After the moment on the bench ay nagpasya kami ni Riguel na lipasin ang oras sa pagsakay sa ferris-wheel. Also malapit na mag lunch time kaya malapit narin kaming umalis dito. This is the first time na nakapunta ako sa amusement park na nandito sa Antique, usually kasi sa ibang bansa kami pumupunta during summer break.
Panay ang kuha ko ng litrato tuwing na pupunta kami sa mataas na bahagi ng ferris-wheel, tumawa naman si Riguel habang pinagmamasdan ako.
"My birthday is already near, at sa Cavite iyon gaganapin." Saad niya. Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya.
"I'm inviting you and your family, actually Mom and Dad decided to invite your family." Sabi niya habang nakatingin ng matimtim saakin.
"Oh, that's nice. And, Cavite is far from Antique.." Alam ko kung saan ang Cavite dahil nakwento ni Mommy saakin na may mansion din doon si Dad, at ang mansion na iyon ay pamana galing pa sa Lolo ko. Yung ama ni Dad.
Nasabi rin ni mama saakin na doon daw talaga sila nanatili ni Dad sa Cavite nung mga bata pa sila. Hindi pa naman ako nakakapunta roon dahil dito na kami nanatili sa Antique dahil mas malapit dito ang underground base, at mas ligtas rin.
"After my birthday, three days after ay birthday na ni Jizan...the Manchester Zoldyck planned on celebrating Jizan's birthday in Manila, and invited rin ang pamilya ko at pamilya niyo." Magkalapit lang pala ang birthday nila? And of course they will invite us, dahil magkalapit si Tito Manzo at Dad.
"Tsaka napag-alaman ko na may i-a-announce na engagement rin sa birthday ni Jizan." Simpleng sabi ni Riguel, engagement? Sino ikakasal? Si Jizan o Jax?
Hindi naman siguro si Jax dahil underage pa siya, si Jizan ba ikakasal?
"Si Jizan ba ikakasal?" Agaran kong tanong, nagkibit-balikat lang si Riguel sa tanong ko.
"I don't know the exact information, but as far as I know ay may i-e-engage sa birthday ni Jizan. And, I think that's good for him Narin, Kasi his turning 24 this year." 24? Akala ko ba 23? We're only 5 years apart right?
"24? I thought it was 23?" I asked.
"Jizan is in 1995, bakit naman 23?" Natatawang tanong ni Riguel, oh. Baka nung pinanganak ako ay 5 years old siya and then months after ay nag birthday narin sya.
So...6 years pala ang agwat namin. Not 5.
"How about you? Ilang taon kana this year?" I asked.
"Hmm, 19." Oh, he's young. Kaya pala medyo cute yung aura niya. But he's mature though.
"One year older kalang pala sakin? Akala ko around 20 kana." Natatawa kong sabi.
"Eh? Ganun ba ako katanda sa paningin mo?" Natatawang tanong ni Riguel saakin.
"What? Hindi ko naman sinabi yun ha!" Inis kong sabi, hindi ko talaga gets sarili ko, bakit tuwing kasama ko si Riguel o si Jizan ay lagi akong naiinis.
Nakita ko ang pagkinang ng diamond earring niya at napatingin sa ibaba. "Ahm, do you find me attractive?" Tanong niya at nakita kong namula ang pisngi niya sa sarili niyang tanong.
Ang cute! "Why did you suddenly ask?"
"I'm just curious about what you think of me, physically." Hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi ni Riguel. I immediately pinched his cheeks at nakita ko ang pagkagulat niya.
"You're charming, though." dahil siguro sa dimples...actually siya lang ang kilala kong lalake na may dimples sa isang pisngi.
"That's a underrated compliment." Natatawa niya ring sabi, napairap nalang ako sakanya. Pasalamat niya siya at sinabihan ko siya na charming siya, minsan lang kaya ako nagc-compliment.
"Napansin ko lang, nagiging mas palangiti kana ngayon." Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. What does he mean?
"I mean, when we first met hindi ka ngumingiti, you even don't laugh to our jokes. You don't even smile, pero ngayon nawiwili kana sa pag ngiti at pagtawa." Agad akong nag iwas ng tingin sakanya.
"And I am really happy because of that because you are becoming comfortable with us. At parang tinuturing mo na kaming kaibigan mo. I really feel proud that we broke the high wall, you're building." he paused.
"Can I use my second wish?" Nagulat ako sakanyang sinabi.
"Yeah? What is it?"
"Please be happy always, huwag kang matakot maging masaya."
After that ferris-wheel ride ay tahimik na kaming nagpunta sa exit ng amusement park dahil kakain na raw kami sa makita naming kainan. I looked at Jizan at nakita kong nakatingin siya sa braso ni Riguel na naka-akbay saakin.
Umiwas nalang ako ng tingin at tiningnan si Avie, she is now wearing Ryl's jacket anymore. And I saw sadness in her eyes, nangunot naman ang noo ko dahil sa mukha niya.
Jax doesn't look happy also, tangina? Anong nangyari sa mga 'to? Nahiwalay lang kami sakanila may nangyari agad.
I decided to sit beside Avie sa pinakalikod, I need to talk to her about her sudden change of mood.
Si Riguel at Ryl ang magkatabi, habang si Jax at Jizan naman ang magkatabi, kapatid sa kapatid.
I looked at Avie at agad siyang tinaasan ng kilay.
"What the f**k happened?" I asked.
"He rejected me..." Mahina niyang sabi...
"Ryl?" I asked at tumango naman siya.
"What? But why?" I asked her.
"He doesn't like me raw, kasi I'm spoiled and he only see me as a sister." Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Avie dahil sa naranasan niya.
"That's fine, at least you tried." I tried to console her.
"But why naman kasi? Am I not pretty enough? O baka may gusto siyang iba?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Avie saakin.
"Oh come on, you have Santillana blood in you. At wala sa lahi natin ang hindi gwapo o maganda, you resembles Dad. And if you think you're ugly then are you saying that Dad is ugly too?" I asked her.
"Kasi naman e, he said I'm spoiled, Am i?" She asked me. Hindi ko na yun sinagot at ngumiti nalang sakanya, Avie is really spoiled pero ayokong palalain ang nararamdaman niya ngayon kaya ngumiti nalang ako.
"And Jaxryl is mad at Raj."
"What? Why?"