C17

625 Words
"Well yes, you're right. I'll think of another plan again, basta dapat maganap sa birthday ko." I nodded at him. I looked at Avie at nakita kong hindi siya komportable na kaharap niya si Ryl, kahit pa katabi niya si Jax ay hindi parin siya komportable. I understand her though dahil alam kong nasaktan talaga siya sa mga sinabi ni Ryl sakanya. Baliw rin kasi e, magre-reject na nga lang, pagsasabihan pa ng mga masasakit na salita. Tss. "Oh, so you mean maybe we will pass this feasib even without my help?" Nalipat ang tenga ko kina Jizan at Kylie na nag-uusap. Hindi ko mapigilang mainis kay Kylie, really? Papasa ng hindi tumutulong? Ang kampante naman ng babaeng 'to? Kapal rin ng mukha ah. "Yeah, I don't mind really. Tsaka you told me you'd go grocery this Saturday kaya hindi ka makakapunta samin, right?" Jizan asked. "Yes eh, and I'll go to my Lola's house for her birthday. But don't worry, if you need my help just call me, okay?" "Yeah, sure." Jizan agreed. So they have each other's number? Pake ko? Tumigil ka nga Eveanna, kahit kailan dapat hindi ka makialam tungkol sa mga business nila. Don't stick your nose in someone else's business. "But you can come with me! You can help me with the groceries, so that you can talk to me about the feasib while nag-g-grocery." Hindi ko mapigilang mapairap sa hangin dahil sa sinabi ni Kylie, seriously? Halata namang may gusto siya kay Jizan, at pasimple-simple niyang niyayaya ito sa date by accompanying her sa groceries. Tss, matalino rin e. "Hey? You okay?" Napatingin ako kay Riguel dahil sa tanong niya. "Yeah, why?" I asked. "Mukha kang nagpipigil ng tawa, may nakakatawa ba?" He asked curiously. Gusto kong ishare ang nakakaawang si Kylie kaya agad akong bumulong kay Riguel. "Si Kylie kasi halatang gusto makipag-date kay Jizan, nakakaawa nga pakinggan e." Sabi ko at humagikhik ng tawa. Napatingin naman saakin si Riguel at bumulong narin. "Huwag ka ng makinig sa usapan nila, lagi naman yang sila naglalandian. Mag-MU raw sila e." Bulong naman ni Riguel, agad akong napatingin kay Riguel na parang hindi makapaniwala. "Talaga?" Mahina kong sabi, tumango naman si Riguel na parang inosenteng bata. I looked at Kylie, maganda, makinis, sexy, matured at kasing edad lang ni Jizan. Tama nga siguro si Riguel, na ang mga tipo niya ay ang mga kagaya ni Kylie. "Hindi ko inakala na malapit nang magka-girlfriend si Jizan." Bulong ko ulit kay Riguel, humarap si Riguel saakin at pinitik ang noo ko. "f**k!" Napalakas ang boses ko kaya napatingin saamin ang mga kasama namin sa table. "Oy, ano yan Kuya sinasaktan mo si Evie?" Tanong naman ni Jax. "Hindi no! Aksidente kang yun." Tawang-tawang sabi ni Riguel, napatingin ako sakanya ng masama pero ngumisi lang siya saakin. Pero laking gulat ko ng biglaan niyang hinimas ang noo ko. "Sorry..." he said and grinned. "Hindi ka naman sincere e!" Inis kong sabi. "Sorry na po, Eveanna Katriel." Tumalim ang tingin ko sakanya but he kept smiling from ear to ear kaya hindi ko narin mapigilan ang sarili ko at napatawa narin. "Baliw ka talaga!" Inis kong saad. Riguel smiled at me at nagpa tuloy sa pagkain, kumain narin ako at ng matapos ay napatingin ako kay Jizan. His forehead is now creased, at alam kong bad mood na siya. Anong problema ng isang 'to? May mens ba to? Paulit-ulit umiigting ang mga panga niya, at nang mapatingin siya saakin, I was shocked because of the darkness at viciousness in his eyes. Para siyang tigreng handa nang lumapa. Napaiwas nalang ako ng tingin sakanya at tumayo na para lumabas ng Cafeteria. Riguel followed me at sabay na kaming pumasok sa loob ng mga classroom namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD