4

1817 Words
NASA PROBINSYA pala ngayon si Blaire, nasa kakambal nito. Ngayon lang niya nalaman na may problema pala ang pamilya nila Blaire dahil sa kapilyuhan ng kuya nito. Lahat sila damay, kaya pala balisa ang kaibigan niya nitong mga nakaraang araw. Kilala pa naman niya itong spoiled brat gaya niya. na lahat ng gusto nakukuha, sa ayaw man o sa gusto ng mga magulang nito. Napansin din niya na hindi na din siya masyadong pinupuntahan ng nobyo niya sa opisina niya. naiinip na tuloy siya sa buhay niya, dumalang din kasi ang mga client nila. Wala siyang ginawa sa buong maghapon na iyon, pauwi na siya ng makatanggap siya ng tawag mula sa kapatid ni King. "Ate Eunice"bungad nito agad sa kanya. "Ano iyon Kristal?"takang tanong niya sa kausap. Nakarinig siya ng ilang buntonghininga sa kabilang linya, hindi lang mula sa kausap niya. mukhang kasama din nito ngayon ang kakambal nito. "Kristal may problema ba?"tanong niya dito. "I hate to tell you ate Eunice, kaso lang alam kong ikaw lang makakatulong samin ngayon"alanganin nitong sagot sa tanong niya. Mukhang alam na niya ang patutunguhan ng usapan nila ngayon. "Hindi na naman ninyo makita ang kuya Duke niyo?" Buntong hininga na naman ang sagot nito sa kanya, matagal na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. "Ate, sorry ha ikaw lang talaga malalapitan namin. Moomy is so depressed as of the moment. Kasi naman si Kuya Duke ilang araw ng hindi nakakausap ni mommy, hindi naumuuwi dito o kahit man lang tumawag samin. Kuya King doesn't bother about the disappearing act of kuya Duke."mukhang inagaw na ni Jewel ang cellphone mula sa kakambal nito. "Okay, I'll go find your kuya"sagot nalang niya sa mga ito. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng kambal, ibinaba na niya ang tawag at nagmadaling nagtungo sa kanyang sasakyan. Habang naglalakad siya sinimulan na din niyang itrack ang cellphone ni Duke. Nakita niyang gumagalaw ito kaya ito ang susundan niya ngayon. "Hello, love" "Yes, Eunice something wrong?"tanong naman sa kanya ni King. Napataas pa ang kilay niya sa tanong sa kanya ng nobyo, ngayon nalang sila nagkausap na dalawa. siguro may tatlong araw na silang hindi nagkakausap na dalawa tapos ganito pa ang ibubungad nito sa kanya na tanong. "Wala naman, pero papasama sana ako sayo na hanapin si Duke"sagot niya. Narinig niyang bumuntong hininga ito bilang sagot sa kanya. "I'm kinda busy right now. You better go home, don't bother about Duke ako na bahala sa kapatid ko"sagot naman nito sa kanya. "But--" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya ng tapusin na nito ang tawag niya. mas napataas tuloy ang kilay niya sa naging asal ng binata sa kanya. para tuloy mas gusto niyang hanapin ngayon ang nobyo kaysa sa kakambal nito. But the end, sinusundan na niya ang kakambal ni King. Huminto ito sa isang liblib na lugar. Napataas na naman ang kilay niya dahil wala naman makikitang kahit na anong establishment sa lugar na iyon. Binilisan na niya ang pagpapatakbo para maabutan pa niya ang binata sa kung nasaan ito. Hindi na siya nabigla ng makitang isang race track ang bubungad sa kanya. Alam na niya ito noon pa na nahihilig sa karera si Duke, ang negosyo nga nito ngayon ay tungkol sa mga parts ng sasakyan at mga mamahaling sasakyan na pangkarera. Malayo sa negosyo ng pamilya ng mga ito na mga chained hotel, resorts at real property. Si King ang namamahala ng negosyo ng mga magulang ng mga ito ngayon dahil may sariling buhay nga daw si Duke. Pagbaba niya agad niyang hinagilap si Duke, pero sa dami ng taong naroon hindi niya agad makita ang binata. "Hey Eunice, what are you doing here?"tanong ng isang lalaki mula sa likuran niya. Nang lingunin niya nakita niya si Alex, ang matalik na kaibigan ni Duke mula pa noong nasa junior school sila Duke at King. "I'm looking for Duke" Napakamot naman sa batok ang binata sabay nguso nito sa isang dereksiyon. Nang sundan niya ang inginuso nito doon lang niya nakita ang hinahanap. Napakunot noo siya sa nakitang ayos ng lalaki. napapaligiran ito ng mga babae, mga babae talaga. Kasi naman lima yata ang kasama nitong babae ngayon, lahat mga naka sexy outfit na halos wala ng itago sa katawan. Hindi naman sana niya pag-iisipan ng masama ang lalaki ang kaso lang sa dalawang akbay nito palitan itong nakikipaghalikan sa mga babae. "DUKE!"sigaw niya dito. Tinignan lang siya nito nan aka-poker face, bago muling balingan ang mga kaakbay na mga babae at muling nakipaghalikan. Mabibigat ang mga paa na nilapitan niya ang lalaki. isa isa niyang tinaboy ang mga babaeng nasa paligid nito. "What are you doing?"sermon niya dito. Hindi siya nito sinagot at iniwanan na siya, sumakay na ito sa sasakyan nito at iniwanan nalang siyang nakatanga doon. "His drunk, kaya hindi makausap ng matino"nakasunod pala sa kanya si Alex. Sinamaan lang niya ito ng tingin sabay talikod at takbo papuntang sasakyan niya para sundan ulit si Duke. Pero dahil car racer si Duke at mabilis ang sasakyan nito hindi talaga niya naabutan ito. nakita nalang niya sa tracking device niya na nasa condo na nito ang binata. Nagmamadali niyang sinundan ang binata doon, alam naman niya ang code ng pinto nito. at madalas naman niya itong gawin noon kaya madali nalang niyang magagawa ang sermunan ito ngayon. Pero ganon nalang ang gulat niya sa nadatnan niya. "Eunice"nakangiting bungad sa kanya ng babae. Nakaputing longsleeve polo na halatang kay Duke ang gamit nitong damit. Na obvious din na wala na itong ibang suot maliban doon. nakamessy bun din ang buhok nito na halatang kanina pa ito sa loob at mukhang at home na at home na ito doon. "Bakit nandito ka sa condo ni Duke?"wala sa loob na tanong niya sa kaharap. Tinawanan naman siya nito na malakas, bago siya tinignan mula ulo hanggang paa. Para nahiya naman siyang bigla sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. "Bakit nga ba ako nandito? I think its my BOYFRIEND'S unit. Am I not invited here?"balik tanong nito sa kanya na binigyang diin ang salitang 'boyfriend'. Doon parang natauhan naman siya sa sinabi nito sa kanya. "Hey, b***h come here!" Napatingin siya sa kuwarto ni Duke kung saan nakasilip doon ang lalaki. nakahubad na ito at tanging boxer nalang ang suot nito. "Coming Dickhead"nakatitig sa kanya ang babae habang nagsasalita. Gusto niyang umalis doon, pero para siyang naitulos sa kinatatayuan niya. ayaw kumilos ang mga paa niya, hindi niya magawang humakbang. Lalo nan g lumapit si Duke sa kanila at akbayan nito si Quizel sa harapan niya. "What are you doing here? Hanggang ngayon pa din ba ugali mo pa din na sundan ako."nakakunot noo si Duke habang nagsasalita ito. "I--" "Go out, get lost okay."taboy sa kanya ni Duke. "You don't have to follow me like a sniffing dog following her master. Now leave us alone"dagdag pa nito sa kanya bago nito hinila papasok sa loob ng kwarto ang nobya nito. NAKATULALA siya sa manibela ng sasakyan niya. hindi niya alam kung paano siya narating sa sasakyan niya. Basta nasa loob na siya ng sasakyan, nakatulala. Hindi siya makapaniwala sa ginawang pagtataboy sa kanya ni Duke. Ngayon lang niya naranasan ang bagay na iyon mula kay Duke. Matagal na niyang ginagawa na sundan o sunduin ito, pero ni minsan hindi siya itinaboy ng ganoon ni Duke. Oo nga at itinataboy siya nito noon pero hindi naman sa ganitong kaharsh na paraan na pagtataboy. Harap harapan ang pagtataboy nito sa kanya, ipinahiya siya nito sa harapan ng nobya nito. Napasubsub siya sa manibela niya, maya-maya naiyak na siya sa hindi niya malaman na dahilan. Matagal siyang umiiyak, hindi niya na namalayan kung gaano na siya katagal na nakadukduk. Hindi pa sana siya kikilos kung hindi siya tinawagan ng meme niya. Pinapauwi na siya nito ngayon, kaya iyon nalang ang ginawa niya. pagdating niya sa bahay deretso nalang siya sa kwarto at nagkulong doon. Ilang araw siyang hindi naglalabas ng bahay nila, hindi naman siya pinansin ng mga magulang niya alam naman ng mga ito na minsan talaga nag-iinarte siya. Pero sa nagdaang mga araw hindi naman siya nag-inarte, masama talaga ang loob niya. at sa mga araw na iyon wala man lang dumamay sa kanya. dahil maski ang boyfriend niya wala din yatang pakialam sa kanya dahil hindi na talaga siya tinawagan man lang. Nang magpasya siyang lumabas na ng bahay sa opisina lang niya siya nagpunta. Doon naman siya nagkulong, nagpapabili nalang siya sa secretary niya ng kakainin niya. "What keeping you busy this past few day's?" Nagulat pa siya ng makita niyang nasa harapan na pala niya ngayon si King. Halos tatlong linggo din niyang hindi nakita ang boyfriend niya na ito. "King" Napatayo na siya at sinugod ito ng yakap, mahigpit naman siyang niyakap nito bilang tugon sa mahigpit ding yakap niya. "I miss you so much, love"umiiyak na pala siya habang nakayakap dito. "I'm sorry, naging busy lang talaga ako nitong mga nakaraang araw. But I'm back now"bulong sa kanya nito. Mas napahagulgol na siya ng tuluyan, feeling niya kasi nitong mga nakaraang araw nag-iisa siya. Wala siya makausap, nahihiya naman kasi siya sa mga magulang niya. wala naman ang kaibigan niyang si Blaire, dahil sa lahat ng magkakaibigan ito lang ang pinakaclose niya. Ayaw naman niyang lumapit sa kambal na sila Kristal at Jewel. Kasi ang problema niya ay ang kuya ng mga ito, awkward naman yata diba. Tapos itong boyfriend niya wala naman sa tabi niya, hindi niya alam kung nasaan ito ng mga nakaraang araw. "Hush now, okay I'm here"pag-aalo na naman sa kanya nito. Mas niyakap niya ito ng mahigpit muli. Ganoon lang ang sitwasyon nilang dalawa hanggang sa humupa na ang sama ng loob niya. nang kaya na niya, ikinuwento niya ang nangyari kung bakit siya umiiyak ng ganoon. Open naman kasi siya kay King, para na din kasi niyang kuya an gang boyfriend niya dahil nga malaki din ang agwat ng edad nilang dalawa. 6 years. "I'll talk to Duke, now don't bother again about my brother okay. Hayaan mo na kasi siya, matanda na iyon"sabi nalang nito matapos ang kwento niya dito. Tinanguan lang niya ito bilang sagot at muling yumakap siya sa binata. "I'll make it up to you, let's have a date"masayang paanyaya nito sa kanya. Gumaan na ang pakiramdam niya, na para bang bumalik na sila sa dati. "Dapat lang, I feel neglected girlfriend for almost a month now"nakataas ang kilay na sagot niya dito pero nakangiti naman silang parehas. "Ow! I'm sorry, busy lang naman kasi ang boyfriend mo sa pagpapayaman para makapagpatayo ako ng kastilyo ng reyna ko"biro nito sa kanya. Natigilan naman siyang bigla sa sinabi nito sa kanya. Is King asking her for marriage indirectly? Para tuloy siyang hihimatayin sa kilig ng mga oras na ito. pero hindi nalang niya pinahalata, hihintayin nalang niya kung kailan siya aayain nito ng kasal. ..........................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD