C36

2713 Words
Tsk! As if naman may gusto talaga sakin ang isang to, baka nagpapanggap lang to para pagselosin si Catalina! At para mabalik sakanya si Catalina, duh. Akala siguro ng Jizan na 'to maiisahan niya ako! Mas magaling kaya ako sakanya! Napatingin ako kay Jizan at seryoso siyang namimili ng gulay para sa stock ng penthouse niya. Sus! Baka nga tuwing hindi niya ako kasama e si Catalina ang kasama niya doon sa penthouse niya! Edi mag sama sila! Mga peste! "Ayos naba ang ganito karaming gulay o baka gusto mong dagdagan?" Bigla niyang tanong, napatingin ako sakanya ng masama at agad na napairap. "Mamatay na magtanong." Naiinis kong sabi. Inilagay niya ang mga gulay sa push cart at agad siyang napatingin saakin. "Ano nanaman problema ng prinsesa ko?" Tanong niya habang nakatingin saakin. "Wala." Pagalit kong sabi at tinulak siya paalis sa daan ko at ako na mismo ang nagtulak ng push cart. Nagpunta ako sa meat section at napatingin sa mga sari-sari't karne na naka display. Hindi ko na tinanong ang opinyon ni Jizan at kumuha nalang ako ng mga karne at inilagay sa cart. "Hey...princess, what's with you hmm?" Tanong niya, hindi ko parin siya pinansin at nag proceed nalang sa seafood section. I grabbed some seafoods at hindi na tinanong si Jizan. Bahala siya diyan! Manigas siya! Ayokong kausapin ang sinungaling na yan! Bahala siya, nagmumukha lang siyang baliw dyan at Nakasunod sakin habang tinatawag paulit-ulit ang pangalan ko. Nag mag proceed ako sa mga spices at flavorings ay ako nalang ang kumuha sa lahat dahil ako naman ang magluluto kaya ako ang nakakaalam sa mga sangkap na kailangan bilhin. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya. Pero ngumiti lang siya saakin ng simple, hindi ko nalang siya pinansin at nagpa tuloy sa pamimili. When I'm done, pupunta na sana ako sa cashier pero nagulat ako ng makita ko si Riguel na may kasamang babae. Woah? Nagg-grocery rin sila? Napangiti ako at pupunta na sana kay Riguel pero hindi ako makagalaw dahil hinigpitan ni Jizan ang pagkaka hawak niya sa kamay ko. I rolled my eyes at him at pilit na inagaw ang kamay ko. At ng maagaw ko na ito, ay agad akong pumunta palapit kay Riguel. "Oh? Evie!" He said the moment he saw me. "Hi! Who are you with?" I asked him. "U-uh, j-just a junior." Nakangiting sabi ni Riguel, napatango naman ako sakanya at tiningnan ang tinutukoy niyang classmate niya. The girl looked so uneasy, kaya I smiled at her. "Hi! I'm Eveanna Santillana, nice to meet you, sino ka?" I asked. "I'm, Gwen Madrid." Napa-oh nalang ako kay Kiana at binalik ang atensyon ko kay Riguel. "Ikaw ha, trip mo na pala ang mga mas bata." Nakangiting sabi ko. Agad namang napailing si Riguel ng mabilis. "Ano ba pinagsasabi ko, junior ko lang siya at nagkataon lang na nag meet kami sa entrance ng grocery store kaya sumabay nalang ako. How about you? Who are you with?" He asked. Agad na nawala ang ngiti sa labi ko. "Jizan." Simpleng sagot ko. "Talaga ba? Sige, pakisabi nalang goodluck sa exams niya." Napatango ako. "Sige, mauna na kami ha?" Riguel said. "Ay? Ganun ba? May hinahabol kayong sched?" I asked him.. "Ah Oo e.." Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napangiti nalang ako kay Riguel. "Ah sige, ingat kayo. Nice to meet you Gwen." Ngumiti lang ang Gwen saakin, at nang makaalis sila ay napatingin naman ako sa phone ko. From: Jizan Done paying. Parking lot. What? Ano daw? Tapos na niyang binayaran ang parking lot? Tinitigan ko ng matagal ang text message niya saakin at napatawa nalang ako sa sarili ko ng mapagtanto ko ang ibig sabihin niya. Oh, done paying the groceries and he's now in the parking lot. Nang makarating ako sa parking lot ay nakita ko naman siyang nakatingin lang sa paa niya habamg naka sandal at naka ekis ang mga braso niya. He looks handsome with the pose, para siyang model na naghahanap ng piso. Napaangat ang tingin niya saakin at agad naman akong umiwas ng tingin. Naglakad ako papalapit sa sasakyan, bubuksan ko na sana ang shotgun seat pero agad niyang pinigilan ang kamay ko at dinikit ako sa kotse. He immediately put his both hands beside me kaya nakakulong ako ngayon sa mga kamay niya. "Do we have a problem?" Kalmadong tanong niya. Agad naman akong napailing, pilit ko namang inaalis ang kamay niya sa gilid ko pero hindi ko magawa. Masyado siyang malakas. He leaned in closer. Kaya nahigit ko ang hininga ko. "Do...we..have...a..problem? Eveanna?" Paguulit niya pero mas may diin at mas mabagal ang pagkakasabi niya. Napatingin ako sa mga mata niya and all I can see is love and jealousy in his eyes..wait..don't tell me..he's jealous of Riguel?! AGAIN?! Napangiti nalang ako at dahan dahan na ginalaw ang kamay ko at kaagad siyang niyakap. Naramdaman ko ang dahan dahang pagiging kalmado ng sistema niya kaya napangiti ako. "Huwag ka ng magselos kay Riguel...hindi mo ba nakikita? May kasama na nga siyang babae e.." Malumanay kong sabi. Unti unti kong naramdaman ang mga braso ni Jizan na yumayakap na pabalik saakin. Napangiti nalang ako doon. "Why are you grumpy earlier hmm?" He asked. Should I really tell him? "I've read about the letter that Catalina wrote for you.." Mahinang napatawa si Jizan. "I knew it...you left the letter opened earlier princess.." Agad akong nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi ni Jizan, the f**k?! All this time he knew?! I felt him kissed my hair kaya napangiti ulit ako. "What part have you read that made you feel bad hmm?" He asked, habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. "You promised her that even if she'll leave you will never love anyone, except for the girl that you really love. You're referring to her right?" I asked him. "Haayyy, prinsesa ko...of course I am not referring to her. I am referring to you...that even if she'll leave, wala akong pake kasi ikaw naman ang gusto ko.." W-what? "Are you kidding me?" I asked him. Humiwalay siya sakin at hinawakan ang magkabilang braso ko at napatingin ng seryoso saakin. "Of course not, I am serious about that Eveanna. At kahit nakakatuwa lang panoorin na magselos, huwag parin kasi hindi ka namamansin e." Natatawa niyang sabi. "Hindi ako nagseselos!" Inis kong sabi sakanya. "Yeah, tell that to everyone, sino maniniwala." Natatawa niyang sabi. "Hindi naman talaga!" Sabi ko. "Talaga?" He asked. "Talagang talaga!" "Talagang talagang talaga?" "Talagang talagang talagang talaga!" "Talagang talagang talagang talagang talaga?" "Ugh! Whatever!" Papasok na sana ako sa kotse but I didn't get in to the car, because he immediately pulled me out and without any word, he locked his lips against mine. Again. "So...ano ng gagawin mo?" Napatingin ako kay Avie ng bigla siyang nagsalita, andito ako ngayon sa mansyon kasi plano kong ihanda ang gamit ko para sa pagpunta ko kina Jizan. "Wala." Maikli kong sagot. "Ano? Edi hahayaan mo lang si Jizan na maging baliw kakasunod sayo? Mag-isip ka nga, Evie. Soren is already safe, at hindi mo na kailangan pang ipagpatuloy ang ginagawa mo!" Sabi naman niya. Napahinga ako ng malalim. "Ako ng bahala." "Panong ikaw ang bahala? E hindi mo nga magawa e!" Hindi ko maiwasang maikuyom ang kamao ko dahil sa sinabi ni Avie, naiinis ako. Hindi niya ako naiintindihan! "Huwag mo nga akong pangunahan! Alam ko ang ginagawa ko." Sabi ko sakanya, at napairap nalang sakanya. "I'm helping you, alright? Tinutulungan kitang mapadali ang pagde-desisyon mo, habang mas tumatagal mas mahihirapan ka, tandaan mo yan!" Pasigaw niyang sabi sakin. Mabuti nalang kaming dalawa lang ang tao sa mansyon, masa City Hall kasi si Dad at Soren habang si Mom at Tita Savienna ay nasa Lacsamana Base. "You are not helping me, mas pinapahirapan mo ako sa sitwasyon ko. Mas mabuti pang huwag kana munang makialam sa ginagawa ko, I'll fix this." I said. "Oh really? Baka naman kasi, kaya hindi mo maayos kasi nagkakagusto kana talaga kay Jizan?" What?! "The f**k is wrong with you?" Inis kong tanong. "Just admit it, kaya hindi mo maiwan-iwan yang si Jizan kasi may gusto kana talaga sakanya. You will even stay at his pent house just to help him through his exams!" Avie said. Mahina akong napatawa sa sinasabi niya. "You...you should shut your f*****g mouth up." Napupuno kong sabi sakanya. Nagiging pakealamera na siya sa mga ginagawa ko. Alam ko kung ano ang gagawin, hindi niya ako kailangang madaliin sa mga bagay na alam ko na. "Bakit? I am right naman diba? Kaya hindi mo maiwan si Jizan kahit ligtas naman si Soren at wala ka namang nakuhang impormasyon sakanya ay dahil gusto mo na nga siya.." "Just mind your own business Avie, I don't like Jizan okay? I'm doing this for Soren at first, pero ngayon na safe na si Soren hindi ko na to kailangang ipagpatuloy, sigurado ako, pagbalik ko dito sa mansyon....wala na kami." Disidido na ako, sisiguraduhin kong wala na kami ni Jizan sa araw na babalik ako dito sa mansyon. It's almost been a month since I asked him, that was long enough to break up with him. "Make that happen then, gawin mo, huwag puro salita." Seryosong sabi ni Avie, he looks like Dad. A lot. Kaya minsan kinakabahan rin ako kapag galit si Avie kasi nakikita ko si Dad sakanya. "I'll break up with him, sigurado. Wala na akong dahilan pang manatili sa tabi niya kasi ligtas naman si Soren and I am only using Jizan to get some information. But Soren is already found, kaya wala na akong iba pang rason para manatili sa tabi niya." Mahaba kong sabi. Avie sighed and laughed a little. "We'll see then, kung magagawa mo talaga." "Magagawa ko yun, huwag mo akong pangunahan." Naiinis kong sabi. "Hindi kita pinangungunahan, kilala na kita Evie at alam ko kung ano ang takbo ng utak mo. Alam ko." Nakangiti niyang sabi. He is really getting Dad's vibe and I hate it! "Whatever! Huwag mo na akong pakealaman! Just tell Dad and Mom nasa bahay ako nila Jurielle!" Napairap nalang ako kay Avie. I grabbed my bag at lalabas na sana pero nanlaki ang mga mata ko at parang napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ang nakatayo sa double doors ng mansyon. "Riguel..." Mahina kong bulong. Shock was still evident on his face at parang hindi talaga siya makapaniwala sa sinabi ko. Napatingin ako kay Avie at napailing-iling nalang siya at naglakad paalis. "Anong ibig sabihin ng narinig ko, Evie?" He asked. This is getting harder and harder. "Anong ibig mong sabihin na hindi mo talaga siya gusto?" Napatingin ulit ako kay Riguel. Napahawak nalang ako sa sentido ko at napatingin sa paligid, nandito kami ngayon sa coffee shop, dahil nga gusto niya akong mag paliwanag sakanya. "Evie...answer me.. hindi ko na naiintindihan ang nangyayari..." Sabi niya. "Bakit kaba kasi nasa bahay ha? Sinong nag-imbita sayo?" Tanong ko sakanya. "Si Avie, sino pa ba?" Sinasabi ko na nga ba... hindi naman basta basta nalang akong kakausapin ni Avie tungkol doon kasi napag-usapan na namin yun noon. At mas lalong, hindi basta bastang mapapadpad si Riguel sa mansyon ng walang dahilan. "Ipaliwanag mo saakin lahat." Seryoso niyang sabi, napatitig ako sa mukha niya at hindi ko mapigilang matawa. Ang cute niya kapag seryoso! Kulot pa ang buhok! Tumaas naman ang kilay niya saakin kaya nawala ang ngiti ko sa mukha. "Bakit gusto mong malaman ha?" Tanong ko sakanya. "Of course! Narinig ko ang usapan niyo ni Avie and you expect me to not care about it? At magpanggap na parang wala akong narinig? Jizan is my best friend, and what the hell are you doing to him?" What the hell am I doing to Jizan? Ano nga bang ginagawa ko? "I'm sorry..." Mahina kong sabi. "I am so mad right now Evie, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko after hearing that. But now, gusto kong maka rinig ng malinis na eksplenasyon mula sayo." "I've planned on using Jizan..." "f**k this..." He cursed. "But I am planning to end this now! Huwag ka ng mag-alala, plano ko lang naman talagang humanap ng impormasyon kay Soren mula kay Jizan, kasi akala ko konektado siya kay Harold Sudalga at isa siya sa dahilan kung bakit nawala si Soren noon.." Mahaba kong sabi. Napatingin ako kay Riguel at nakita kong dismayado siya sa sinabi ko. I never concluded that he would also found out, akala ko samin samin nalang to ni Avie, at hindi na makakalabas ang ginagawa ko. "But you made him believe that you actually love him!" Malumanay pero ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Riguel, matalik niyang kaibigan si Jizan, at alam kong masakit sakanya na malaman na may nanloloko sa kaibigan niya. "And you really thought na lulubayan ka niya after breaking up with him? or worse papayag ba yun sa gusto mo? I've known Jizan for so long...he waited for you for 10 f*****g long years...and when he finally got you.. gagawin mo to? This is the essence of stupidity.." Galit ba talaga si Riguel saakin? Napayuko si Riguel at huminga ng malalim na parang pinapakalma ang sarili niya. "He waited for you Evie...and all you're going to do is break his heart? He waited for nothing?" Hindi ko na alam ang sasabihin ko, nako-konsensya narin ako sa ginagawa ko kay Jizan. He clearly doesn't deserve this...kagaya ng sabi ni Riguel.. naghintay siya saakin ng halos sampung taon... pero ano ang ginawa ko? I toyed him... "I'm very sorry Riguel, I didn't meant to get to this point. I was just really naive and worried about Soren, na umabot sa punto na hindi ko na alam ang gagawin ko at kahit anong bagay ay kaya kong gawin para lang maligtas siya..." Paliwanag ko kay Riguel. "I understand you, ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kailangan mong gumamit ng tao? And worse! Bakit si Jizan pa?" "Damn, Evie..you can just ask him for information! I'm sure he will give it to you immediately! Hindi naman kailangan na umabot pa sa puntong lolokohin mo siya." He sipped on his coffee at huminga ulit ng malalim. Stress is very very visible on his face, parang mas nas-stress pa siya kesa saakin..sabagay...may nalaman siyang hindi kapani-paniwala, what do I expect anyway? "Are you gonna tell him?" I asked. "No." "Why?" "Ayokong pangunahan ka sa gagawin mo, at gusto kong sayo mismo manggaling ang sasabihin mo sakanya." Sabi ni Riguel. "Pero hindi ko alam kung pano sisimulan...lagi nalang akong nadadala sa mga nangyayari saamin. Kaya nakakalimutan ko ang mga dapat kong gawin.." Sabi ko kay Riguel, hoping that he can help me pagkatapos ng lahat ng nalaman niya. "When are you going to tell him?" "After his exams, I don't want him being bothered during his examination." Sagot ko kay Riguel. "You don't really like him?" Riguel asked. I gulped. Hindi ko ba talaga gusto si Jizan? Hindi ko siya gusto, pero hindi naman sa ayaw ko sakanya. There's a part of me na gustong gusto ko kapag kasama ko siya, pero mas nangingibabaw ang kagustuhan kong matapos na to dahil ayokong maging komplikado ang lahat. "You don't need to answer." Napaiwas nalang ako ng tingin kay Riguel dahil sa sinabi niya. "School Festival is approaching next week. At hindi kasali ang mga college students doon dahil may iba silang event, kaya mabuti narin na tapusin mo na yung sainyo ni Jizan within this week para hindi maabala si Jizan sa activity nila for next week." Paliwanag ni Riguel, may event sila next week? Anong event yun? At school festival pero hindi kasali ang college students? "Bakit hindi kasali ang college students?" Tanong ko kay Riguel. "Hindi ko alam, basta ibang event ang gaganapin sakanila. Ganun talaga ang nangyayari every year." Sabi naman niya. "Pero kailangan mo ng tapusin lahat ng to, bago pa malaman ng marami. You need to stop everything that's going on between you two." Marahan akong napatango kay Riguel, tama naman siya eh. Kailangan ko talagang tapusin lahat ng 'to. I don't even know why did I even thought about this stupid plan? Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako roon. From: Jizan Where are you?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD