7

1397 Words
HINDI niya naenjoy ang swimming nila dahil na din sa nakarush guard siya. Sila lang ang nakaganon sa kanilang lahat, kaya nawalan din siya sa mood na magswimming. "Why don't you join them?"tanong sa kanya ni King. Nasa cottage lang silang dalawa while lahat ng bagets na kasama sa outing na ito together with their parents nasa dagat at nag-eenjoy na magswimming. Nakasimangot naman siyang nilingon ang boyfriend niya. "You why don't you join them?"balik tanong niya dito. "Wala ako sa mood na magswimming"sagot lang nito. Inirapan niya ito bilang sagot niya dito. "And why are you wearing a rush guard? Ayaw mong umitim?"pang-aasar pa nito sa kanya. Hindi naman niya pinansin ang sinabi nito sa kanya, naiinis siya naalala na naman kasi niya ang pananakot sa kanya ng kambal nito. "Ahh!" Napatanaw siya sa pinanggalingan ng sigaw na iyon. nakita niyang enjoy na enjoy na naglalaro ang mga kasama nila habang naliligo ang mga ito. Napairap siyang muli ng makita niya si Duke at Quinzel na masayang naliligo. Medyo malayo ang dalawa sa iba na mukhang may sariling mundo ang mga ito gaya din ni Blaze at ng girlfriend nito. Mas naiinis siya dahil wala lang kay Duke kung ano ang suot ni Quinzel samantalang sa kanya dapat hindi siya nakasuot ng swimsuit. "King"tawag niya sa nobyo niya. Pero lumipas na ang ilang minuto hindi man lang siya nito sinagot. Nanglingunin niya ito nakita niyang para itong nakatulala sa kawalan kaya pala hindi siya pansin nito. Mas lalo tuloy siyang nainis sa inaasta nito sa kanya. "Napagod ako"napalingon na naman siya sa kabila niya sa nagsalita. Nakita niya si Duke at Quinzel na palapit na sa kanila. "Hindi ka naman lumangoy, panay lang ang sampa mo sakin"reklamo naman ni Duke. "Ano ka, I used my long and sexy legs"anito. "What the? Sexy saan banda"natatawang sita naman ni Duke dito. Nang makalapit ang dalawa sa kanila doon niya napansin na mukhang masaya na si Duke habang nakikipagbiruan kay Quinzel. "Hey you, wag ka nga. My legs are my best asset you know"maarteng sita na naman ni Quinzel dito. Napailing nalang si Duke habang nagsasalita ang dalaga, kinuha nito ang bath rob ng mga ito at inilagay sa balikat ng nobya nito. hindi lang iyon pati tuwalya ay kinuha nito at pinunasan ang mukha at buhok ng dalaga. Napaigtad nalang siya ng padabog naman na ibinaba ni King ang baso sa lamase. Nang lingunin niya ito nakalayo na pala ito agad sa kanila at iyon nga naglalakad na ito papuntang dagat. Minutes later sumalangoy na ito palayo sa pang-pang. Hindi na naman niya pinagtuunan ng pansin ang nobyo niya. kinuha nalang niya ang juice niya at tumayo na din. Iniwanan nalang niya sila Duke at Quinzel sa cottage at naglakad lakad siya. Ayaw muna niyang lumapit kay Duke dahil hanggang ngayon naiinis pa din siya sa binata sa ginawa nito sa kanya kanina. KINAKABIHAN nagkayayaan na magbonfire daw sila sa tabing dagat na agad namang sinang-ayunan ng halos lahat. Pati ang mga parents nila game na game sa ideya. Well wala naman siyang tutol sa gusto ng mga kasama niya ngayon. Boring naman kasi kung magkukulong nalang silang lahat sa loob ng bahay. Mga boys ang naghanda ng bonfire nila sa tabing dagat, samntalang silang mga girls naman ay naghahanda ng pagkain nila para may makukutkut sila habang nagkukwentuhan. "Dr. Quinzel"tawag ni Blaire. Napalingon naman siya sa dalawa, si Blaire at Quinzel kasi ang magkatabi ngayon habang naghahanda ng pagkain. "Yes, and please Quinzel nalang. Nakakatanda naman ang Doctora mo" "Okay, Quinzel how did you met my kuya Duke?"takang tanong ni Blaire dito. Habang nagsasalita si Blaire nakatingin ito sa kanya, na hindi niya alam kung bakit. "Well, sa bar. Tapos nakipagbasagan siya ng mukha doon. ginamot ko then ayun basta nalang siyang dumikit sakin na kala mo may pandikit sa katawan"anito sabay tawa ng malakas. Maging sila Blaire at ang mga mommy nila nagtawanan sa kwento ni Quinzel. "Naks ha, hindi ko alam na may inborn na pandikit pala ang anak mo Issay"biro din ng meme niya. "Para namang hindi niyo kilala si Duke, remember noong mga bata pa sila sakin siya laging nakadikit. But later on kay Eunice na siya dumikit remember the old days?"ani naman ni Tita Issay. She remember that, pero hindi naman lahat. Batang bata pa kasi siya noon. "Oh I remember that, si Duke na halos ang nag-aalaga kay Eunice noon"masayang sagot naman ng nanay niya. "Like kuya-bunso relationship"singit naman ni Quinzel. Nagtawanan naman ang mga nakarinig sa sinabi nito. sinang-ayuanan pa nga ng mga nanay nila ang sinabi nito. pero para sa kanya may ibang pakahulugan sa kanya. naalala niyang bigla ang pagpunta nito sa opisina niya noon at kung ano-ano ang sinabi sa kanya. Ewan pero para siya lang ang nakapansin na para bang nang-aasar ito habang nagsasalita. Pero hindi naman niya pinagtuunan ng pansin at pinagpatuloy nalang niya ang ginagawa niya. "I still remember too, every thime na iiyak si Eunice hindi na mapakali si Duke."narinig niyang ungot na naman ni Tita Issay. Papalabas na siya ng kusina ng marinig niya iyon. "Yeah, doon ko nalaman na magaling palang kumanta ang inaanak ko na iyan..." Hindi na niya narinig pa ang ilang sinabi ng meme niya dahil nagderetso na siyang maglakad palabas. Nahiya naman siyang kung babalik siya sa loob at pakikinggan lang ang pinag-uusapan ng mga ito. Pagdating niya sa venue nila nakaupo na ang mga kalalakihan paikot sa bonfire. Sa tabi ni King naupo, sa tapat lang din nilang dalawa inilagay ang hawak niyang pagkain. Hindi naman nagtagal dumating na din ang mga kasama nila na may kanya-kanyang bitbit na din na pagkain. Nagsimula ang kwentuhan ng mga matatanda hanggang sa nauwi kila Blaze at sa girlfriend nito. biruan na baka may balak ng magpakasal ang mga ito. Naiinggit pa nga siya dahil kahit pa bata palang si Blaze may balak na itong pakasalan ang girlfriend nito pagkagraduate ng mga ito. samantalang sila ni King kailan kaya siya aayain nito ng kasal. "Halla, wag naman muna Blaze, paunahin mo muna ang mga anak ko"singit ni Tita Issay. Napatingin naman siya sa katabi niya, alam naman niyang sila King at Duke ang gustong ipakahulugan nito na paunahin sa pag-aasawa. "Yeah, matanda na ang kambal ko wala pa akong apo sa mga ito"segunda naman ni Tito Malik. Hinihintay naman niyang magreact si King pero hindi man lang ito magsalita at nagpatuloy itong uminom ng alak. Ni hindi nga siya nito tignan man lang basta nakatingin lang ito sa harapan nila. "At your age, tatay na ako sa inyo niyan...you two are two years old already"dagdag pa ni Tito Malik. Nang sundan niya kung ano ang tinitignan ni King napataas ang kilay niya ng makita niyang ang kaharap nila. Sila Duke at Quinzel lang naman ang nasa harapan nila. "Pero may apo na naman kayo dad"reklamo naman ni Duke. Napatingin na din tuloy siya kay Duke at Quinzel. Naalala niya noong nagdinner sila ng ipakilala palang nito si Quinzel ang sabi nito handa na itong magpakasal. Bakit ngayon biglang ayaw na yata nito. Inoobserbahan niya ang mga ito habang nagsasalita ang mga magulang nila. Hindi naman niya maiwasan na mainggit, nakita kasi nya ang pagiging sweet at caring ni Duke kay Quinzel habang nasa mainit na debate na naman ang mga parents nila. Nakaakbay na halos parang nakayakap na kasi si Duke kay Quinzel. Napalingon naman siya kay King na wala man lang nararamdaman basta nakaupo lang tahimik lang na nakatingin sa paligid nila. Hindi man lang siya yakapin nito. Dumikit siya dito at idinantay ang katawan niya dito. Inaasahan niyang may gagawin ito pero wala man lang, para lang itong tuud na nakaupo sa isang tabi. Napairap tuloy siya dito at lumayo na dahil mukhang wala naman siyang mapapala dito. Buti nalang walang nakapansin ng ginawa niya. Wala talaga siyang aasahan sa boyfriend niyang manhid yata. Bakit ba ngayon lang niya napansin ang bagay na iyon. kasi naman buong duration yata ng pagiging magboyfriend nila ang buong pansin niya si Duke lang paano kasi pasaway kasi ang isang iyon. Tapos ngayon na hindi na niya masyadong napapansin si Duke sa pagiging pasaway nito si King na ang nakikita niya. Bigla naman kasing naging behave si Duke simula ng maging jowa nito si Quinzel. Na para sa kanya nawalan na siya ng role sa buhay ni Duke ng dahil doon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD