I walked towards him at umupo sa seat kong katabi lang ng sakanya.
"Huy!" Pag tawag ko sa atensyon niya. Agad naman siyang napatingin saakin at agad agad na tinago ang cellphone niya.
"Bakit ka natagalan?" He asked.
"Uh, nag breakfast pa kasi ako McDonalds." I said. He just nodded at me.
"Bakit mo nga pala ako gusto makausap?" Tanong ko sakanya.
"Mamaya nalang natin pag-usapan.." Mahina niyang saad.
Nakakainis talaga ng Kylie nayun! Kung ano-ano nalang ang sinasabi at tinatanim sa utak ni Riguel! I'll make sure na hindi na siya makaka-kalat ng mga rumors tungkol saakin. Patay sakin ang bruhang yon, wala akong pakealam kahit half-cousin ko siya or what.
Naiinis na talaga ako sa babaeng yon! Napaka-pakealamera!
Napagkasunduan namin ni Riguel na sa garden nalang mag usap para konti lang ang tao. To be honest, kinakabahan talaga ako, kasi hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko sakanya. Baka maniwala siyang may relasyon talaga kami ni Jizan, wait..may relasyon naman talaga kami. Pero hindi naman yun ang relasyon na mutual talaga kami ng damdamin. I am just using him for information na kailangan ko ring itigil dahil alam kong makakasakit ako.
Pero hindi ko magawang itigil, dahil sa hindi ko malamang dahilan. I am just finding the right timing pero, hindi ko talaga magawa.
"Totoo ba?" Biglang salita ni Riguel, napatingin ako sakanya at nakatitig lang siya sa kawalan.
"Ang alin?" Pagbubulag-bulagan ko.
"Na kayo na ni Jizan?"
I gulped. "O-Oo..."
I heard him sighed at napatayo. Aalis naba siya? Ganun nalang?
"Riguel wait! Pero hindi ko naman siya gusto talaga.." I said. Agad siyang napalingon saakin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"What? What do you mean by that? May relasyon kayo pero hindi mo siya gusto?" Tanong ni Riguel.
"I am..." Should I tell him? Pero bestfriend siya ni Jizan! Malaki ang posibilidad na sabihin niya ang totoo kay Jizan.
"You're?" He traced.
"I am inlove with him, hindi ko siya gusto kasi mahal ko siya." I crossed my fingers and hoped na paniwalaan niya ang sinabi ko. Please...believe me Riguel.
Napaupo siya ulit sa tabi ko at hinilamos ang palad niya sa mukha niya.
"Damn...I'm not chosen again..." Mahina niyang bulong, napakagat ako sa labi ko dahil sa narinig ko.
I'm so sorry Riguel...
"Tell me, Evie...ano ang meron kay Jizan na wala saakin?" Kalmado niyang tanong saakin pero halata ang lungkot at poot sa boses niya.
"I don't know..." Malumanay kong sagot.
"Una si Catalina...tapos pati ba naman ikaw?" He whispered to himself.
"Ano ba ang wala saakin na meron kay Jizan?" He asked again.
"Listen Riguel...don't you ever compare yourself to Jizan okay? Sadyang hindi lang talaga ako ang para sayo, maybe luck is saving you from me. Baka wala akong mabuting dulot sayo, kaya sinasagip kana ng swerte.." Sabi ko. And lightly caressing his back.
He sighed. "Why am I so unlucky? Bakit malas ako lagi sa babaeng nagugustuhan ko?"
Did he just confess right in this situation? Gusto niya ako? Tapos gusto rin ako ni Jizan? Just like what happened in the past...about Jizan, Riguel and Catalina...
"I've also heard about the rumor...na nagt-two time ka raw saamin ni Jizan..." Natatawa niyang sabi.
"Bakit ka naman magiging two-timer e isa lang naman ang minahal mo samin?" This...this is making me sad...hindi ko na alam ang sasabihin ko, napakalaking katangahan ang ginawa kong pagiging girlfriend ni Jizan.
I should've behave, dapat hindi ko nalang yon ginawa...kung hindi ko yun ginawa hindi sana ako magkaka-problema sakanilang dalawa.
"Riguel..." Tanging nasabi ko...
"So I guess, I lost again?" Natatawa niyang sabi.
"This is not a competition.." I said.
"Oo alam ko, bakit ba kasi ang malas ko pagdating sa ganito. In terms of choosing I've never been chosen...not even once..." Malungkot niyang sabi.
"Don't worry Riguel, someday you'll met someone who will never get tired of choosing you. And that person will be worthy of your love..." Nakangiti kong sabi.
Napatingin si Riguel saakin at napangiti nalang rin. "Hindi ko inasahan na hindi nanaman ako mapipili sa ganito, akala ko talaga this time oras ko na. Oras ko na, na ako nanaman at hindi na si Jizan. Pero parang wala talaga." He chuckled.
"Hindi kaba galit saakin?" Tanong ko sakanya.
"Bakit naman ako magagalit sa'yo? Desisyon mo yan, and I highly respect it. At wala na akong magagawa dun.." Malungkot niyang sabi, napangiti nalang ako kay Riguel.
He is really a nice guy...hindi ako makapaniwala na nakaya niyang lampasan ang ganitong heart ache, he is such a strong person...with a soft heart..
"But we can still be friends right?" Tanong ko sakanya. Agad namang sumilay ang ngiti ni Riguel na nakasanayan kong tingnan.
"Oo naman! Walang nagbabago, Eveanna!" He said. Kahit nakangiti siya alam kong malungkot parin siya sa nangyayari ngayon.
"Wala talagang magbabago?" I asked him. Tumango naman siya at itinaas pa ang kanang palad niya, as a sign of promise.
I sighed. "What did I do to deserve someone like you, Riguel?" Tanong ko sakanya.
Nagkibit-balikat nalang siya saakin. "Ewan, but atleast you got me right?" Nakangisi niyang sabi. Agad akong napangiti at tumango.
"Yeah..I got you.." Mahina kong sabi.
"Kahit anong mangyari, andito lang ako Evie. Hindi ako mawawala, I am always and forever here beside you..kung kailangan mo ng tulong andito lang ako. Need someone to talk to, o makasama andito lang ako...hindi ako mawawala sa tabi mo..I assure you that." Nakangiti niyang sabi.
Napangiti narin ako sa sinabi niya, at kusang tumaas ang kamay ko at hinawakan ang kulot niyang buhok. Marahan ko iyong hinaplos at napangiti.
"Thank you..thank you so much Riguel.."
"Now...can I use my last favor today?" Binaba ko ang kamay ko sa dati nitong posisyon at napatango sa sinabi niya.
Tama nga pala, yung tatlong favor na kailangan kong gawin para sakanya. And today, he will use his last favor. Nasaktan ko siya masyado, kaya willing akong gawin kung ano ang gusto niyang ipagawa saakin.
"So for my last favor..."
"Can you...can you hug me for atleast thirty seconds?" He hopefully said. Agad akong napangiti at tumango sakanya.
"Ngiti lang pala eh, sure thing!" Sabi ko at agad na napatayo.
Tumayo narin siya at binuksan ang mga bisig niya saakin. Hindi naman ako nag-aalinlangan na agad siyang nilapitan at niyakap ng napakahigpit. He hugged me back at marahang hinaplos ang buhok ko.
"Don't you ever cry just because of Jizan, okay?" Bulong niya, marahan naman akong tumango sakanya.
"Promise me that, Evie. Na kahit kailan ay hindi ka iiyak o magmamakaawa kay Jizan." Sabi niya.
"Yes. I promise."
It's been a week since that day, at isang linggo narin akong may relasyon kay Jizan. Habang mas tumatagal mas nagiging mahirap ang sitwasyon ko, dapat talaga itinigil ko na to. Pero bakit ba kasi hindi ko magawa? Naiinis narin ako sa sarili ko dahil simple lang naman ang dapat kong gawin pero bakit hindi ko magawa? I'm so dumb! Really really dumb!
Nakalublob ako ngayon sa libro ko. Andito ako sa library dahil naghahanda na ako para sa exams next week, napatitig ako sa mga librong nasa harap ko at hindi ko pa nasisimulang magbasa pero tinatamad na ako. Actually, hindi ko naman dapat mag review pa dahil alam ko naman ang mga lessons, at na sink in na yun sa utak ko.
"Oh my god, look who's here..." Napa-angat ang tingin ko sa biglang nagsalita, at nangunot ang noo ko ng makita ko ang ka batch ko. Ka batch ko to kasi pareho kami ng kulay sa ID lace.
"Sino ka?" Tanong ko, at inayos ang pagkakaupo ko.
"I'm Shantelle and this is Yza." Sabi niya at itinuro ang babaeng kasama niya, napataas naman ang kilay ko.
"At? ano ang kailangan niyo sakin?" I asked.
"Okay, since andito rin naman tayo...pwede ka bang makausap?" Nakangiting sabi nung Shantelle at umupo pa sa bakanteng upuan na nasa harapan ko, Yza did the same at umupo rin sa katabing bakanting upuan ni Shantelle.