ELIZABETH VILLATORTE POV
Dala ang isang basket habang kumukuha ng mga talong na pwede nang pitasin. Kasama ko ang mga kasamahan ko rin na may tanim rin ng iba't-ibang gulay.
Oo, isa kaming magsasaka. Nakatira kami sa bukid kung saan malayo sa syudad o manila. Kung tawagin ay probinsya.
Masarap manirahan dito. Malinis ang hangin, tahimik at lahat ng mga tao dito, kilala ko lahat. Kaysa raw sa manila, ang ingay, ang gulo at puro may problema ang mga tao doon. Mabuti pa ko, masaya dito at kasama ko ang mama ko.
Lumaki akong walang amang nakilala. Sabi kasi ni Mama iniwan kami ni Papa dahil may asawa na pala ito. Mayaman dati raw si Mama kaso nawala ang lahat dahil sa madrastang asawa ng Papa ko daw. Ginawa nito ang lahat na pahirapan si Mama hanggang naghirap si Mama at nauwing tumira nalang sa Probinsya.
Bago paman si Mama manirahan dito sa bayan namin, nadiskobre niyang buntis na siya at si Papa nga ang ama. Ako ang bunga nilang dalawa. Kahit ganun, di naman ako nagtanim ng galit sa Papa ko. Kahit iniwan niya kami at pinagpalit sa iba nito, ama ko pa rin siya. Baliktarin man ang mundo, ama ko pa rin siya.
Pero nagpapasalamat ako dahil may naging mama akong napakabait at mapag-alaga. Mahal ko yan si Mama kahit palagi niya akong napagsasabihan. Pero busog naman ako sa pangangaral niya.
Nilagay ko na sa track na medyo luma na yung talong na nasa malaking basket. Paglalagay, halos hingal na hingal pa ako sa bigat. Nilagay na rin ng mga kasamahan ko yung mga prutas rin na nasa basket. Idadala na ito sa manila.
"Mang Trino, ingat kayo sa byahe! Yung mga prutas at gulay natin, wag nyo pabayaan! Buhay ng pamilya natin nakasalalay diyan!" sabi ko dito habang nakasakay na ito sa Track. Isang magsasaka rin ito. Siya ang nagde-deliver sa Manila. Pag may bumiling nagbibili ng mga prutas at gulay, pag-uwi niya may pera na kami.
"Oo, Mang Trino! Di bale, pag naubos lahat yan, papainom ulit ako!" sabi naman ni Mang Josefino na kapwa-magsasaka ko rin. Medyo may katandaan na rin siya. Siguro ang edad nito ay nasa 40+ pataas na.
"Woaahhh! Gusto namin yan!!!" sabi naman ng mga magsasakang kasamahan namin.
"Wag kayong mag-alala mga kaibigan ko! Uuwi akong dala ang mga pera natin." nakangiting sigaw ni Mang Trino habang nakasulyap lang sa amin halos lumabas pa uli niya sa bintana ng track.
"Sige! Ingat kayo!" sabi ni Mang Josefino.
"Bye!" paalam naming lahat dito kay Mang Trino.
Kumaway lang ito at umayos na ito ng upo. Umalis na nga ito dala ang mga tanim naming gulay at mga prutas. Nang malayo na si Mang Trino, saka na nagsibalikan sa kani-kanilang tahanan ang mga kasamahan ko.
Bago pa man ako magtuloy sa paglalakad para umuwi samin nang magsalita si Mang Josefino.
"Beth, salamat sa dinala mong ulam kagabi samin. Nagustuhan ng asawa ko ang Adobong Talong mo." nakangiting pasasalamat nito sakin.
"Sus! Ok lang iyon, Mang Trino. Basta magiging Ninang ako ng magiging anak nyo ni Aling Loreta." sabi ko dito.
"Oo naman. Ikaw ang unang Ninang namin ng anak namin ni Loreta. Papalikihin rin namin iyon kasing bait at sipag mo." nakangiting pamumuri nito.
Buntis na kasi ang asawa niyang si Mang Loreta. Limang buwan nang buntis. Malapit na rin iyon manganak at magiging isa akong ninang dito.
"Hahaha sige po. Uwi na ko samin. Baka po naghihintay na si Mama." pamamaalam ko na dito.
"Sige. Salamat ulit, Beth."
Naglakad na nga ako para umuwi samin. Di ko mawala ang ngiti ko sa mga labi dahil alam ko sunod na linggo, magkakapera ulit kami ni Mama pag nabenta lahat yung mga tinanim naming mga gulay.
Mabibilhan ko si Mama ng bagong damit niya. Nasasaktan ako pag nakikita kong butas-butas ang damit ni Mama. Kahit panty ni Mama butas na rin. Kunti nalang mapuputol na ang pagkakabit ng mga tila niyon. Gusto ko na siyang bilhan kaso ayaw niya dahil ang sinasabi niya sakin palagi...
"Hindi anak. Ipunin nalang natin itong pera natin para sa kinabukasan mo. Ayaw kong matulad ka sakin. Kailangan mo makatapos ng High School ngayon. Paghahandaan na naman natin ang pagko-kolehiyo mo." yan lagi bininilin sakin ni Mama.
Tama si Mama. Kailangan namin mag-ipon. Next pasukan, 1st year college na ako. Gusto kong course na kunin ko Business Management. Gusto ko rin bumuo ng business ko tulad sa mga successful na ngayon. May mga company na sila tulad sa Manila, may sariling building na sila. Yung daming nagta-trabaho doon at ikaw ang boss. Gusto ko nun.
"Ma, nandito na po ako!" sabi ko nang nasa bahay na ako.
Simpleng bahay-kubo lang ang bahay namin ni Mama. Di kalakihan at di kaliitan. Maganda at komportableng tirahan iyon.
Nilagay ko na sa mesang gawa sa kahoy ang bag kong luma at dumeretsyo agad sa kusina para magsaing.
"Ma? Ano po ba gusto ninyong lutuin kong ulam? Gusto nyo bang magluto ako ng ginataang puso ng saging?" sabi ko. Alam ko naririg yun ni Mama sa kuwarto. Gawain ko naman ito araw-araw.
Matagal di sumagot si Mama. Iniisip ko na tulog ata siya. Minsan ko na kasi siyang abutan na tulog sa kuwarto naming dalawa.
Inuhugasan ko na yung maliit na kaldero namin nang makarinig akong parang may bumagsak. Tarantang pumunta naman ako sa kuwarto. Takot na takot na tumakbo ako patungo doon.
Baka inaatake na naman kasi si Mama sa puso. May sakit si Mama sa puso. Bata palang siya may sakit na talaga sa puso ni Mama. Ayaw niya magpa-check up kaya nagtiis siya sa sakit na nararamdaman niya.
Nakita ko nalang si Mama, nakahiga na sa sahig at parang nahihirapan huminga.
"Ma!" Tumungo agad ako kay Mama at binuhat siya at niyakap siya kahit nakaluhod ako sa sahig."Ma! Wag mo kong iiwan! Ma! Labanan mo yan!" naiiyak kong sabi.
Di na siya makapagsalita halos parang nahuhugutan na siya ng hininga.
Naiiyak na ako! Parang mawawalan na ako ng pag-asa mamuhay pag mawala na si Mama.
Hinawakan ni Mama ang kamay ko at nahihirapang tiningnan niya ako sa mata.
"Ahhkk a-aaanak...aakhh hahanapin m-mo ang pa-pa mo...akhhh K-ku-kkkunin mo ang p-para sayo. T-tulungan mo ang P-papa mo sa masamang n-nakapa-li...bot sa kanya..." nahihirapang bilin ni Mama sakin.
"Ma! Wag mo kong iiwan. Sabay nating hahanapin si Papa." naiiyak ko nang sabi.
"T-ta-tandaan mo akhh anak... Di mo ha-hayaang aapak-apakan ka kahit n-nino man. L-lumaban ka, a-anak. Lumaban ka..." patuloy na sabi sakin ni Mama."Ang p-pa... Aghhh pangalan ng papa mo aghhh Leandro Yu. M-mahal na m-mahal kita, a-anak..."
Parang may nabasag nalang ng salamin sa puso ko nang bumagsak na ang kamay ni Mama. Doon nalang ako humagulhol ng iyak. Panay sigaw ng pangalan ni Mama. Di ko alam saan at paano ako mabubuhay. Di ko alam kung saan na ko pupulutin ngayon.
Sana naging mga immortal nalang ang mga tao. Walang mamamatay at walang iiwan sayo.
* / / /
Bumaba na ako sa jeep at nakatanaw sa kalakihan, kaingayan at naglalakihang building sa Maynila.
Nandito na ako. Nandito na ako sa Manila para hanapin ang totoong papa ko...
"Mama, hahanapin ko si Papa. Kung ano man ang ibig nyong sabihin, po-protektahan ko ang sarili ko pati si Papa. Mahal na mahal ko po kayo..." sa loob-loob ko.
THIRD PERSON POV:)
"I announce to you, bibitiw na ako bilang CEO sa Uphone Company..." announce ni Mr. Cedric Sy.
Nagsiingay naman ang mga tao sa meeting room.
"Bakit? Bakit?" yan ang tanong ng lahat."Paano na ang Uphone company?"
"May papalit sakin sa posisyon ko." sabi nito maya-maya.
"Sino? Sino?" tanong ng mga ito.
Palihim na napangiti si Johnser Sy, ang panganay na anak ni CEO Cedric Sy. Confidence siya dahil siya na ang papalit sa posisyon ng ama niya.
Nawala nalang ang ngiti nito sa sunod na announce ng kanyang ama.
"Ang papalit sa akin si Jayson Clive Sy, ang bunsong anak ko..." announce nito.
Nagsiingay naman lalo ang tao sa loob. Palihim na napakuyom ng kamay si Johnser. Galit na nag-walk out ito.
Sa kabilang room kung saan office iyon ng mga empleyadong nagta-trabaho sa Uphone Corporations. Nagchi-chismisan ang mga ito dahil sa nasagap na balita.
"Narinig nyo yun? Yung bunsong anak ni Mr. Sy na nasa State, uuwi na dito?" Chismis ng isang empleyado nang lumapit ito sa desk ng kasamahan niya.
"Talaga? Yung lumaki doon at di pa nakakarating dito sa pinas?" di makapaniwala na sabi ni chismosa 2.
"Oo!" chismosa 1.
"Balita ko, pinanganak yun dito sa Pinas kaso di pa ito nagwa-one years old, dinala na ito sa States dahil muntikan nang mamatay ito. Bali-balita kasi muntikan na ma-ambush ang pamilya ng nagmamay-ari ng pinagta-trabahuan nating kompanya. Una palang daw, ito na daw ang tagapagmana ng kompanya." kwento ni Chismis 3.
"Talaga?" sabi ni Chismis 1 at 2.
"Oo. Pero may sabi-sabi kaya dinala ito sa States para ipa-ayos ang mukha. Ang panget raw kasing bata ito." patuloy na chismis pa rin ni 3.
[STATES...]
Nakaharap ang isang lalaki sa harap ng computer habang naglalaro ng paborito nitong laro, ang Rules of Survival (ROS). Habang panay laro siya panay kwento naman sa kanya yung naging tagapagbantay niya sa kanya.
"Some people know that your here is because you are born ugly. They brought you here to have a plastic surgery." kwento ni Diego sa kanya.
" No! I don't have any plastic surgery. I will punch them all! Argh! "pagalit na sabi ng lalaking nakaharap lang sa computer at nakatutok sa nilalaro niya.
"They say you like a monster. Hahaha!" kwento pa rin nito pero halatang nang-iinsulto na.
"Shut up! I'm not a monster!" galit nang sabi nito.
"They think you are monster since you are born. They didn't notice it for what reason your here until you grow up." sabi pa rin nito.
Dahil sa galit, na-game over ako. Naunahan akong barilin ng kalaban ko kaya wala. Natalo siya.
Galit na pinaharap niya ang upuan. Kunot na kunot na tiningnan niya ito.
"Papa Diego, please stop talking. I'm not a monster and I don't have any plastic surgery. Cause my face is natural I'm handsome..." pagtatanggol nito sa sarili nito.
Bumalik ulit siya sa computer para maglaro ulit nang magsalita ulit ang tagapag-alaga niya.
"Pack all your things tommorrow. We will going to somewhere and it's a long trip." sabi nito maya-maya at bahagyang naging seryoso si Diego.
"Where?" Takang tanong niya dito habang nakatutok lang sa nilalaro.
"We will back to the place where you are born and that is... Philippines." Bahagyang napatigil ito sa pagki-click sa computer sa sinabi ni Diego sa kanya."You will be the heritor of the company of your dad." Nanlaki mata na tiningan ko ito."Jason Clive Sy, you are the new CEO of the UPhone. Congratulations my boy." nakangiting sabi nito.
"What?!!"
THIRD PERSON POV:)
"What?!! Seriously? Me? CEO of Uphone? What the heck!" Bulalas na lamang ni Jayson Clive Sy, ang bunsong anak ni Cedric Sy, ang tagapagmana ng UPhone Company.
"Indeed. We will be back in Philippines tomorrow." Patuloy na turan ni Diego, ang tagapag-alaga niya.
"My god! Oh my god!" Tumayo sa kinauupuan si Clive at tumungo agad sa ref. "My brother Johnser is older than me. He should be the CEO not me..." Pagtututol nito pagkatapos ay binuksan ang ref at kumuha ng tubig na nasa bottle. "I don't understand why father choose me to place on his position, its to earlier for him to sign off." Dugtong pa nito sabay lagok ng tubig.
"At the first place, you are the heir of the Uphone company. Your father has a reason why he sign off earlier and give the company to you. Please understand him." Pagpapaintindi lang sa kanya ni Diego.
Pagkainom nilapag ni Clive sa mesa ang tubig. "I'm too young to rule that. I'm only 22, I have no idea about that..." Giit pa rin niya. Hindi niya gusto ang plano ng ama niya at hindi niya pinangarap na siya ang maging CEO ng kanilang kompanya.
"I'm sorry. Pack all your things tomorrow. You will have a tutor there. That person will teach you to speak tagalog."
"Oh god! Another problem. You know what, you should teach me speaking in Tagalog when I was young, I think I will have a hard time learning it now." Problemadong saad ni Clive. "Hayst!" Inis na sambit nalang niya halos napakamot nalang siya sa kanyang batok. Naiinis na naglakad na siya palabas ng kusina.
Sinundan lamang siya ni Diego.
"Where are you going?" Tanong nito kay Clive nang napatigil sa sala habang siya ay pa-akyat ulit ng hagdan para maglaro ulit ng Ros. "Take some breakfast first." Sigaw nito.
"Later! I will play computer games first." Tinatamad na sagot lamang ni Clive rito at patuloy sa pag-akyat.
"On my count, one! I will tell your father you are always in front of your computer!" Pananakot nito sa kanya.
"Bleeehhh!" Binelatan lang ito at natatawang nagpatuloy lang sa paglalakad.
"One!"
Tawa lamang ang tinugon ni Clive dito at tumungo na sa kinaroroonan ng kwarto niya. Tumakbo si Diego para sundan at pigilan ito. Tarantang pumasok agad si Clive sa kwarto at ni-lock ang pinto.
"Hey, Clive! Show up! You should eat your break fast." Sigaw nito sabay kalabog sa pinto. Pilit pinapalabas ang makulit na si Clive.
Tumatawa bumalik na ulit si Clive sa harap ng computer at naglaro ulit ng ROS, ang larong kinaaadikan niya palaging laruin.
Napatingin na lamang sa bintaya siya at nakita na lamang niya ang kanyang butler. Dumaan ito sa bintana ng kanyang kuwarto. Palagi nang gawain ito ng kanyang butler, nag-aala ninja.
"What do you need?" Tanong ni Clive dito nang bumaling ulit siya sa computer.
Tahimik na lumapit ito sa kinaroroonan niya. "I'm going to Philipines first." Pagpapaalam ni Dylan, ang butler niya.
"But why?" Tanong niya habang sa computer lang ang baling niya. Di na niya hahayaang matalo ulit siya tulad kanina na kagagawan ng kanyang tagapag-alaga.
"My mother experiencing a heart attack." Kalmado ang boses na amin nito.
Siya si Dylan Lorenzo, ang butler at kababata niya. Ang pamilya niya ay nagtatrabaho sa kanila. Kasama na niya ito lumaki sa States at di rin ito marunong mag-tagalog tulad niya dahil dito na sila lumaking dalawa no'ng baby palang sila hanggang ngayon na binata na. Una palang na pinanganak si Dylan, butler na niya ito.
Siguro, yun ang kabayaran ng pamilya ni Dylan sa ginawa ng pamilya ni Clive sa pamilya nito. Marami kasi naitulong ng kanyang ama sa magulang ni Dylan kaya ang kabayaran ay magiging butler niya ang anak nilang si Dylan.
"Sure." Sabi lang niya habang nakatutok pa rin ito sa computer.
Inaamin niyang hindi sila masyadong close ng butler niya. May sariling mundi si Clive, masaya na siya maglaro ng gadget hanggang maghapon o mapa-gabi. Palagi siyang nasa harap ng computer, palaging nakababad kaya nagsimula na rin siya maging addicted sa larong Rules of Survival.
Si Clive ay kilala sa paalaro ng Ros. Kaya tinatawag siyang 'King of ROS Games'.
"Okay. See you tomorrow in Philippines, Clive."
Naglakad na ito patungong bintana at doon ulit lumabas. Nagpatuloy lang siya sa pagko-computer. Naka-lima na siyang pinatay at mag-aanim na.
"Yes! Your dead! Hahaha!" Turan nito nang mapatay niya ang kalaban sa laro.
May karugtong pa...