"Because Raj rejected me, at nagalit si Jax Kasi Hindi daw naging considerate si Raj." Sabi niya. What the f**k? Seriously Jax? Considerate? Tss.
"Kinakabahan nga ako e, kasi baka masira pagka-kaibigan nila dahil lang saakin." Mahina niyang sabi.
"Come on Avie, we are Santillana's we should not worry about the things that aren't meant for us. Kung hindi si Ryl ang para sa'yo then don't worry about him, we can easily find another man that worth loving." Sabi ko nalang.
"Your right..." Mahina niyang bulong.
"How about you? Do you like someone now?" Nagulat ako sa biglaang tanong ni Avie saakin, agad naman akong napatingin sakanya at umiling.
"Why would I like someone? You know me, Avie." I said.
"Eh close na close kayo ni Riguel at Jizan e, wala kabang type sakanila?" Agad nangunot ang noo ko sa sinabi ni Avie. Close lang, crush agad? Tss.
"Wala. Ayoko sakanila, mga nakakainis." Agad kong sabi.
"Then why did you dress up for today? You usually don't dress up for things like this." Sabi niya. Tama siya. Bakit nga ba ako ng bihis para sa gala na to?
"I just felt an urge to dress up." I tried to cover up.
"Well, bahala ka."
"Pero for me piliin mo si Jizan, Men like him handle relationships very well. And men like him, love tenderly, alsoㅡ"
"Men like him are just lustful." Pagputol ko sa sasabihin niya. Totoo naman, mahilig sa mga bagay na ganyan ang mga mas matatandang lalake.
"Oh yeah? But don't you like it? He will handle your bratty attitude very well. And I think he is an expert when it comes to mature relationships." Sabi naman niya. Napairap nalang ako sa sinabi ni Avie.
"As for Riguel kasi, maybe he is mature in relationship too. But I don't think so you'll last kasi men his age loves to play a lot. At fling-fling lang ang gusto nyan." Sabi naman niya, sinisiraan niya ba si Riguel saakin?
"Huwag mong siraan si Riguel, di porket rejected ka sa kapatid niya idadamay mo kuya niya." Natatawa kong sabi sakanya, she pouted in front of me.
"Ah, Basta! I still think Jizan is the right man for you he's mature and handsome, san Kapa?"
Days passed at naging busy ang mga college students, kaya hindi na nakakasama si Jizan tuwing lunch saamin. Lagi ko namang kasama si Riguel dahil napag-desisyunan namin ni Riguel na tulungan si Avie na magustuhan siya ni Ryl.
I'm really glad though na tumutulong si Riguel saamin. Hindi naman kasi talaga ako affected sa mga nangyayari kay Avie at Ryl, pero hindi ko kasi mapigilang mag-alala kay Avie, kasi these past few days palagi na siyang malungkot hindi naman siya masungit dahil alam kong masyado siyang mabait para magalit.
Pero, parang hindi na siya kagaya noon. I pity her for feeling like that, kaya tinulungan nalang ako ni Riguel na magustuhan ng kapatid niya si Avie.
Hindi na magustuhan na magkaka-crush talaga, yung magsimula na silang maging friends at maging close na sila.
"So the plan is to make Ryl see Avie in a different way? Yung hindi niya na makita si Avie as spoiled brat?" I asked Riguel, agad naman siyang tumango saakin.
We're here at the library to talk about this kasi hindi daw pwede sa bahay nila kasi andun mga pinsan niya kasi nga malapit na birthday niya.
Speaking of birthday niya, ngayong Saturday na 'yon at thankful rin ako na walang pasok next week Monday, Tuesday at Wednesday, dahil sa seminar ng mga teachers kaya makakapunta rin ako sa birthday ni Jizan.
"Yes, Raj is really difficult to persuade. Mas pabebe pa 'yon sa mga pabebe, kaya medyo mahihirapan talaga tayo." Napatawa nalang ako sa sinabi ni Riguel.
"Ang sama mo naman sa kapatid mo. Bale kayo ba lahat pabebe?" Tanong ko. Napatingin naman siya saakin ng seryoso.
"Hindi ako pabebe, siguro sabihin lang ng babaeng gusto ko na gusto niya rin ako pakakasalanan ko na yun agad." I smiled a little dahil sa sinabi niya.
"Oh? So marupok ka pala?" Nakangisi kong saad.
"Yeah, you can call me that." Pano kaya ma-inlove si Riguel? Siguro ma-swerte yung babae kasi napaka-jolly at masaya kausap ni Riguel. At napaka-sincere niya na tao.
Well how about Jizan? Medyo serious type kasi si Jizan lagi, at hindi masyadong kumikibo pero siguro, caring naman siya pagdating sa babaeng mahal niya.
"How can you tell kapag-gusto mo yung tao?" I asked him. Napa-angat ang kilay niya dahil sa sinabi ko.
"Why? Do you have someone na hindi ka sigurado kung gusto mo?" He asked. Napailing naman ako sakanya.
"Nah, just curious." Sabi ko.
"Oh well, first gusto mong lagi mo siyang nakikita. Pangalawa, nami-miss mo lagi. Pangatlo, ayaw mong may kausap siyang ibang babae. Pang-apat, you want him to be yours. Lastly, if you're nervous whenever he's around." Oh? Ganun pala yun?
"Pero depende rin naman yun sa'yo, but for me ganun ko nalaman na gusto ko siya." I nodded to his statement.
Magaling naman palang mag words of wisdom itong si Riguel. Halata naman talaga na magaling ito sa salita.
"Sabihan mo ako kung may nagugustuhan kana." Agaran niyang sabi.
Napatawa naman ako. "Imposibleng mangyari 'yan, I'm too young for that, at mas pipiliin kong magkulong nalang sa bahay."
"Talaga ba? Be careful with your words, there was never too young and too old for love." Nakangiti niyang sabi.
He's right, Dad fell inlove with Mom when he's 15. At sila talaga ang naging para sa isa't-isa. Tuwing naalala ko ang kwento ni Mom at Dad ay hindi ko mapigilang mamangha sa love story nila. They both sacrificed too much for their love.
Marami silang nalagpasan at pinagdaanan, but here they are now. Very happy and contented with life, and I badly wanted to be like them, na kung sino ang unang mamahalin ko ay siya na talaga at wala ng iba.
It's lunchtime and I was shocked to see Jizan at our table again, he's with Kylie again, maybe to talk about their feasible.
Katabi ko ngayon si Riguel at nag-uusap kami tungkol kina Avie at Ryl. May codenames na kami sakanila para hindi kami mahalata, which is Romeo & Juliet. Funny right?
"Diba malapit na birthday mo? What if we'll set Romeo and Juliet to be locked up in one room? And open it up, tomorrow early in the morning?" Riguel suggested.
"No! You can't do that, Juliet's parents will be crazy, if hindi nila makita anak nila." Natatawa kong saad.