I opened my eyes at nagulat ako nang makita ko sina Mommy at Daddy na nakaupo sa couch at nag-uusap. Avie is also there but...Soren isn't. Nakita ko rin si Jizan at Riguel na nag-uusap rin, tanging si Avie lang ang hindi nila kausap at nakatitig lang ito sa kawalan.
"Mom...Dad.." I called them. Napalingon silang lahat saakin at agad namang napalapit si Mom, Dad at Avie.
"Are you okay now? Are you feeling well already?" Mom asked me sweetly. I smiled at her.
"Yup. No worries, bakit ka'yo andito? Where's Soren?" Agad kong tanong sakanila. Nakita ko ang paglingon rin ni Riguel at Jizan saakin dahil sa tanong ko.
"We are still on search of Soren, hindi parin namin alam kung saan siya makikita." What? But Jizan already knew where Soren is!
"What is happening Dad? Bakit nawawala si Soren?" Tanong ko kay Dad, na tahimik lang na nakatitig saakin.
"He got kidnapped by the Sudalga's. That's what I know for now." Nanlumo ako sa narinig, are they hiding something? Hindi ako kumbinsido sa narinig ko kay Dad.
"Pero...I heard.." Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Jizan na nakatitig saakin. He's staring at me hard.
I gulped.
"What have you heard, Evie?" Mom asked.
"Oh..never mind Mom. I'm not sure pa, I'll tell you about it when I'm sure." Sabi ko kay Mom.
"Avie told us everything." Sabi ni Dad, anong ibig niyang sabihin?
"The rumors that is spreading around your school, I already know about it." Dad added.
Kinabahan ako sa narinig ko kay Dad, kilala ko na si Dad. Alam ko kung ano ang kaya niyang gawin kapag may mangyaring masama sa mga anak niya.
"Avie! I told you to not—"
"What rumors?" Nanlaki ang mata ko nang marinig ko si Jizan na biglang nagsalita. Mom and Dad looked at Jizan and Riguel na naglalakad narin palapit.
Agad akong kinabahan at napatingin kay Avie, she nodded at me like signaling me to tell them the truth.
Napahinga ako ng malalim. "Well...there's this rumor about—"
"Oh, the patient is already awake." Napatingin kaming lahat sa doctor na pumasok sa loob nang room, agad akong napahinga ng maluwag ng makita ko ang doctor.
Ah, saved by the doctor? I guess.
After running some few tests ay umuwi narin sina Riguel at Jizan dahil may aasikasuhin pa daw sila. While Mom and Dad didn't left at hinintay muna na dumating si Tita Savienna para magbantay saakin.
Bukas pa daw ako madi-discharge para maka fully rest ang buong katawan ko, kaya naiwan ako dito sa private room ko na kasama si Avie.
"You should badly tell them the truth." Agad niyang sabi ng makalabas sina Mom at Dad para igiya si Tita Savienna patungo sa assigned room ko.
"But how?" Naguguluhan kong tanong kay Avie.
"You know sis...matalino ka naman e. Pero sinpleng pagsabi lang ng nararamdaman mo hindi mo kaya? Voice it out, Evie. Voice it out."
"Pero..." Mahina kong bulong.
"I can't, madami ng nangyari. Soren is lost, may rumors sa school, and..."
"And?" Avie traced.
"I think, Jizan is connected to Harold Sudalga, narinig ko siyang kausap yung Harold nung panahon na pinatawag rin ako ni Dad." Sabi ko.
Napatingin ako kay Avie at nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya at parang hindi siya makapaniwala. She blinked and blinked again.
"W-what? You mean, Jizan is a-a t-traitor? Pero... Pero.. Hindi, he is Tito Manzo's son..he can't be a traitor!" Nauutal na sabi ni Avie.
"Alam ko, kahit ako ay hindi ako makapaniwala. But I can't just forget this information, Soren is lost Avie. Soren is lost. Our brother is lost."
"And I'll do everything that I can, just to save him. Wala akong pakealam kung sino at madadawit, wala akong pake kung mapahamak ako. Ang gusto ko lang ay mailigtas ko ang kapatid natin."
"I don't want to lose Soren, hindi ko kakayanin kapag nawala si Soren na wala man lang akong ginagawa."
I said to Avie.
"But how will you do that? I mean, paano ka makakapasok sa OS na hindi nalalaman nina Mom at Dad?" Naguguluhan na tanong ni Avie.
Napatingin siya sa kawalan at parang may bumbilyang nagliyab sa utak niya nang dahil sa naisip niyang gawin.
"I only know one thing, and for sure this will work." Sabi ko.
"Ano? Anong gagawin mo?" Atat na tanong ni Avie saakin na parang hindi na makapag hintay sa sasabihin ko.
"Date Jizan."
"WHAT?!" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Iyon lang ang tanging paraan para malaman ko kung ano ba talaga ang nangyayari kay Soren, at alam kong alam iyon ni Jizan dahil konektado siya kay Harold Sudalga." I explained.
Napahinga ng malalim si Avie dahil sa sinabi ko.
"Okay...."
"Okay?" Naguguluhan kong tanong.
"I'll help." Maagap niyang sabi.
What?
"What?! No! You must stay intact, huwag kanang gumawa ng bagay na ikapapahamak nating dalawa."
"We do this together, Evie." Matigas niyang sabi, agad naman akong napailing sakanya.
"No! Soren is already lost, hindi ako makakapayag na pati ikaw ay mawala! I can do this alone." Sabi ko.
"Hindi! Tutulong ako." Pagmamatigas ni Avie.
"Ako ang mas nakakatanda! Kaya ako ang gagawa nito!" I said. Nakita ko kung paano kumuyom ang kamao ni Avie dahil sa sinabi ko.
"Wala akong pakealam! The important thing here is, saving our brother! Kapatid ko rin siya! Hindi lang ikaw ang nag-aalala!" She shouted.
Mabuti nalang at lumabas si Mom at Dad.
"No, Avie! I am the stronger one here. Kaya mas mabuting huwag ka ng makisali sa gulo at—"
"What are you trying to imply? Na mahina ako? Na hindi ko kayang ipagtanggol ang kapatid natin?" Oh f**k this!
"No! Ang sinasabi ko lang ay baka hindi mo kayanin ang mga bagay na sasalubong sayo kapag makikisali ka sa papasukin ko."
"Sa tingin mo hindi ko kaya? Sa tingin mo magiging pabigat lang ako kapag nakisali ako? Bakit mo inaako ang lahat?!" Mas tumaas na ang boses ni Avie kaya Napahinga ako ng malalim, I need to be the calmer one here. Hindi pwedeng galit kaming dalawa.
"Hindi...ang saakin lang ay kaya ko na to. Hindi mo na kailangan na tumulong. I can link myself to Jizan, and know the information and save Soren. Hindi mo na kailangang mapahamak pa." Malumanay kong sabi sakanya.
"Gusto kong tumulong sayo! Kapatid natin ang nawawala! Kapatid rin ako! Hindi ka nag-iisa!"
"I have the skills to protect myself! You, don't!"
Natauhan ako sa sinabi ko kaya napatingin ako kay Avie ulit. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya.
"My speculations are right, you think I'm weak...I am just trying to help because..." She paused.
"I don't want you dying, Evie. I don't want you pushing yourself to your limits. Learn to accept helps from others naman, hindi porket malakas ka ay kaya mo na ang lahat." She said at lumabas na ng hospital room ko.
Damn, what the f**k did I just do?
Dalawang araw ang lumipas. Walang kibuan na naganap saamin ni Avie, walang balita tungkol kay Soren. Sa dalawang araw nayun ay nalaman ko kung sino ang nagtama saakin ng bola, hindi ko na masyadong inabala pa ang sarili ko dun dahil hindi naman daw iyon sinasadya at wala daw syang intensyon na manakit saakin.
I let it slide dahil hindi naman yun big deal saakin at wala talaga akong pake sa nangyayari ngayon sa school. Ang importante ay makahanap ako ng solusyon tungkol sa pagkawala ni Soren.
Kailangan kong makita si Jizan, I need to talk to him about this. Kailangan kong maisagawa ang plano ko, kailangan kong mapalapit sakanya. Alam kong marami siyang alam.
Kaya kinapalan ko ang mukha ko at naglakad ako patungo sa college department. Maraming estudyante ang napatingin saakin at nakatitig saakin.
'What is that b***h doing here?'
'Ang lakas naman ng loob niyang pumunta dito sa department natin?!'
'Pasalamat siya anak siya ng mayor! Kung hindi, kalbo sakin yan!'
You can say whatever you want to say, hanggang dyan lang naman kayo dahil hindi niyo naman magagawa iyang mga sinasabi niyo.
Lowclass bitches.
"And what are you doing here?" Napairap ako sa kawalan ng marinig ko ang boses ni Kylie na biglang nagsalita.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paghahanap kay Jizan.
"You looking for my boyfriend? Pwes, wala siya dito!" Hindi ko mapigilang mapahinto at mapatawa sa sinabi niya.
"Self-proclaimer na girlfriend, e wala ka nga nung birthday niya eh!" I said at lumingon sakanya. Nakita ko kung paano siya nagulat sa biglaan kong pag sagot.
"Excuse me?! He didn't invite me dahil ayaw niyang mapagod ako! We celebrated seperately from his family!"
"Oh really? Sucks to be you then, I celebrated your boyfriend's birthday with me by his side kasi." Nakangisi kong sambit.
"Ugh!! YOU SLUT!! YOU THINK MAPAPANTAYAN MO AKO?!" Sigaw ni Kylie kaya mas napukaw ang atensyon ng mga tao.
"Me? Papantayan ka? Baka ikaw trying hard na mapantayan ang level ko, excuse me? Duh? I'm the mayor's daughter, eh ikaw? Sino ka? Feelingerang fish?" Natatawang sabi ko, narinig ko ang mahinang pagtawa ng iba dahil sa sinabi ko.
"Bakit naman kita papantayan?!! Eh slut ka! w***e!! TWO-TIMER, b***h!! May Riguel na nga, nanlalandi pa kay Jizan! HINDI TO BUY ONE TAKE ONE GIRL!" Sigaw ni Kylie, napailing nalang ako sakanya.
"You can spread rumors about me anywhere, everywhere, and anytime you want. Pero hindi maaalis ang katotohanang, feelingera ka lang."
"Feelingera pala ah."
Nakita kong biglaang pagtakbo papalapit ni Kylie saakin at akmang hihilain ang buhok ko pero agad kong hinawakan ang kamay niya at pinaikot sa likuran niya.
Kaya ang posisyon namin ay nasa likod ako niya, habang hawak hawak ko ang kamay niya.
"That's sad, Kylie. Kung ako sayo huwag kang masyadong lumapit sakin, at baka mahinto yang kaarawan mo. Sinasabi ko sayo, huwag ako. Hindi mo ako kaya." I said at malakas siyang tinulak.
Nasubsob naman siya sa sahig kaya kinuha ko ang oportunidad para lumayas na sa department na yun. Putangina! Asan naba kasi si Jizan! Hindi parin ba sila pumapasok ni Riguel ngayon?
Ang tagal naman nilang nag leave?! Hindi na yun pwede ha, baka ma suspend na sila niyan.
Wala akong choice kundi ang pumunta nalang sa school garden, tutal dun lang naman ako pumupunta tuwing walang pang time.
Nang makarating ako sa garden ay napaupo nalang ako sa bench at napatingin sa langit. Kung ako si Jizan, saan ba ako pupunta sa mga oras na ito? Sigurado wala ako sa bahay, wala sa bahay ng kaibigan, wala sa school, wala sa clubs...
Could it be...sa OS?
Wait...that's impossible to happen..may koneksyon ba si Jizan sa OS? Malamang! Nag graduate siya roon, balita ko nga siya ang may pinakamataas na rating in this generation, kasunod ay si Riguel.
Tatayo na sana ako ng magulat ako ng makita ko kung sino ang kanina ko pa hinahanap na nakatayo ngayon sa harapan ko at parang lalapit na sana saakin kanina pa.
"Jizan!" Napangiti ako ng matawag ko ang pangalan niya.
Napataas ang kilay niya saakin. "Ano ang ginagawa mo sa college building kanina?"
Act, Evie. Act! You need to say something that will totally lost his mind!
"I was looking for you..." Malumanay kong sabi, I saw how his adam's apple moved dahil sa sinabi ko.
"Why are you looking for me?" He asked.
"I don't know how to say this pero I want to talk to you about something..." I tried to sound sweet and calm para mas lalo siyang magulat at mas mahulaan niya ang nais kong iparating.
"Tungkol saan?" Kinabahan ako ng bigla siyang maglakad papalapit saakin, kaya ako naman ngayon ang napalunok at napaatras ng bahagya.
"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula." Kinakabahan kong sabi.
"Just say it, princess...just say it.." Napakuyom ako sa kamao ko.
Hindi dapat ako ang kinakabahan dito, it should be Jizan who's nervous dahil sa sasabihin ko! Pero bakit parang ako pa ang kinakabahan, at mas nagmumukhang magco-confess talaga ako sa nararamdaman ko para sakanya?! But no!
This is only for Soren! For Soren...in order to save Soren. Kailangan kong gamitin si Jizan, it's for Soren.
"Evie?" Tawag niya.
"Ah? Yes!"
"Pinag isipan ko to ng matagal, hindi ko alam kung paano ko to sasabihin sayo Jizan, and I don't know where to start. I don't want to appear awkward dahil nakita at sinamahan mo na akong lumaki..." I started.
"What are you talking about?" He asked with confusion.
"I like you, and I want to be your girlfriend." f**k!!!! SAVE ME GOOD HEAVENS!!
Nakapikit ako habang sinasabi iyon kaya nagulat ako ng maramdaman ko ang marahang pagikot ng mga braso ni Jizan sa bewang ko.
H-he is hugging me?
"Do you know what it mean to be my girlfriend, Evie?" I heard him asked kaya marahan akong umiling.
"No, I don't."
"If you're going to be my girlfriend, first...you need to move in with me..second, I will be near by you every time...third, you will cook for me in the morning...fourth, we will cuddle always..fifth, we will buy the groceries together and lastly, you must LOVE me, not LIKE me." Hindi ako makagalaw sa mga sinabi ni Jizan, napakaraming qualifications...
I can't just asked him out.
"Oh, and another thing...if you want to be my girlfriend, you should give yourself to me wholly. Lahat sayo ay akin at walang maiiwan..." Mahina niyang bulong na agad nakapagtayo sa mga balahibo ko sa katawan.
Does he mean we should have s*x?!?! The f**k, no!
Lumayo saakin si Jizan at tiningnan ako saaking mga mata.
"You still want to be my girlfriend?"
"Princess?" Tawag saakin ni Jizan, napalunok ako at napatingin ng diretso kay Jizan.
Para kay Soren....
"Yes."