pa rin ang sekretarya ko at namimilipit sa sakit. "Iuwi mo nalang sakin yang ATM ko. Sige. Ipalinis mo nalang itong office ko sa naglilinis dito. Bye." Paalam at bilin ko. Naglakad na ako palabas ng office at iniwan ko ganoon nangyari sa sekretarya kong si Ramon. May sakit ako, di ko ma-kontrol ang galit ko kaya iyon rin dahilan ni Papa kaya ayaw niya sa akin ibigay ang kompanya. ELIZABETH VILLATORTE POV:) "Beth!" Tawag sakin ni Aling Doya, ang Head Janitress dito sa pinagtatrabahuan ko. Napalingon naman ako. Kasalukuyang naglilinis ako ng floor ng CR. "Po?" Tanong ko naman. Lumapit ito sakin."Pagkatapos mo dyan, ikaw na maglinis ng office ni Sir Johnser, anak ni Mr. Sy." Utos niya sakin."Ako na kasi maglilinis ng office ni Mr. Sy." "Sige po. Ako na po bahala Aling Doya." "Sige. Bilisan mo. Ayaw na ayaw ng anak ni Mr. Sy na maabutan niya na naglilinis pa rin ang naatasang maglinis sa office niya. Baka mabugbog sarado ka rin gaya nung mga naunang janitress na naglinis dati doon." Pagbabala na sabi niya sakin. "Bakit po?" Takang tanong ko naman. Ganun ba talaga katakot yung anak ng boss namin? "Basta. Oh sya! Alis na ko." Umalis na nga ito at naiwan akong curious na curios. One week na ako nagtatrabaho dito bilang isang Janitress. Nagta-trabaho ako sa Uphone Company. Grabe! Ang ganda at ang laki ng building nila. Alam nyo anong product ini-endorsed nila? Ee di, mga gadget. Number one sa kanila ang mga cellphones. Maganda ang quality ng cellphone nila. Karaniwan, lahat na nagta-trabaho dito puro Uphone gamit nilang cp. Nakakainggit nga ee. Gusto ko rin magkaroon ng cp kahit yung mura lang. Nagpapa-order na nga ako kay Aling Doya. Huhulugan ko nalang siya every monthly ng 1k. Yung bibilhin kong cp yung mura lang na cp ng Uphone. Yung 7,000 lang ang halaga. Maganda na, touchscreen pa. Balita ko may isa pang kompanya na partner ng Uphone, ang Sumex. Sila naman yung ini-endorsed nila ay mga technology like T.V, Oven, DVD, Refrigerator, etc... Magka-sosyo yung dalawang kompanya na iyon. Ang yaman nila. Sikat na sila sa ibang bansa. Lahat na product nila kalat na sa buong bansa. Ang swerte ng mga anak nila kasi ang yayaman na nila. Di na nila kailangan magtrabaho kasi may katulong na sila. Saka kain-tulog nalang ang tema nila. Hayyy! Sino kaya ang Papa ko? Ano nga name ni Papa? Lendo ba? Lando? Hala! Pati apelyido ni Papa limot ko din. Mama please ipaalala mo sakin ano pangalan ni Papa. Kakainis! Nalimutan ko! Paano ko ito hahanapin si Papa? Pagkatapos ko maglinis, nilagay ko na sa lagayan yung gamit na panlinis at tinulak na ang pushcart. Papunta na ako sa office ng anak ni Mr. Sy nang saktong pagliko, may lalaki ring paliko rin. Bahagyang napatingin ako dito pero di ito tumingin sakin. Deretsyo lang ang tingin nito sa daan. Bumaling ulit ang tingin ko sa daan. Wala ako paki sa mga taong nakakasalubong ko. Kailangan ko, pera para sa pang-araw-araw ko. Kailangan ko pa maghanap ng matitirahan kasi nahihiya na ako matulog dito. Pagkarating na pagkarating ko sa office ng anak ni Mr. Sy, nakita ko nalang lumabas ng pinto ang isang lalaki. Bahagyang nakita kong may kaunting dugo ito sa gilid ng bibig nito. Nang makita ako dali-daling tinakpan niya iyon. "Ikaw ba maglilinis ng office ni Sir Johnser?" Tanong nito habang tinatakpan ng kamay nito ang nakita kong sugat sa gilid ng labi nito. "O-opo." Nautal kong sagot. "Bilisan mo maglinis." Sabi lang niya at umalis na ito. Naiwan akong nakatingin lang dito na may tanong sa isipan ko. "Anyare sa kanya? Johnser? Johnser ang pangalan ng anak ni Mr. Sy? Ano kaya itsura nun?" Sambit ko habang kinakausap ko sarili ko."Makalinis na nga!" Sabi ko at pumasok na sa loob para maglinis. *//// Naghahanap na ako ng uupahan. Ok lang ata sa simpleng bahay lang basta may matirhan. Di naman nagtagal, nakahanap naman ako. Malapit sa building na pinagtatrabahuan ko. Isang maliit lang na kuwarto at 1 month ang bayad ko ay 1500 lang. Kuwarto lang at kusina pero CR, share lang dito. May nag-uupa rin kasing iba dito ee di lang ako. Ayun na nga! Papunta na ako sa building dahil work ko ngayon. Umagang-umaga, ako palang ang taong naglalakad sa kalsada at nagkalat na mga jeep at bus dito. Di ko na kailangang mag-commute dahil malapit naman yung building sa inuupuan ko ee. Gastos pa ng pera. Napatingin nalang ako sa isang kainan. May pinagbubugbog na lalaki doon. Nakita kong nagso-sorry yung lalaking puno ng dumi ang damit at halos di na makilala ang mukha nito. "Ouch! I'm not a thief! I'm just watching how you cook." Sabi ng lalaking madumi na english ang salita. "Tarantado ka! Gusto mong nakawin ang tinitinda ko!" Galit na turan ng tindero sabay pinagsisipa lalaking madumingalaking speaking english. Dali-dali naman akong lumapit dito at inawat ito. "Kuya! Child abuse ka!" Awat ko dito. Nagtago naman yung maduming lalaki sa likuran ko. "He want to kill me." Sumbong naman nito sakin nang magtago siya sa likuran ko. "Balak niyang nakawin ang niluto kong pandesal!" Galit na sabi nito. "I'm hungry!" Sagot lang ng englisherong maduming lalaking ito. "Kuya, bibili ako ng sampung pandesal. Wag mo na siya pag-initan. Maawa naman kayo sa kanya wala siyang pamilya saka sa kalye lang siya nakatira." Sabi ko nalang para di na nito saktan ang lalaki. Kawawa naman kasi. "Tsk! Sige! Basta paalisin mo na yang maduming lalaking yan!" Patuloy na sabi pa rin ng tindero. "Oo. Ako na pobahalasa kanya." Nilagay nito sa plastic ang tinapay. Binigyan ko na nga siya ng pera at kinuha na ang binili kong pandesal. Hinila ko na yung englisherong maduming lalaki paalis roon. Nang malayo na kami, saka ko siya binitawan. "Yan! Pagkain mo. Kainin mo yan." Sabi ko sa kanya sabay bigay ng pandesal. "Thank you." Halatang hasa sa english na pasasalamat niya sakin. Kumain naman agad ito ng pandesal. Nagtatalon-talon ito sa sobrang sarap ng kinakain nito."Yummy!" Tuwang-tuwa na turan pa nito. "Ano pangalan mo?" Tanong ko sa kanya habang nasa gitna ito ng pagkakain. "What? What did you say?" Tanong nito. "Letche! Di ba ito marunong magtagalog?" Sa loob-loob ko."I said, what is your name? You name?" Ulit ko. Takte! Napa-english na tuloy ako. "I don't know. I don't know who I am and how I got here." Halatang walang alam na sagot nito. "What?!!" Gulat na sambit ko. May amnesia siya? JOHNSER SY POV:) "Tito, bakit si Clive? Bakit siya ang pinili ni Daddy imbes ako na matagal na at katulong niya sa kompanya namin at ako ang panganay. Bakit si Clive pa rin?!!" Madamdaming sabi ko kay Tito Andrew, kapatid ni Papa. Nasa bahay ako ngayon ng oras na 'to habang nasa Study room ako kasama si Tito Andrew na binisita ako ngayon. Sinasabi ko lahat sa kanya ang pagtatampo ko sa aking ama dahil di ko matanggap at galit na galit ako sa naging desisyon ni Daddy. "Bakit napapatunayan ko na mas mahal niya si Clive kaysa sakin? Di ba niya ako anak?" Sabi ko sabay napa-face palm. Halo-halo ang nararamdaman ko, isa na roon ang inggit sa kapatid ko. Di ko alam, bakit lagi nalang si Clive ang gusto nila. Pati si Lola, mas love na love niya si Clive. Kay sakin na di man niya ako pinapansin. Kahit nung bata pa ko, di niya ako sinasama papunta sa States para bisitahin ko rin si Clive pero hindi. Di niya ako pinapansin at mas maraming oras siya dito kaysa sakin. Kaya mula noon, nakaramdam na ako ng pagtatampo sa kanila. Nagtanim ako ng galit at poot na di ko matanggap yung ginawa nila sa akin. Napaka-unfair nila! Napakasama nila! Pamilya naman nila ako pero bakit tinatrato nila akong parang wala lang. Si Tito Andrew lang ang kakampi ko. Siya lang nakakaintindi sa akin. At siya lang nagparamdam sakin ng pagmamahal na di sakin pinaramdam nila Daddy at Lola. Siguro kung nandito pa rin si Mama, may kakampi pa rin ako. "Tito, tell me! Bakit mas mahal nila si Clive kaysa sakin? Kahit ni katiting, di ba nila ako tinuring na isang pamilya?" Naluluhang tanong ko kay Tito. Napayuko ako dahan-dahan at doon tumulo ang luha sa mga mata ko. Tumabi sakin si Tito sa sofa at hinaplos-haplos niya ang likod ko para patahanin. "Di ka lang nag-iisa, anak. Isa rin ako, naranasan ko na din yan tulad samin ng Papa mo at ako. Ako ang may mas tinulong at ako ang panganay saming dalawa, pero kanino napunta ang kompanya. Kundi sa ama mo. Kaya di ka nag-iisa, anak." Pagku-kwento rin ni Tito Andrew sa naranasan din niya noon. Napatigil naman ako sa pag-iyak at dahan-dahan sinulyapan si Tito Andrew. "Ganoon rin nangyari sayo, Tito Andrew?" Di makapaniwala na tanong ko ulit. "Oo. Kaya kung ayaw mo magaya ka sakin, gumawa ka ng aksyon. Kailangang mapasayo ang kompanya kaysa mapunta iyon sa bobo mong kapatid. Kundi, magagaya ka rin sakin." Pagbibigay nito ng babala at ideya sa kailangan kong gawin para mapasaakin ang kompanya. "P-paano, Tito Andrew?" Nautal na tanong ko. Hinawakan nito ang kabilang balikat ko at tinitigan ako ng seryoso sa mga mata. "Destroy him..." Saad nito na kinanlaki ng mga mata ko. MANDY YU POV:) "Ano kaya itsura nung bunsong anak ni Mr. Sy?" "Siguro, ang guwapo rin tulad ni Sir Johnser? Kyaaahh! Sana nga!" "Ang bata pa niya ee. Pagkakabasa ko sa Article, 22 palang yun. Matanda tayo ng tatlong taon sa kanya." "Sayang! Okay lang. Pag guwapo yun, re-rape-in ko yun. Hahaha!" Yan ang naririnig usap-usapan sa kabilang table sa canteen ng Uphone Building. Puro pinag-uusapn ng mga empleyado dito ay tungkol sa bunsong anak ni Mr. Sy. Di lang excited ang lahat na makita ang heir ng Uphone pati na rin ako na sobrang excited na makita ang magiging asawa ko. "Coffee please. Vanilla." Order ko habang nasa counter ako. By the way, I'm Mandy Yu. The daughter of the owner of Sumex Company, ang partner sa negosyo ng Uphone Company. Kilala ang mga anak ni Tito Cedric pero mas interesado ako sa bunsong anak nito. Ano nga ulit pangalan nun? Clive ata? Jayson Clive Sy. That's right! Kahit kailan di ko pa nakikita yang Clive na yan kahit bata pa ko. Saka pinapipili ako ni Daddy kung sino sa anak ni Tito Sy ang gusto kong mapangasawa. Makakapili ako sa dalawa if nakita ko na yung bunso. Si Johnser ba o si Clive? "Ito na po, Ma'am." Sabi nung babae at binigay yung coffee na inorder mo. Binayaran ko naman siya ng 200pesos. "Thanks. Keep the change." Sabi ko sabay ngiti sa babae. Naglakad na ako paalis sa Food Court. Nang mapadaan ako sa table ng nagchi-chismis-an kanina. May isang babae na tumatakbo at lumapit sa kanila. "Narinig nyo yung chismis ngayon dito?" Sabi ng babaeng lumapit sa kaibigan niya. "Ano ba yun?" Tanong ng mga ito. "Yung anak ni Mr. Sy na galing States at tagapagmana nitong Uphone company, patay sa isang Car Accident habang papunta dito!" Pagbabalita nito sa mga kasama. "Ah?!!" Gulat na turan ng mga ito. Napatigil naman ako sa paghakbang. Gulat na gulat sa narinig na balita narinig galing dito. Nilapitan ko sila kung saan ang table na kinaroroonan nila at kinuwelyuhan ko agad ang babaeng nag-chismis nun. "Totoo ba yung sinabi mo? Na-aksidente ang bunsong anak ni Mr. Sy?" Paniniguradong tanong mo rito. Nagulat naman ito sa ginawa ko sa kanya pati ang mga kaibigan niya. "Si Mandy! Ang anak ng nagmamay-ari ng Sumex." Bulong-bulungan ng kasama nito nang makilala ako. "O-oo! Kakabalita lang kanina sa TV iyon." Kinabahan na sagot naman ng kinuwelyuhan ko. Binitiwan ko na ito. Tumakbo kaagad ako papunta sa office ni Tito Cedric halos naiwan ko na yung coffee ko sa table ng mga chismosa na iyon. Pagkalipas ng 5 minutes nakarating naman kaagad ako. Naabutan kong nandodoon si Tito Cedric at si Diego, yung tagapag-alaga ni Clive. Kilala ko na si Ramon dahil minsan na siya umuwi dito para magbigay ng balita tungkol kay Clive kay Tito Cedric. "Sir, si Clive na-aksidente. Nandodoon ang katawan niya sa kotse niyang sumabog. Sorry dapat binantayan ko siya at di hinayaang magneho." Hinging patawad ni Ramon kay Tito. Gulat na napatayo naman sa pagkakaupo si Tito dahil sa binalita nito. "What?!!" Doon na nagsimulang magkagulo ang mga tao sa building sa nangyari kay Clive.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD