I said yes. Pumayag ako sa tinanong ni Jizan. Tangina, bakit ba ulit ako pumayag? Para mapalapit sakanya at makakuha ng impormasyon tungkol kay Harold. Yun ang kailangan ko sa ngayon, after getting the information that I need pwede ko ng iwan si Jizan. I will explain everything to him soon. Pero una, kailangan ko muna ang impormasyon.
Napatingin ako kay Jizan at nakita ko ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha niya. Pero sa huli ay napatawa nalang siya ng mahina at huminga ng malalim.
"I'm just kidding about the qualifications, are you serious about this?" Tanong niya saakin, at marahan naman akong napatango.
Act. Evie...
Huminga ako ng malalim at niyakap siya ng mahigpit. "I really like you Jizan, and I really want to be your girlfriend."
Nagulat ako ng maramdaman ko ang kamay ni Jizan na pumaikot narin sa bewang ko. He's hugging me back, hindi ko alam pero biglaang kumalma ang sistema ko ng niyakap ako ni Jizan.
"Alright then, let's skip class." Agad akong napatingin sakanya dahil sa sinabi niya.
"Skip class? But why?" Naguguluhan kong tanong sakanya.
"We should date. We should hang out." Sabi niya. Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi ni Jizan, at marahan na napatango.
"Let's go.." Sabi niya at agad akong hinila papunta sa school's gate.
Nakita ko naman ang iba't-ibang titig ng mga estudyante sa school. I don't care about this rumors, ang importante makakuha ako ng impormasyon. That's more important than these rumors.
"Oh? Jizan at Eveanna? Saan naman kayo pupunta ha?" Napahinto kami sa paglalakad ng makita kami ng guard.
"May emergency sa city hall, guard. Hinahatid ko lang si Eveanna." Napatango nalang ang guard saamin at hinayaan kaming lumabas ng school.
Napalingon ako sa guard at nakita ko ang makahulugang tingin niya saamin ni Jizan. Napairap nalang ako sa hangin at napatingin ulit sa daanan.
Naglakad kami pareho patungo sa parking lot at agad namang bumungad saakin ang puting sasakyan ni Jizan. Napalunok ako, this is the first time na sasakay ako sa kotse niya. Lagi nalang kasing kay Riguel ako sumasabay...
Pinatunog niya ang kotse niya at pinagbuksan ako ng pintuan. Napatingin ako sakanya at tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Get in, princess.." I sighed. Masasanay rin ako dito.
Nang makapasok ako sa loob ay namangha ako sa amoy ng sasakyan ni Jizan, it smells so good. Hindi ko akalain na ganito ang magiging amoy ng sasakyan ni Jizan, it smells like mint and aftershave.
Pumasok na rin siya sa loob at binuhay ang makina. "Bakit ka absent ng ilang araw?" I asked him.
"Hmm? I got busy, and I have a lot of things to do in OS." Sa OS?
"Ano namang ginagawa mo dun?" I asked again, please just answer me..Napatingin ako kay Jizan at nakita kong seryoso lang siyang nakatingin sa labas.
"I need to handle a lot of things, why? You miss me?" Pabirong tanong ni Jizan saakin, napairap nalang ako sakanya.
"Alam mo ikaw, feelingero ka! Hindi porket boyfriend kita e lagi kitang mami-miss noh!" I said. Nagkibit balikat lang si Jizan at agad pinaalis ang kotse sa school.
"Boyfriend...that sounds very good..." He whispered. What?
"Bakit? Hindi mo ba ako miss?" He asked again.
"Ay! Ewan ko sayo Jizan! Stop taking already!" Inis kong sabi.
"Denial ka e, miss ko talaga ako no?" Pang-iinis pa niya.
"Whatever Jizan! Huwag ka ngang assuming, please lang." Sabi ko at napairap nalang sa kawalan.
"Napakasungit naman ng prinsesa ko, well, don't worry this is our first date as a couple, I'll make this worth it." Jizan said, hindi siya ngumiti pero alam kong masaya siya sa ginagawa namin ngayon.
"Jizan?"
"Yes, Princess?"
"Gusto mo ba ako?" I asked. I'm very curious, kasi hindi naman niya siguro ako gagawing girlfriend niya ng ganun ganun lang diba? There has to be a reason.
"Bakit mo natanong?" He asked.
"I'm just curious, I mean we wouldn't be in a relationship if hindi natin gusto ang isa't-isa diba?" I almost puked. Malapit akong masuka dahil sa sinabi ko. But whatever, Jizan can be manipulated easily.
"I like you for like a decade." W-what?
"A-A d-decade?" Hindi makapaniwala kong tanong sakanya.
"Yeah.."
"But that's...that's impossible! In that decade ay naging kayo ni Catalina! Kaya impossible ang mga sinasabi mo. Huwag mo nga akong lokohin." Sabi ko.
"I don't like Catalina." Nagulat ako ng biglaan niyang sinabi yun, kaya napatingin ako sakanya na parang hindi makapaniwala.
"Seriously, Jizan?"
"Seriously."
"Eh bakit mo siya naging ex-girlfriend kung hindi mo siya gusto? Ikaw na mismo ang nagsabi na may qualifications! Pumasa ba siya sa lahat!?" Hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa inis, he didn't have to lie to me! Pwede niya namang sabihin na nagustuhan niya talaga si Catalina!
Naramdaman kong itinabi at pinahinto niya ang kotse kaya napatingin ako sakanya. Nagulat naman ako ng makitang nakatingin lang siya saakin ng seryoso.
"Listen princess, I like you since I'm sixteen years old. Hindi ko alam kung bakit, pero nagustuhan na kita kahit nung bata ka pa. Call me a pedophile but that's what I really feel. And about Catalina...I only dated her kasi naalala mo ang sabi mo noon?" Tanong niya.
"Ang alin? May sinabi ba ako noon?" I asked.
"You said you'll only date men who's serious with his studies and has a great taste of women." Oh right, sinabi ko nga yun noon nung eleven ako at naglalaro kami ni Jizan kasama si Avie.
"That's why I decided to date Catalina, she is great naman e. She looks decent and elegant kaya akala ko siya ang sinasabi mong 'great taste of women'. So when I started dating her nag seryoso narin ako sa pag-aaral kasi nga sabi mo yun ang gusto mong lalake." He said. Gusto kong umiwas ng tingin kay Jizan, pero hindi ko magawa. Parang napako ang mga mata ko sakanya.
"And princess listen to me, I don't have qualifications okay? Nagbibiro lang ako nun. I respect you, I'm not a mother fucker." Nagulat ako sa biglaan niyang pagmura pero agad rin naman akong nakabawi.
"So you believe me now? That I like you for a decade and until now?" He asked. Wala akong nagawa kundi tumango nalang sakanya.
"Don't shout okay? Don't let your anger consume you." He said at nagpatuloy sa pagmamaneho.
He likes me for a decade and until now? That's interesting.
"Thankyou Jizan.." Sabi ko kay Jizan at lumabas na ng sasakyan niya, today was really really great. Naranasan kong magpunta sa perya at hindi ko inakalang napakasaya pala. It was really fun, that was the best.
Hindi ko akalain na magiging masaya ako sa ganung paraan lang. It was simple yet very fun. I might try it again but with Avie...
Lumabas rin si Jizan sa sasakyan niya at napatingin sa mansyon namin at saakin ulit.
"So I'll fetch you tomorrow?" He asked.
"Yes, sure..." Nakangiti kong sabi. Inaamin ko nasiyahan talaga ako sa araw nato. It wasn't an act, it was genuine happiness.
"Goodnight.." Napatango ako sakanya.
"I'll text you when I'm home." Sabi niya. Napatango ulit ako sa sinabi niya.
Akala ko ay aalis na siya pero nagulat ako ng bigla siyang lumapit saakin and planted a soft kiss on my forehead.
Hindi ako makagalaw sa biglaan niyang ginawa, I looked at him and he just shrugged. Pumasok siya sa loob ng kotse niya at binaba ang bintana ng sasakyan niya.
"I'll go now, bye Princess.."
"Bye, Jizan."
Umalis na ang sasakyan niya at napahinga naman ako ng maluwag dun. Napalingon ako sa mansyon namin at nagulat ako ng makita ko si Avie na nakatayo doon. I should say sorry to her right?
I walked towards her at napatingin naman siya saakin. She looks really mad at parang ayaw niya pa akong kausapin.
"Avie..."
"I apologize because of what I said yesterday okay? I didn't meant that, nadala lang ako sa sitwasyon.." Mahina kong sabi.
Nag iwas siya ng tingin saakin at huminga ng malalim. "Go inside, we will talk about this."
Pareho kaming pumasok sa loob at nakita ko naman si Tita Savienna na nakaharap sa laptop niya at busy siya. She looked at as and smiled a bit at bumalik ulit ang atesyon sa laptop.
Naupo kami pareho ni Avie sa sofa.
"Are you really serious about dating Jizan?" Panimula niya.
"Why? There's nothing wrong with it." I asked.
"You're using him Evie! And we both know na mali ang mang gamit ng tao." Sabi niya.
Napaisip ako dun, tama naman siya. But...I badly need some information tungkol kay Soren, sa bawat oras na hindi namin siya nahahanap ay mas malaki ang posibilidad na mas matagal namin siyang mahahanap.
"But it's for Soren, Avie." Sabi ko.
"You can help by not using a person, Evie!" Nagulat ako ng bigla ng tumaas ang boses ni Avie. I need to be calm.
"But it's faster this way! May alam si Jizan!" Inis kong sabi.
"May alam nga siya, but he is our friend! You can ask him but not use him!" Sigaw niya. Napahawak ako sa sentido ko dahil sa sinabi niya.
"Hindi mo naiintindihan! Kung tatanungin ko lang siya malamang hindi niya sasabihin! But if I am his girlfriend then he would trust me and say it to me without hesitation!" I said.
"What the hell are you thinking Evie?! Hindi ka pwedeng basta-bastang gumamit ng tao for your own advantage!!"
"It's not for my own advantage! I am here to help Soren! I am doing this for us! Para mapadali ang lahat!" Hindi ko ma iwasan na sumigaw narin.
"Why are you two shouting at each other?" Napatingin kami pareho kay Tita Savienna ng bigla siyang magsalita.
Agad naman kaming natahimik pareho ni Avie. We don't want to be scolded by Tita Sav, alam ko kung pano siya magalit kaya ayokong pagalitan niya kami pareho.
" I overheard your conversation, who are you using Eveanna?" Oh f**k. Bakit ba kasi kailangan naming sumigaw?
"Jizan! She's using Jizan, Tita!" Napatingin ako ng masama kay Avie dahil sa pagiging sumbongera niya.
"Jizan? Son of Zoldyck?" Tanong ni Tita.
"Yes." Mahina kong sabi.
Tita Sav sighed and laughed a little. "Alam mo Evie, manang mana ka talaga sa Mama mo. You make very very risky decisions.." Sabi niya.
"What do you mean?" I asked.