3

2020 Words
MABILIS na lumipas ang araw, nakaisang taon na naman sila ni King sa relasyon nila. Madaming naiinggit sa kanya, kasi naman isang kilalang business man ang boyfriend niya. Mayaman, gwapo, macho, at matalino pa. Wala na siyang mahihiling pa, lahat na yata nasakanya na sabi nga ng iba sa kanya. Maganda na din naman ang tinatakbo ng negosyo nilang magkaibigan, nagsisimula na din silang makilala sa larangan na pinasok nila. "Ate Eunice"tawag sa kanya ni Blaire. Pansin niya nitong mga nakaraang araw parang balisa ang kaibigan niya. hindi niya ito makausap ng matino nito, palaging absent minded at wala sa sarili. Hindi din siya nito tinatawag na ate, madalas sis o kaya pangalan lang niya. "May problema ka ba Blaire?" Tinignan lang siya nito pero nandyang bubuka at isasara nito ang bibig na parang mag gustong sabihin sa kanya pero hindi naman naitutuloy. Magsasalita siya para sana tanungin niya ito muli, pero nabitin sa ere ang pagsasalita niya ng pumasok sa loob ng opisina nila si King. "Hi ladies"bati nito sa kanila. Tumayo siya at sinalubong ang boyfriend niya, ng yakap at halik sa pisngi. "What brings you here?"masayang tanong niya dito. "Mom and Dad called, doon daw tayo magdinner"masuyong paliwanag nito. Hindi naman siya nabigla, dahil madalas naman silang tinatawag ng mga magulang ni King para doon maghapunan. Halos lahat kasi ng anak ng mga magulang ni King ay nakabukod na. Tanging ang bunsong kambal na sila Jewel at Kristal ang kasama ng mga magulang nito. "Okay, tara na ba?"excited na tanong niya dito na tinanguan lang nito. Past five na din kasi ng hapon, kaya pwede na silang mag-out para. "Blaire, mauuna na kami... Are you okay?"nag-aalalang tanong niya dito ng makita niyang namumutla ito. "Ahm..pwede niyo ba akong ihatid sa bahay nila Nanay at tatay, ate Eunice"mahinang pakiusap nito. Nilingon niya si King na tango lang ang isinagot nito. Hindi naman aangal ito dahil pinsan naman ito ng boyfriend niya kaya inihatid nila ito sa bahay ng mga magulang nito. Habang nasa biyahe sila balisa ang kaibigan niya, hindi mapakali at tahimik na nagmamasid sa paligid. "Are you sure okay ka lang talaga?"muling tanong niya dito ng makapasok na sila sa bahay nito. "Yes, I'm fine now. Thank you"halos bulong na naman nitong sagot. Hanggang sa makaalis sila palaisipan sa kanya kung bakit ganoon ang kinikilos ng kaibigan niya. Pero lahat ng iyon nawala sa isip niya ng makarating na sila sa bahay ng mga magulang ng nobyo. "King, baby ko"lambing agad ng ina ni King sa nobyo niya. Agad siyang napangiti ng makita kung gaano kalapit ang mga ito sa isa't isa. "Mommy, ang tanda ko na para tawaging baby"reklamo naman ni King sa ina. Inirapan lang naman ito ng ina bago ito bumaling sa kanya para magbeso sila. "Eunice, glad that you are here. May kasama kami nila Kristal at Jewel na kikilatis sa girlfriend ni Duke. Kasi naman Jade is not around at the moment"bulong nito sa kanya. Nagulat naman siya sa bulong nito sa kanya. Si Duke may kasamang babae ngayong gabi, and to think na ipapakilala na girlfriend nito ang kasama. Nabuhay bigla ang curiousity niya sa katawan sa sinabi ng ginang sa kanya. Matagal tagal na din ang huling beses na nagkita sila ni Duke. Siguro may tatlong buwan na din silang hindi nagkikita. "Really tita?"hindi makapaniwalang tanong niya dito. Nginitian lang siya nito habang tumatango, iginiya siya nito patungo sa sala ng mga ito. Doon nakita niya si Duke na prenteng nakaupo patalikod sa kanila, may katabi nga itong isang hindi pamilyar na pigura ng isang babae. Napataas ang kilay niya ng mapansin niyang tawa ng tawa ang kambal. "Bagay talaga si Kuya Duke sayo ate Quinzel"masayang turan pa ni Jewel. "What? Kasi mataray ako and I can have a grip in this badboy beside me"may pagkamataray nga ito kung magsalita pero hindi naman mukhang rude ang pagkakataray nito. "Enough, Quinzel"saway naman ni Duke. Hindi man lang napansin ang presensya nila ng mga ito, tuloy lang sa pakikipagkwentuhan ang mga kapatid ni King sa bagong bisita ng mga ito. "Mga babies ko, tara ng kumain"masayang aya naman ni Tita Issay ng makalapit sila dito. Doon lang sila nilingon ng mga ito, maging si Duke ay napalingon din at sa kanya agad tumama ang mapanuring mata nito. tinaasan naman nito ito ng kilay bilang pagtataray sa binata. Walang imik na nakarating sila sa loob ng kumedor at nagsiupuan na sa kanya-kanyang pwesto. Nasa kanan niya si King at sa kaliwa naman niya si Jewel na katabi naman nito ang kambal nitong si Kristal. Sa harapan naman niya si Duke at katapat ni King ang sinasabing girlfriend ni Duke na katabi naman si Ismael. Nasa magkabilang dulo naman ang mga magulang ng mga ito na si Tita Issay at Tito Malik. "Hmmm...well Quinzel right?"basag sa katahimik ng ina ng tahanan. "Yes Tita"masuyong sagot naman ng dalaga. "I would like to introduce to you my eldest King Perez, and his lovely girlfriend besides him, Eunice Miller, you already met my two beautiful twin Jewel and Kristal and Ismael"pakilala ng ginang sa kanila. "Well, I already know King, we've met months ago"sagot ng dalaga habang nakatingin sa nobyo niya. Napataas ang kilay niya sabay tingin sa katabi niyang doon lang din niya napansin na nakatitig din sa nobya ng kapatid nito. "Ah, I remember now. Sa ospital"ani naman ni King. Nakita niyang ang pagside view ng dalaga sabay ngisi nito ng palihim. Nagtataka naman siya sa usapan ng dalawa. "Anong ospital King? Na-ospital ka ba?"puno ng pag-aalala na tanong ni Tita Issay sa anak. "No, mommy. May kaibigan lang akong dinalaw sa ospital"sagot agad ng nobyo niya. Nakahinga naman ng maluwag ang ginang sa naging sagot ng anak nito. "Honey, ako hindi mo ba ipapakilala"nakangiting biro naman ni Tito Malik sa asawa. Pinanlakihan ito ng mata ni Tita Issay habang magkatitigan ang dalawa. Kahit may edad na ang mga ito makikitang mahal na mahal pa din ng mga ito ang bawat isa. "Papakilala pa ba kita, wag na matanda ka na"biro naman ni Tita Issay sa asawa nito. "Oh no honey, ilang ulit ko bang sasabihin sayo, kalabaw lang ang tumatanda"nakangisi namang sagot nito sa asawa. "Ehem! Dad, mom, we're here baka nakakalimutan niyo"tawag pansin naman ni King sa mga magulang. Napuno ng tawanan ang buong hapag kainan dahil na din sa magiliw na lambingan ng mag-asawa Perez. Nakikita na niya ang hinaharap niya, sana ganito din sila ni King pagtanda nila. Masaya at mahal na mahal ang isa't isa. "Well, its time na siguro para interview'hin ko ang magiging manugang ko"biglang pag-iiba ng usapan ni Tito Malik. Naconcious naman siyang bigla kung sino ba ang pinapatungkulan nito. Pero agad ding nasagot ang katanungan niya sa isip ng makitang sa girlfriend ni Duke nakatingin ang ama ng tahanan. "What's your profession?"simula nito. "I'm a doctor sir, and I have a small hospital to manage"magalang na sagot nito. Kita na proud ito sa kung anong narating nito ngayon. "Wow, magkakaroon na ng doctor sa pamilya natin"unang nagreact si Jewel. "Well, maybe kung gusto na ng kuya niyong magpakasal"sagot ni Quinzel pero kay King ito nakatingin habang nagsasalita. "Gusto mo bang magpakasal Duke?"tanong naman niya sa binatang katabi ng dalagang tinititigan niya ngayon. Biglang nakakaramdam siya ng iba sa babaeng kaharap niya ngayon. Iba kasi ang titig nito kay King sa totoo lang kanina pa mula ng maupo sila sa hapag kainan hindi lang niya pinansin. "Well, yes fifteen years na akong handang magpakasal"makahulugan namang sagot ni Duke sa kanya. Doon naman siya napalingon sa binata sa naging sagot nito sa kanya. Kitang-kita ang sinsero sa paningin nito habang titig na titig sa kanya. Na para bang para sa kanya talaga ang sinabi nito ngayon lang, at ano ang sabi nito, fifteen years na? ganoon na ba katagal ang relasyon ni Duke sa babaeng kasama nito ngayon. Bakit wala siyang alam sa bagay na iyon, all her life kilala na niya si Duke. She remember sabi ng meme niya, kapag bumibisita sila Duke sa kanila si Duke ang nag-aalaga sa kanya noon baby pa siya. Duke is a big brother she's wishing for. Nakikita niya dito ang kuya niyang pumanaw. "I'm fifteen years ready"muling ulit ni Duke sa unang sinabi nito. Hindi naman na siya nakapagsalita pa, tahimik nalang siyang kumain ng hapunan. Sa plato na nga lang siya nakatitig sa buong oras ng hapunan nila. Hanggang sa mag-aya ng umuwi si King at ihatid siya tahimik lang siya at nakatungo. AFTER the most awkward dinner with the Perez family, medyo napansin niya ang pag-iwas sa kanya ni King. Na hindi niya malaman na dahilan, bihira na kasi siya nito kung sunduin. Laging dinadahilan nito ang negosyo nito na busy lang daw ito kaya naman wala siyang reklamo. Bigla tuloy niyang naisip, hindi kaya alangan siya kay King. Kasi sa totoo lang wala pa naman siyang napapatunayan sa buhay niya. Unlike ni Quinzel na mukhang madami ng narating sa buhay. Tapos may sarili pa itong ospital na ito mismo ang bumuo at nagtayo. Hindi kagaya niya na may negosyo nga siya galing naman sa mga magulang niya ang puhunan. Pero agad din niyang naisip, hindi naman si King ang boyfriend nito kundi si Duke. At hindi naman si Duke ang boyfriend niya kundi si King. Naguluhan tuloy siya sa naisip niya, napakamot nalang siya sa ulo niya sa kung ano-anong iniisip niya. "Ma'am"tawag sa kanya ng assistant niya. "Yes Leah?"tanong niya dito. "May naghahanap po sa inyo"sagot nito. Sinenyasan lang niyang papasukin na ang kung sinong naghahanap sa kanya wala naman kasi siyang masyadong ginagawa sa mga oras na iyon. Nagulat siya ng pumasok sa loob ang kanina pa niya iniisp na tao. "Hi!"nakangiting bati nito sa kanya. Napalunok naman siya, ayaw niyang maintimidate sa presensya nito sa opisina niya pero hindi talaga niya maiwasan. Napakaelegante nitong tignan, sobrang elegante. Halatang aral ang lahat ng kilos nito, pino at sigurado ang bawat kilos nito habang papalapit sa kanya. "Ehem, hi"balik bati niya dito. "Have a sit"aniya pa ng makalapit na ito sa kaniya. Gracefully naman ito naupo sa harapan niya. "I'll go straight to the point why am I here today"simula nito sa kanya hindi pa man lumalapat ang pwetan niya sa kanyang swivel chair. Napaangat na agad ito kasabay ng pagtaas ng kilay niya habang nakatitig sa mukha nito. "I'm here to warn you regarding about my boyfriend, Duke"anito sa kanya. Kung may itataas pa ang kilay niya ng mga oras na ito baka umabot na sa bunbunan niya ang mga ito sa sobrang inis niya sa way ng pagsasalita ng kaharap niya. "I wont sit and wait, just like what are you doing. Nandito ako para sabihan ka na open your eyes dear, hindi lahat ng nakikita mo fairy tale na and the all live happily ever after ang ending. Sometimes you have to work it out para makamit mo ang pangarap mo."anito sa kanya. Naguluhan naman siya sa sinabi nito sa kanya, hindi niya maintindihan ang gusto nitong iparating sa kanya. "Hindi lahat ng taong nakapaligid sayo dapat mong pagkatiwalaan. Some of them are wolf disguising in a sheep form. And the person you're thinking that will give you a happy ever after ending is not the person you have in the past. Just a friendly advise dear"anito bago ito tumayo at iwanan siya. What was that? Naitanong nalang niya sa sarili niya. Bakit ang weird ng mga tao sa paligid niya ngayon, lahat umaaktong kakaiba sa hindi niya malaman na dahilan. Naguluhan lang siya sa lahat, magulo na nga ang isip niya ngayon, mas pinagulo pa ni Quinzel ang lahat. Anong gustong iparating nito sa kanya sa mga sinabi nito. Tungkol ba ito kay King? Sa relasyon nilang dalawa? Pero ano naman ang kinalaman ni Quinzel sa relasyon nila, wala naman itong alam sa kanila. Kakakilala pa lang niya dito, kung makapagbigay ito ng advise sa kala mo naman napakatagal na nilang magkakilalang dalawa. Biglang nahiling niya na sana kasama niya ngayon si Blaire, para may mapagtanungan siya. Tatlong araw na kasi itong hindi pumapasok at hindi niya makontak ang kaibigan.  .................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD