C31

1918 Words
Kinabukasan ay hindi na nga ako tumakas, there's no point in escaping. Dahil alam ko namang hahanapin niya parin ako sa school, at nakakapagod rin umalis at gumising ng mas maaga kesa sa usual time ko! Nang makababa ako sa sala ay nagulat ako ng makita ko si Jizan na nakaupo na sa sofa namin, habang kinakausap siya ni Avie. Is she going to tell Jizan?! What the hell is wrong with her?! "Jizan! Let's go!" Pagtawag ko sa atensyon ni Jizan. Napatingin naman sila pareho saakin at napatayo. "She's here na pala, I should get going...Tita Savienna! Aalis na kami!" Paalam ni Avie kay Tita Savienna, Tita just gave us a thumbs-up at nauna ng umalis si Avie. Napatingin si Jizan saakin at pareho na kaming naglakad palabas ng mansyon. Hindi parin umuuwi sina Mom at Dad, at wala paring balita kay Soren. I feel so sad para sa kapatid ko, he's so young para ma expose sa underground world at maka ranas ng ganito. Kaya kung malaman ko lang kung sino ang may pakana nito, I will never forgive that person. Pinagbuksan ako ni Jizan ng pintuan kaya agad akong pumasok sa loob ng sasakyan niya. Nagpunta narin siya sa driver's seat at naupo doon. "Mabuti naman at hindi mo na nakalimutan." I rolled my eyes dahil sa sinabi niya. "Sa rami mong text kagabi, makakalimutan ko pa ba?" Sarkastiko kong sabi. Nakakainis siya kagabi! Napakadami niyang tinext para lang hindi ko makalimutan ang pagsundo niya sakin! He chuckled and started the engine. "Atleast I reminded you over and over again, right?" He said. "Right." "Nag breakfast kana?" Tanong niya. Napaiwas ako ng tingin sakanya dahil sa tanong niya. This is the first time someone asked me if I already ate, well except sa parents ko... "Hindi pa." Maagap kong sagot. "Perfect, hindi rin ako nakakain. We should eat..san mo gusto?" He asked again. "McDonalds?" Hindi sigurado kong sabi. "McDonalds it is." Habang nagmamaneho siya ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako doon. At hindi ako makapaniwala sa nabasa ko.. From: Riguel I've heard about the rumors, why would you hide it? Oh my god! Sino ang nagsabi sakanya? Napatingin ako kay Jizan at kalmado lang siyang nakatingin sa daan. Parang wala pa siyang alam..my phone beeped again. From: Riguel Alam ba to ni Jizan? Kinakabahan akong nag type ng reply sakanya. To: Riguel Don't tell him. From: Riguel Why not? To: Riguel Just don't. "Who are you texting?" Napatingin ako kay Jizan ng bigla siyang magsalita. "Ah, wala. Just don't mind me." Sabi ko sakanya, tumaas ang isang kilay ni Jizan at nakita ko kung pano humigpit ang hawak niya sa steering wheel. "Sino nga?" Tanong ulit niya. "Huwag mo na kasing isipin." Sabi ko naman. "Just tell me who is it." Medyo seryoso niya ng sabi. "Eh bakit kaba nangingialam?" Naiinis kong sabi. "Kasi boyfriend mo ako? Sino yun?" "Huwag ko na kasing itanong, hindi naman yun importante!" I said. Nakakainis! "Kung hindi importante bakit kailangan mo pang replayan? Sino nga yan?" Tanong niya ulit. "I already told you! It's nothing, huwag mo ng isipin!" Malakas kong sabi. "Bakit ka nagagalit?" He asked. "Hindi ako galit!" Pasigaw kong sabi. "Galit ka." Kalmadong saad ni Jizan. Napatingin ako sakanya gamit ang galit kong mga titig pero nakatingin lang siya sa kalsada at kalmadong nagmamaneho. "Hindi nga!" Sigaw ko. "Don't shout." "Bakit kaba kasi nangungulit? E, wala nga yun diba? Huwag mo na kasing isipin!" I said. "Wala naman pala e, bakit ayaw mong sabihin kung sino yun?" He asked. "Iniinis mo ba talaga ako?!" Galit kong sabi. Tangina naman!! Nakakainis!! Alam niya namang pikonin ako pero palagi niya akong iniinis!! "Hindi, tinatanong lang naman kita. Bakit ka nagagalit?" He asked innocently, na parang ako pa ang may kasalanan dito. "Hindi nga ako galit diba?! Kaya huwag kanang magtanong ng magtanong! Nakakainis na!" Padabog kong sabi. I crossed my arms at napatingin nalang sa labas ng bintana. Nakakainis ang Jizan na 'to. Andaming alam, sinabi ko naman na wala nga lang e bakit ayaw niyang maniwala? Duh. As if naman may kabit ako kasi nakikipag-text ako kahit kasama ko siya... Fuck..right!! Galit ba siya kasi nakikipag-text ako kahit kasama ko siya?! Yun ba ang kinagagalit niya? O galit ba siya? Ang kalmado niya kasi tingnan! Parang wala lang naman sakanya. Napatingin ako sakanya at nagulat ako na gumagalaw paulit-ulit ang adam's apple niya at naninigas ang bagang niya. His grip on the steering wheel is getting tighter too kumpara kanina, so...he's mad right? "Hey...look. I'm sorry, I didn't meant to meddle your business—" "Why are you saying sorry?" Tanong ko sakanya, bakit siya humihingi ng tawad? E ako naman talaga ang may kasalanan in the first place? "Sa pakikialam ko?" Hindi sigurado niyang sabi. Huminga ako ng malalim at napatawa ng bahagya. "Alright, it's Riguel who I am texting. And I'm sorry for getting mad agad." I said. Tumingin ako sakanya para basahin ang ekspresyon niya and I saw how his grip on the steering wheel loosen, and his lips twitched a little. "Why would you text Riguel?" He asked. "It's about, school. Classmates kami remember?" I lied. Tumango nalang si Jizan saakin. "Wait...Don't tell me nagseselos ka kay Riguel?" Hindi makapaniwala kong tanong sakanya. "Oh yeah? So what if I am?" Tanong niya. Okay? That was unexpected...but I need to try hard not to ruin this atmosphere. "Why would you be jealous? Hindi naman si Riguel ang gusto ko?" Nakangiti kong sabi kay Jizan. He turned to McDonald's drive thru at sakto namang may mga sasakyan pang nakapila kaya hininto niya muna ang kotse, at napatingin saakin. "Uh-huh? Give me assurance then that you like me more than Riguel." Seryoso niyang sabi habang nakatingin saakin, at naghihintay ng sagot ko. Assurance...what kind of assurance is he referring to. Alam ko namang hindi 'i love you' ang hinihingi niya dahil masyado pang maaga para dun. Well..maybe... Napatingin ako kay Jizan at napangiti. I leaned forward to him at walang sabi-sabing hinalikan ang pisngi niya. That was quick pero nakita ko ang gulat sa mga mata ni Jizan na parang hindi siya makapaniwala. "McChicken Sandwich, large fries and McCoffe for me." Sabi ko at nabalik sa dating posisyon ko. Nagmamadali kong hinanap si Riguel sa classroom namin, pero nadismaya ako ng hindi ko siya mahanap. Asan naba siya? I need to talk to him! Kailangan ko siguraduhin na hindi niya talaga sasabihin kay Jizan ang tungkol sa rumors ko dito sa school. Hindi naman yun big deal! Pero hindi ko alam kung ano ang magagawa ni Jizan sa oras na malaman niya kumg ano ang pinagsasasabi ng mga estudyante dito sakin. Nagpunta ako sa school garden pero hindi ko parin siya nakita. Wala rin siya sa quadrangle at sa Club Room namin. Isa nalang ang alam kong pwede niyang puntahan, ang gymnasium. Since basketball player naman siya ay andun siguro siya. Napatingin ako sa relo ko at mas binilisan ko ang paglalakad ng makita kong 15-minutes nalang ay time na. Ng makarating ako sa gymnasium ay nagulat ako ng makita ko si Kylie at si Riguel na nag-uusap. What? Anong ginagawa ni Kylie dito sa gym? Ang sabi ni Jizan ngayon ang final feasib defense nila ni Kylie, pero bakit andito siya? Agad akong nagtago sa likod ng lalagyan ng mga bola. "Believe me Rigo, Jizan and Evie are in a relationship. Nakita mo naman sila kahapon diba?" Rinig kong tanong ni Kylie kay Riguel. "I know, nakita ko sila. Pero hindi naman yun sapat na dahilan para paniwalaan kita. Evie is close with me, kaya imposible yang sinasabi mo." Riguel said. Napakuyom ako sa kamao ko dahil sa ginagawa ni Kylie kay Riguel. Pakealamera talaga! "Why don't you ask Evie? Tutal narinig mo rin naman ang rumors tungkol sainyo. Tanungin mo na siya kung alin ba talaga ang totoo." Kylie confidently said. Hindi sumagot si Riguel kay Kylie, and I heard Kylie laugh a little. "Ikaw naman kasi Riguel, you didn't guard Evie well. Kung mas binilisan mo pa sana sa pag galaw edi sana nasayo si Evie at wala kay Jizan...pano yan? Nakuha na nga ni Jizan si Catalina noon, pati ba naman ngayon makukuha niya si Evie?" Malungkot na saad ni Kylie, pano niya nalaman ang tungkol kay Catalina? "what? How did you know about that?" Tanong ni Riguel. "Okay listen, I know a lot Riguel. Baka nakakalimutan mo, Viper ako. Half-Cousin ko si Evie." Sabi Kylie. Tama...Viper nga siya, akala ko ba hindi niya alam na Viper siya? "I don't care about your surname, or your identity." Riguel said in a low tone of voice. "Kung ako sayo...gumalaw kana habang maaga pa. Baka hindi mo na yan mabawi pabalik kapag binagalan mo..." Kylie said at tumawa ng malakas bago lumabas sa gymnasium. Napatingin ako sa nilabasan ni Kylie at napahinga ng malalim. Now what...ano nang gahawin ko? Marami ng nalaman si Riguel..putanginang Kylie kasi yun! Pakealamera! Kung alam ko lang ginagawa niya lang yun para maghiwalay kami ni Jizan at maagaw niya ulit ang boyfriend ko! Okay..wait a minute. Bakit naman ako magagalit? Diba mas mabuti pa yun dahil mas mapapabilis ang pag-iwan saakin ni Jizan? Mas mapapadali ang paghihiwalay naming dalawa. But...I don't know..bakit parang ayoko? E yun naman talaga dapat ang ginagawa ko? Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinabahan ako at agad-agad itong nilagay sa silent mode. Sumilip ako kay Riguel at napahinga ng malalim ng hindi niya na pansin. I looked at my phone. I got two messages. From: Jizan Let's lunch together later. From: Riguel Mag-usap tayo mamayang lunch. Bwisit. Sabay pa talaga sila? But Riguel is much more important than having a lunch with Jizan. Maiintindihan naman siguro yun ni Jizan, I just need to lie. To: Jizan Sorry, I have something to do later. Maybe tomorrow? To: Riguel Sure. Nakita kong lumabas na si Riguel sa gym kaya napahinga na ako ng maluwag. My phone lits up dahil sa message ni Jizan. From: Jizan Why not? Kasama mo kabit mo? What the freaking hell? Anong kabit ang sinasabi ng isang 'to? To: Jizan Excuse me?! Wala akong kabit, baliw! May gagawin kaming group meeting mamaya!! Napatayo ako mula sa kinauupuan ko at nagsimula ng maglakad palabas sa gymnasium. Naiinis na ako kay Kylie, masyado niya ng pina-pakealaman ang buhay ko. Dapat nga hindi ko siya pino-problema dahil may mas mga malalaki akong problema kesa sakanya. Umilaw ulit ang cellphone ko kaya napatingin ako doon. From: Jizan Walang kabit? Eh ano ginagawa mo sa gym? Agad akong kinilabutan dahil sa sinabi ni Jizan, what the f**k? Pano niya nalaman?! My phone lits up again. From: Jizan Nakita kita, from our building. Tsk tsk, princess.. To: Jizan Bahala ka! Hindi parin ako sasabay sayo mag lunch! Lagi mo akong iniinis! From: Jizan Pikon ka kasi To: Jizan Shut up!!!! To: Jizan Hindi talaga ako sasabay sayo mag lunch bukas at kahit kailan! Huwag mo akong inisin! From: Jizan You're not problematic anymore? Nakangiti kana e. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at agad nawala ang ngiti ko sa labi ko. I roamed my eyes around pero hindi ko nakita ang kahit anino lang ni Jizan. Saan ba siya nagtatago?! From: Jizan Huwag mo na akong hanapin, pumunta kana sa classroom niyo, baka malate kapa ako pa sisihin mo. Hindi ko na siya pinansin at agad naglakad papunta sa classroom namin, nakita ko naman si Riguel na seryosong nakatingin lang sa cellphone niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD