NAGPASYA na ang mga magulang nilang pumasok na sa kanya-kanyang resthouse nila nang lumalim na ang gabi. Pero ang ilan sa mga kasama nilang bagets nagpaiwan pa sa labas at nagkayayaan na talagang mag-inom.
Siya naman aayain niya sana si Blaire na mag-ikot-ikot pa sila pero hindi naman na niya ito makita. Nang tinanong niya kay Adam ang sabi nito natulog na daw. Ang magaling naman niyang boyfriend bigla na lang nawala sa tabi niya ng hindi niya namamalayan man lang.
Naiinis nga siya doon, pakiramdam talaga niya neglected na siya nito. na feeling niya talaga hindi na siya nito pinapahalagahan pa.
Hindi naman siya tanga para hindi niya nararamdamang lumalayo na ito sa kanya. Malayo naman na noon pa ang loob nito sa kanya, pakiramdam na niya noon na para lang silang magkuya na dalawa. Na may pader sa pagitan nilang dalawa, ramdam niya ang pag-aalaga sa kanya ni King pero may kulang.
Tapos ngayon mas lumayo ito sa kanya na 'kala mo hindi sila mag-jowa na dalawa.
Ewan nalilito siya sa naiisip niya ng mga sandaling iyon.
Malalim siyang napabuntong hininga.
Nagpatuloy siyang maglakad, pinili niyang maglakad na lang mag-isa. Safe naman ang lugar kung nasaan sila ngayon dahil private naman ang gawi kung nasaan ang resthouse nila.
Noon una medyo malayo lang siya sa tubig, pero para siyang inaakit ng tubig kaya lumapit siya doon. inalis na din niya ang slipper niya para malaya siyang makalakad sa tabing dagat at kung mabasa man ang paa niya wala siyang iniintindi na tsinelas.
Sa sobrang lalim ng iniisip niya na hindi naman niya alam dahil kung ano-ano lang naman ang naiisip niya, hindi niya namalayan na nakalayo na pala siya sa mga kasama niya.
Nagulat nalang siya ng lumingon siya sa pinanggalingan niya malayo na siya sa mga kasama niya.
Pero gaya nga ng sabi niya hindi siya takot dahil una sa safe sila sa lugar na ito. kahit nga yata matulog sila sa tabing dagat okay lang.
Naalala niya nagawa na nila Jace, Adam at Blaze minsan na matulog sa tabing dagat. Natawa pa nga sila ng makita nila ang mga ito kinaumagahan, dahil kamuntikan ng anudin ang mga iyon dahil biglang nag-high tide.
"Hay!" exaggerated siyang napa-exhale.
Ang gulo-gulo kasi ng isip niya, hindi na niya alam kung saan patungo. Kung bubuksan siguro ang utak niya makikita na buhol-buhol na ang utak niya sa sobrang gulo ng iniisip niya.
Nang mapagud siyang maglakad naupo na lang siya sa buhangin at pinagmasdan niya ang dagat at maging buwan. Ang tahimik ng gabi para sa kanya, kasi wala siyang makasama kahit na isa.
Naluluha siyang isipin na mag-isa lang siya ngayon.
Parang na-realize niya, bakit nga ba hindi siya gumawa ng madaming kaibigan noon, o kahit ngayon.
Nakuntento nalang kasi siya sa mga nakasanayan niyang kasama. Gaya na lang ni Blaire, na kahit hindi niya kaedad ang kaibigan niya na iyon palagi niyang kasama. Noon din kasi palagi niyang kasama si King, lalo na noong mga panahon na nagsisimula palang silang dalawa.
Naiyak na naman siya, bakit ba nagkaganito ang buhay niya.
Pangarap lang naman niya ang isang masaya at puno ng pagmamahalan na buhay gaya ng mga magulang niya.
Noong naging boyfriend kasi niya si King, dito na lang umikot ang buhay niya.
Pero kay King nga ba?
Kasi naalala niya, simula ng mamulat siya sa mundo panay si Duke ang palagi niyang nakikitang kinaiinisan niya.
Nagsimula lang naman siyang naging ganito noong ipinakilala ni Duke ang girlfriend nito. Para kasing biglang nawala ang mga nakasanayan na niyang gawin. Ang sunduin, sundan at sermunan si Duke.
Tama na Eunice, si King ang boyfriend mo. Siya na lang ang pagtuunan mo ng pansin mo.
Kausap niya sa sarili niya, pilit niyang kinakastigo ang sarili niya. pero gaya kanina, magulo. Mas lalong nagulo ang isip niya ng isipin niya na naman si Duke.
"OHH!"
Napahinto siya sa paglalakad ng makarinig siya ng ungol. Nasa loob siya ng resthouse nila King. Hindi pa din kasi niya nakukuha ang mga gamit niya.
Malaya naman siyang makapasok doon dahil kilala na siya at sanay na ang mga tao sa kanya doon.
Sabi ng ni Tita Issay she already a part of the family, kaya free siyang malabas pasok sa loob ng bahay ng mga ito kahit anong oras.
"Ohh fvck!" paungol na mura ng boses ng lalaki.
Napakunot naman ang noo niya sa naririnig niya.
Madilim na kasi sa bahay dahil sa malalim na din kasi ang gabi, tingin nga niya tulog na ang lahat ng mga tao doon.
Bigla para siyang kinilabutan, naisip niya nab aka may multo sa bahay na ito.
"s**t!" muling nakarinig siya ng ungol.
Dahan-dahan siyang naglakad papasok sa loob ng bahay, nasa sala palang siya ng mga sadaling iyon. pero sa bawat hakbang niya palakas ng palakas ang naririnig niyang ungol.
Unti-unti din na nawawala ang takot niya sa isiping multo ang naririnig niya ng mga sandaling iyon.
Hindi naman siya tanga para hindi mahulaan kung ano ang naririnig niya ng mga sandaling iyon.
Hanggang sa makarating siya sag awing kusina ng bahay.
Nanlalaki ang mata niya ng makita niya ang ayos ng dalawang taong nagkukubli sa kusina.
Si Quinzel nakaupo sa lababo habang nakabukaka ito, at ang nakakapanlaki ng mata niya ay ang ginagawa ng lalaki sa pagitan ng mga hita ni Quinzel.
"s**t Perez!" padaing na ungol na naman ni Quinzel.
Gusto niyang tumakbo, umalis sa lugar na kinatatayuan niya. siya kasi ang nahihiya sa nakikita niya ng mga sandaling iyon. Parang siya ang naeeskandalo sa nakikita niyang ginagawa ng dalawa iyon.
Maraming beses na niyang nahuli si Duke sa mga ganitong sitwasyon noon. Pero noon puro pangdidiri ang nararamdaman niya, o kaya naman galit sa lalaki.
Pero ngayon iba ang nararamdaman niya sa nakikita niya.
Napakagat siya sa labi nang makita niya halos tumirik ang mata ni Quinzel sa ginagawa ni Duke dito.
"Hmmm," sabay na ungol ng dalawa.
Para biglang natuyo ang lalamunan niya sa napapanood niya, para naman kasi siyang itinulos sa kinatatayuan niya ng mga sandaling iyon.
"Ahhh s**t!...Perez!" halos pasigaw na ungol ni Quinzel ng bigla umangat ang ulo ni Duke at tumapat sa mukha ni Quinzel.
Alam niya naghahalikan ang dalawa, pero hindi lang iyon ang nakikita niya ng mga sandaling iyon. kapansin pansin kasi ang paggalaw ng lalaki habang naghahalikan ang mga ito.
Hindi naman nakababa ang short na suot ni Duke pero ewan, alam niya may ginagawa na ang dalawa ng mga sandaling iyon.
Halinghing at mahihinang ungol ang naririnig niya.
"Ahh...shit ka Perez." Mataray na ungol ni Quinzel ng biglang buhatin ni Duke ang dalaga.
Doon naman siya biglang natauhan, mukha kasing aalis na ang mga ito at walang ibang dadaanan ang mga ito kundi sa kinatatayuan niya. nagmamadali siyang tumakbo paakyat sa itaas para hindi siya makita ng dalawa.
Habol ang hininga niya ng makapasok siya sa inuukupa niyang kwarto doon. halos pagod at kaba ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon, pagod sa pagtakbo niya at kaba dahil sa muntik na siyang makita nila Duke.
Dali-dali siyang sumampa sa kama at nagtalukbong ng kumot.
Nakakahiya!
Sa pagpikit niya naalala niya ang nakita niya, naasar siya sa tuwing naalala niya ang nakita niya.
NAKATULALA siya habang nakaupo siya sa hapag kainan, nakasalo siya sa mga magulang at kapatid ni King. Wala pa ang boyfriend niya, tulog pa daw sabi ng mga kasama nila sa bahay.
"You looked stress ate Eunice," sita sa kanya ni Jewel.
Nagulat naman siyang napalingon sa katabi niya, gulat niyang tinignan si Jewel. Ang akala niya si Tita Issay ang katabi niya kaya nagulat talaga siya.
"Ahm!..." hindi niya alam kung anong isasagot niya.
Naglikot naman ang mata niya, wala kasi talaga siyang maisip na isagot dito. Nang mapatingin siya sa paligid niya nakatingin na pala sa kanya ang lahat ng kasama niya sa hapagkainan. Lalo tuloy siyang naconsious sa mga tingin ng mga ito.
"Ate," bulong sa kanya ni Jewel.
Sasagot na sana siya ng maumid na naman ang dila niya ng makita niyang papalapit na sa kanila sila Duke at Quinzel na magkaakbay.
Bigla parang pelikulang bumalik sa alaala niya ang nakita niya kagabi.
Hindi siya makatingin ng deretso sa mga bagong dating, para pang siya ang nahihiya sa mga ito, samantalang hindi naman siya nakita ng mga ito, siya lang naman ang nakakita sa mga ito.
"Para kang nakakita ng multo, girl." Sita sa kanya ni Quinzel.
Napapitlag siya sa gulat ng pansinin siya nito, hindi siya nakapaghanda na kakausapin pala siya nito.
Tumikhim muna siya, makailang beses siyang huminga ng malalim para matanggal ang nakabarang kung ano sa lalamunan niya.
"Ahm, hindi lang ako nakatulog, iniisip ko kasi ang project namin na bago at iyong mga naiwan kong trabaho," pagdadahilan niya.
Nag-cross finger pa nga siya na sana makalusot ang dinahilan niya.
Nakahinga naman siya ng maluwag ng dumating naman si King at naupo na sa tabi niya. nawala na bigla sa kanya ang atensyon ng mga kasama niya.
"I'm going back to Manila, madami pa kasi ako naiwan na trabaho," ani King habang kumakain sila.
Kaysa kay King siya tumingin napatingin siya kay Duke na tahimik na nakikinig sa usapan ng mga kasama nila. Hinihintay niya kung ano ang sasabihin nito, kung babalik na din ba ito ng Manila ngayon kasama nila.
"Me too, madaming nakaleave na mga doctor sa hospital. Kailangan kong makabalik agad baka nagkakagulo na sila doon," ani din naman ni Quinzel.
Napatangu lang naman ang mga magulang ni King sa mga sinasabi ng mga anak ng mga ito. pero wala sa mga ito ang atensyon niya kundi kay Duke. Mukhang wala pang balak na bumalik ang binata sa Manila.
Naisip niya magpaiwanan na din muna kung hindi pa babalik ito.
"Di ba madami ka ding work Eunice, babalik ka na din ba ng Manila?" tanong sa kanya ni Tito Malik.
Napalingon naman siya dito, mukhang hinihintay nito ang magiging sagot niya.
"She's coming with me dad," si King ang sumagot para sa kanya.
Wala na siyang nagawa pa, kundi ang sumang-ayon na sa sinabi ng nobyo niya.
Nilingon niya ito, doon lang niya napansin na parang puyat din pala ito dahil halata sa nangingitim na ilalim ng mata nito. pero hindi lang iyon ang napansin niya dito, kasi habang kumakain ito matiim na nakatitig lang ito sa kaharap nila.
Alam naman niya kung sino ang kaharap nila, kahit hindi na niya tignan kung sino pa ang tinitignan ng nobyo niya.