C14

1515 Words
Agad ko namang kinuha ang phone ko at si-net as lockscreen wallpaper ang natutulog niyang mukha at pinakita iyon sakanya, agad akong dumila. Anong akala niya siya lang may dahas?! Ako rin! "You can't diss me with that, I still look handsome though." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya, napatingin ako dun at tama naman siya, gwapo parin siya kahit natutulog. "Yeah, whatever." Sabi ko sabay irap. Nagulat ako ng bigla niya akong akbayan at tinapat ang camera sa harapan namin. "Smile, Evie...smile." Bulong niya. "No! Ayoko!" Inis kong saad at umiwas ng tingin sa camera. He chuckled. "Sayang naman para mapalitan ko narin ang home screen wallpaper ko." Pasimple niyang sabi, agad akong napatingin sakanya. "Bakit? Sino ba nasa home screen wallpaper mo?" I asked. Agad niyang pinakita saakin ang wallpaper niya at nakita ko roon si Jizan na may kasamang babae. Kahit na naging dalaga na siya sa picture nayun ay alam ko namang si Catalina iyon, they are both smiling from ear to ear na parang ang saya-saya nilang dalawa. Medyo bata rin si Jizan sa picture nayun. "Pake ko ba sa wallpaper mo? Edi huwag mong palitan." I said and shrugged. Napatawa nalang siya saakin. "Okay then, as you wish princess." Sa buong byahe ay tahimik nalang kami ni Jizan at wala nang nagsalita saamin. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasan maisip kung sino nga ba si Catalina, bakit parang ang laki ng impact niya kina Riguel at Jizan? Gusto kong tanungin si Jizan tungkol kay Catalina, dahil alam ko namang hindi sa sagot si Riguel dahil parang ayaw niyang pag-usapan si Catalina, basta ang alam ko ay, ex-girlfriend siya ni Jizan at bestfriend siya ni Riguel. Friendship over naba sila? Dahil ayaw na pag-usapan ni Riguel si Catalina e. Tsaka kung sino man siya, napakalaki talaga ng impact niya sa dalawa. Na parang napakalaki ng parte sa buhay ni Jizan at Riguel si Catalina. Na kahit sa anumang oras na bumalik ito ay pwede na nilang kalimutan ang lahat ng bagay na nakagisnan nila na wala si Catalina. And I really don't mind though kasi pake ko naman? Pake ko kina Riguel at Jizan? Nang makarating kami ay agad namang tumabi si Riguel saakin, pasimple niyang sinuklay ang kulot niyang buhok at napatingin saakin from head to toe. "Kayo ba ni Jizan?" Biglaan niyang tanong, hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi ni Riguel. "What the hell? Me and Jizan? Mandiri ka naman!" Tawang-tawa kong sabi, nakita kong napahinga ng malalim si Riguel at napasinghal. "Good to hear, kadiri nga naman kung maging kayo..." he paused at umiwas ng tingin. "mas bagay tayo..." he whispered pero hindi ko narinig. Ano raw? "What?!" Inis kong tanong, agad naman siyang tumingin saakin at ngumisi ng malaki. "Nothing. Anyway, for my first wish, gusto ko ako ang kasama mo sa buong pamamasyal na 'to at dapat tayo lang dalawa, wala ng iba." Riguel said. Napatingin ako sa iba naming kasama at nakita kong magkasama na si Ryl at Avie. Habang magkasama naman si Jax at Jizan. "Okay then." Pagpayag ko, tutal magkapatid naman si Jizan at Jax kaya hindi naman siguro sila maa-awkward sa isa't-isa. Tsaka, why do I care ba? Ano ba pake ko sakanila? Agad akong hinila ni Riguel papasok sa isang horror maze, actually hindi naman ako matatakutin e. At hindi ako madaling magulat kaya sigurado akong walang problema saakin ang pagpasok dito sa loob. Habang pumipila ay pansin ko ang pag-iiba ng body language ni Riguel, parang hindi na siya mapakali. Tiningnan ko ang mukha niya at kitang-kita kong kinakabahan siya, teka matatakutin ba ang isang 'to? Ayaw na ayaw ko ang sumama sa mga matatakutin, tangina naman e. Nang makabili na kami ay ilang beses pang tumikhim si Riguel. Kaya hindi ko maiwasang hindi mapatawa dahil sa reaksyon niya. "Don't tell me Riguel na, natatakot ka?" Hindi ko mapigilang tanungin siya, agad siyang napatingin saakin at parang may batong nabara sa lalamunan niya dahil hindi siya makapagsalita, at tanging iling lang ang responde niya. Tinapik ko siya sa balikat. "Chill kalang Riguel, hindi ka naman mamamatay dito e." Nakangiti kong sabi. "Conquer your fears," I said and grinned at him mockingly. Nauna akong pumasok sa loob ng horror maze, habang nasa likod ko ay si Riguel na pansin na pansin kong natatakot na talaga. Puta, parang babae naman ang isang to! Dinaig pa ako! Biglang may lumabas na white lady sa gilid namin kaya humigpit ang hawak ni Riguel sa balikat ko, gusto kong alisin ang hawak niya sa balikat ko pero hindi ko magawa dahil baka magwala na sa takot itong kasama ko. "Eveanna!!" Napaigtad ako dahil sa sigaw ni Riguel at hindi ko mapigilang matawa dahil sa sigaw niya. "The f**k, Riguel! Lower your voice!" Ani ko habang tumatawa pa, I looked at him at kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya at pinapawisan pa ng mabigat ang noo niya. "Chill okay?, Here hold unto my arm." Imbes na kumapit sa braso ko ay agad niyang hinila ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin. Isa rin to e! Kagayang-kagaya rin kay Jizan! Buong oras na nasa loob ng horror maze ay magka hawak ang kamay namin, inabutan ata kami ng 20 minutes sa loob bago kami nakalabas sa maze. Tsaka nung makalabas kami ay hawak niya parin ang kamay ko, hindi nalang ako umangal. After the horror maze we decided to ride a roller coaster, natuwa rin naman ako kasi hindi matatakutin si Riguel at sayang-saya rin siya habang nakasakay. We both had fun while riding the roller coaster. "Gusto mo kumain?" Nakangiting tanong niya saakin, I immediately nodded. Dahil nagugutom narin ako sa pinanggagawa namin. Naupo ako sa bench ng amusement park at hinintay siya. I smiled at him ng makita kong naglalakad na siya patungo saakin na may dalang tray na may laman na dalawang corndogs, fries at soda. Tahimik lang kami habang kumakain at walang nagsalita saamin dahil narin siguro sa gutom na nararamdaman namin. "Hindi kaba naiinitan?" Biglaan niyang tanong. "Naiinitan saan?" I asked. "Nakasuot ka kasi ng hoodie habang tirik na tirik ang araw, you can remove that you know." Sabi niya habang nakatingin saakin, I looked at Jizan's hoodie. "Ah, hindi na. Ayos lang." Medyo hindi rin kasi ako komportable sa suot ko dahil masyasong exposed kaya mas pipiliin ko nalang mag suot ng hoodie ni Jizan. "May gusto ba si Jizan sa'yo?" He blurted out of nowhere. "What? Yon? Bakit naman siya magkakagusto saakin? We only see each others as friends." I said simply. "I just thought about it...and napansin ko these days masyado siyang touchy..." Sabi naman niya, well true. Nagiging touchy nga si Jizan saakin, but maybe he only see me as his younger sister? "Yeah.." iyon nalang ang naging tugon ko. "Eh ikaw? Do you like him?" Nagulat ako sa biglaang tanong ni Riguel kaya agad akong Napatawa ng malakas. "Why the f**k would I like him? Also, he has someone in his heart!" I said while laughing. "Someone in his heart? Sino naman?" Naguguluhang tanong ni Riguel. "Si ano...yung Catalina? Yun kasi yung nakita ko sa wallpaper niya." Napatingin ako kay Riguel at nakita kong medyo gumaan na ang loob niya at parang nabawasan ang nakadagan sakanya dahil sa sinabi ko. "I see he's still inlove with Lina." Natatawang sabi ni Riguel, hindi ko mapigilan ang curiousity ko about sa babae na yon. "Sino ba siya?" I can't help but to ask. "Hmm, are you curious about her?" He asked. "Well, wala naman akong pake sakanya pero nagtataka lang ako kung bakit ganun epekto niya sainyo ni Jizan." Napasandal siya sa sandalan ng bench at hinawakan ang likuran ng sinasandalan ko. "Lina is my bestfriend and Jizan's ex-girlfriend." Sabi niya. "Alam ko na yan, sinabi mo na iyan saakin nung nasa bahay niyo ako." Sabi ko, inilapag niya ang tray na hawak niya sa bakanteng espasyo at napatingin saakin. "For me it's the best if hindi mo na alamin kung sino siya, and also bakit ba curious ka sakanya. Nagseselos kaba sakanila ni Jizan hmm?" Sabi niya at inilapit ang kanyang bibig saking tenga. "What?! No! I'm just curious you know dahil mukhang malaki nga parte niya sa buhay niyo!" Inis na sabi ko, nakakainis itong si Riguel lagi akong iniinis. "Do you like Jizan, Evie??" Para akong kinilabutan dahil sa binulong ni Riguel saakin, I can almost taste a sprint of jealousy in his voice. "What? Why would I?" Agaran kong tanong pabalik. Naramdaman ko ang pag-akbay saakin ni Riguel at mas inilapit ako sakanya. What the actual f**k! We're in a public place for christ's sake! "You know what, kung gusto mo si Jizan, hindi ka magugustuhan nun pabalik. He likes girls who's mature, sexy and girls around his age." Nagulat ako ng biglaan niyang sinabi saakin yun. Napakunot ang noo ko. "Bakit mo ba ako sinasabihan ng ganyan? Hindi ko gusto si Jizan okay? At wala pa sa plano ko ang magkagusto kahit kanino!" Naramdaman kong inamoy niya ang buhok ko and chuckled a bit. "Good then."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD