DALAWANG linggo ang matuling lumipas hindi talaga siya pinansin man lang ni King. Na mas ikinaiinis niya ng sobra. Wala namang pumapansin sa kanyang pagmumuryot dahil sanay na ang mga tao sa paligid niya na ganoon siya.
"Saan ang punta mo?"takang tanong sa kanya ng kapatid niya ng bumaba na siya mula sa kwarto niya.
Tinaasan naman niya ito ng kilay, hindi ba halata sa outfit niyang papasok siya sa opisina niya.
"Papasok malamang"pagtataray na naman niya sa kapatid niya.
"Didn't meme told you we're going to Batangas?"anito sa kanya.
Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ng kapatid niya sa kanya. wala yatang nabanggit ang meme niya sa kanya na ganon.
"Nope"
"Okay, then I'm telling you now, we're going to Batangas for a vacation. I heard kasama ang buong tropa"anito bago siya talikuran.
Napataas naman ang kilay niya sa sinabi nito sa kanya. kung kasama ang buong tropa means kasama si King. Pero wala na yatang balak na kausapin pa siya ng nobyo niyang iyon simula ng magtalo silang dalawa.
Hinanap niya ang kanyang ina para kausapin ito kung pwedeng hindi na siya sumama sa bakasyon na sinasabi ng kapatid niya.
Pero ganon nalang ang gulat niya ng makita ang isang taong hindi niya inaasahan na pupuntahan siya ng ganito kaaga sa bahay nila.
"What are you doing here?"mataray niyang tanong nito na tinawanan lang siya at nilapitan para halikan sa pisngi niya na iniwasan naman niya.
"I'm sorry Love, wag ka ng magtampo"lambing nito sa kanya na ikinataas ng kilay.
Inirapan niya ito ng yakapin siya nito na ikinabigla niya. hindi naman kasi malambing sa kanya si King simula't sapul na naging magkarelasyon silang dalawa.
"Hindi ba nasabi sayo nila Tita that we're going on a vacation?"tanong nito sa kanya.
"Do I look like I knew it?"pagtataray pa din niya dito.
Tumawa naman ito sabay halik nito sa pisngi niya.
"Okay, I'll wait for you to fix your things. Sakin ka na sumabay papunta sa rest house sa batangas."anito.
Kahit ayaw niya napilitan siya dahil pinagtulakan siya nito na pumunta sa hagdan nila at pumanhik pabalik sa kwarto niya.
Hindi naman nagtagal nakaalis na sila sa bahay nila, nauna na nga ang mga magulang at kapatid niya sa pag-alis kaya no choice talaga siya kay King siya sumabay. Habang nasa biyahe hindi naman sila nagkikibuan na dalawa, hanggang ngayon kasi naiinis siya dahil nagawa talaga ni king na tiisin siya ng ilang araw.
"We're here"masayang turan ni King pagdating nila sa rest house ng pamilya nito.
Magkakatabi lang naman ang resthouse ng bawat pamilya nila kaya wala din kaso kung doon sila huminto sa rest house ng pamilya ni King. Kasi ilang hakbang lang naman ang layo ng resthouse nila sa resthouse ng mga ito.
"Hi Ate Eunice"sabay na bati sa kanya ng kambal na sila Kristal at Jewel.
Agad niyang nilapitan ang mga ito at nakipagbeso siya sa mga ito. akmang magsasalita siya para hanapin ang ina ng mga ito ng may matanaw siya sa di kalayuan.
Si Duke kasama ang nobya nito na super close sa isa't isa habang nakatayo sa dalampasigan. Nakaakbay si Duke kay Quinzel samantalang nakayakat naman sa bewang ni Duke ang dalaga. Nakita pa niyang hinalikan ni Duke sa noo ang dalaga at may ibinulong ito na ikinatawa naman ni Quinzel.
Ang sweet tignan ng dalawa mula sa malayo. Halatang matagal na at super close ang dalawa, unlike her to King.
Kahit kailan hindi pa naging ganito kaclose sa kanya si King.
Kanina nga lang siya nito niyakap, wala siyang matandaan na niyakap siya ni King at nilambing siya nito ngayon lang.
"What are you looking at?"tanong naman sa kanya ni King ng makalapit ito sa kanya.
Nabigla pa siya ng bigla nalang may umakbay sa kanya.
Iniiwas na niya ang pansin niya sa dalawa at inaya nalang ang kambal na pumasok sa loob ng resthouse ng mga ito.
KAYA PALA nagkaroon ng biglaan lakad ang tropa dahil may kasama si Blaze na ipinakilalang girlfriend daw nito. Mukha namang mabait ang sinasabing girlfriend ni Blaze, mahinhin pa nga kung titignan.
"Kumain ka nga"narinig niyang angil sa tabi niya.
Nang lingunin niya kung saan nanggaling ang sigaw nakita niya si Duke na pinapagalitan si Quinzel.
"Shut up!"sigaw naman ng dalaga.
"Anong shut up! Kumain ka hindi mo kailangan na magdiet. Kumain ka ayoko ng mukhang tikling sa payat"ganting sigaw ni Duke.
Kasunod noon, nilagyan ng madaming pagkain ni Duke ang plato ng nobya nito. unknowingly napalingon siya sa tabi niya, patay malisya lang na ngpapatuloy sa pagkain si King.
Napatingin din siya sa plato niya, wala din siyang masyadong pagkain sa plato niya.
"Isa, kainin mo iyan"banta na naman ni Duke kay quinzel.
"Ikaw ang kumain niyan, ikaw naglagay sa plato"sagot naman ni Quinzel dito.
Wala man lang pakialam ang dalawa kahit na pinagtitinginan na sila ng mga kasama nila ngayon sa hapag kainan.
Parang walang na kinuha ni Duke ang kutsara ni Quinzel at walang sabi-sabing sinubuan si Quinzel.
"Ang arte mo, kala mo naman ikagaganda mo kung magdiet ka."reklamo pa ni Duke habang sinusubuan ang dalaga.
"Fvck s**t ka Duke"sigaw naman ni Quinzel.
Nagtawanan naman ang mga kasama nila habang nakatitig sa dalawang nagkukulitan habang kumakain sila.
Hindi nila kasamang kumakain ang mga magulang nila dahil humiwalay ang mga tander's nila. Alam naman nilang maglalambingan lang din ang mga magulang nilang lahat kaya humiwalay sa kanila.
"Kumain ka kasi fvck s**t ka din"angil din ni Duke.
"Ang sweet niyong dalawa"sita naman ni Blaze sa mga ito.
"Isa ka pa Monteverde"pinanlakihan din ng mata ni Quinzel ang pinsan ni King.
Tumawa naman ng malakas si Blaze. Napataas ang kilay niya, mukhang kilala na din ni Blaze ang nobya ni Duke, ganoon na ba kaseryoso si Duke kay Quinzel.
"Ang taray-taray mo, kuya Duke paluin mo nga itong mataray na ito"tumatawang sumbong ni Blaze kay Duke.
"Ikaw, Blaze paluin ko. Hoy hindi ka pa bayad sa TP ko sa panggagamot diyan sa jowa mo"dinuro-duro pa nito ang binata habang nagsasalita.
Madami pang pinag-usapan ang mga kasama nila sa hapag-kainin pero silang dalawa ni King wala lang tahimik lang na kumakain.
After nilang magtanghalian nagkayayaan ang buong tropa na maligo na sa dagat.
Excited naman siyang sinuot ang kanyang two piece swim suit. Matagal tagal na din ang huling nagbeach sila kaya parang natuwa siyang bigla sa bakasyon nilang ito.
Nang sa tingin niya okay na naman ang itsura niya lumabas na siya. Hindi na nga siya nag-abalang takpan pa ang katawan niya, confident naman siya sa katawan niya kaya hindi siya nahihiyang ibalandra ang katawan sa labas.
"Fvck!"narinig niyang sigaw sa di kalayuan sa kanya.
Nang lingunin niya nakita niya si Duke na masamang nakatingin sa kanya. inirapan lang niya ito.
Nasa loob kasi sila ng resthouse ng mga ito. doon pa kasi ibinaba ni King ang mga gamit niya kaya doon siya nagpalit ng gamit niya. mamayang gabi nalang niya ipapakuha ang mga gamit niya dito.
"What are you wearing Eunice?"sita nito sa kanya.
Naiinis na nilingon niya ulit ito at para pa siyang pagud na makipagtalo dito kung tignan niya ito.
"Swimsuit ano pa"pagtataray niya dito.
Nabigla nalang siya ng bigla nitong hinapit siya sa kanyang braso ng sobrang higpit. Nagtaka siya ang bilis naman nitong nakalapit sa kanya. medyo malayo kasi ang tingin niya kanina dito habang nag-uusap silang dalawa.
"Go back to that damn room of your's and chance that fvcking swimsuit your wearing in a rush guard now"madiing utos nito sa kanya.
Exaggerated naman na napatingin siya dito at nakipagmatigas sa pakikipagtitigan dito.
"And why would I do that?"aniya naman dito.
"Just fvcking do what I say, and don't fvcking ask me why?"sigaw nito sa kanya.
Pilit niyang binabawi dito ang kanyang braso sa inis niya dito.
"Who are you to tell me what I'm going to wear huh!"sigaw niya dito.
"Fvck!"sigaw naman ni Duke siguro out of frustration.
"Hey Duke!"
Sabay pa nilang nilingon ni Duke ang tumawag dito, nakita lang naman nila ang nobya nitong bagong labas lang mula sa kwarto ng binata. Gaya niya nakaswimsuit na din ito, nakataas ang kilay nitong nakatitig sa kanya habang papalapit ito sa kanila.
Hindi naman siya nagpatalo, tinaasan din niya ito ng kilay.
"What going on here?"maarteng tanong nito kay Duke.
"Just shut up and go"taboy naman ni Duke dito.
Inirapan lang sila nito at iniwanan na silang dalawa, napanganga naman siya sa naging pag-uusap ng dalawa. mas lalo ng mapansin niyang mas daring nga ang suot ng sarili nitong nobya kaysa sa kanya kung makasita naman sa kanya ito wagas. Samantalang si Quinzel parang wala lang dito ang suot.
"Ano tatayo ka nalang ba diyan?"sita sa kanya ni Duke ng makaalis na si Quinzel.
"What the hell Duke, ano bang problema mo ha?"inis na niyang sita din dito.
"What my fvcking problem? Damn it, ito..."sigaw nito sabay turo sa katawan niya. "These are my fvcking problem, kaya bumalik ka na sa loob ng punyetang kwarto na iyan at magpalit ka ngayon din kung hindi ako mismo ang maghuhubad ng walang kwentang bikini na iyan sayo!. I don't think you will like that"habang litanya nito sa kanya.
Para naman siyang kinilabutan sa sinabi nito sa kanya. kaya naman mabilis pa sa alaskuwatro nakapasok na siya ulit sa pinang galingan niyang kwarto. Sa takot pa niya mabilis niyang nilock ang pinto para hindi makapasok si Duke sa kwartong iyon.
"Sira ulong iyon"nabulong nalang niya sa sarili niya.
Hindi man niya gusto napapalit siyang bigla ng damit niya ng wala sa oras.
Takot lang niya sa binata, mamaya biglang totohanin nitong bihisan siya. Naku hindi pa man nakikita ng nobyo niya ang pinakatatago niya mauunahan pa ng kakambal nito.
Para siyang nanginig sa takot niya habang iniisip niya ang mga bagay na iyon.