2

1604 Words
"ANG AGA-AGA nakakunot na ang noo mo"sita sa kanya ni Blaire. Nasa loob sila ngayon ng opisina nila, magkasosyo sila ng kaibigan niya sa negosyo nilang interior designing ang theme. Parehas kasi siyang mahilig magkuting-ting ng mga gamit sa bahay at iayos iyon simula pa noong bata siya. Well sa side niya she's fond in big houses, with a castle like houses. Bata pa lang siya iyon na ang pangarap niya. She still remember she asked her dada to build a castle for her. Pero sabi nga ng dada niya someday hahanap siya ng Prince niya na gagawin siyang princess and soon be a King and Queen of her own castle. Dala niya iyon hanggang sa pagtanda niya. "Si Duke kasi..."para siyang batang paslit na nagsusumbong sa kanyang ina. Malalim namang napabuntong hininga ang kaibigan niya bago ito parang napapagod na tumingin sa kanya. Kilala na siya nito dahil since feeding bottle day's pa sila magkasama. Like Duke and King's parents, Blaire's parents are also best of friends of her parents. Kaya close siya dito since she didn't know. Sa murang edad nito nakisosyo na ito sa kanya, actually siya pa lang ang graduate sa kanilang dalawa because Blaire is only 18 years old. Pero exceptional na ang talent nito sa pag-aayos ng mga bagay-bagay. "Ano na naman ang ginawa sayo ni Kuya Duke?"tanong nito sa kanya. Nanghahaba ang nguso na tinignan niya ang kaibigan na busy na naman sa pag-aayos ng mga gamit nito sa table nito. Mayroon kasi silang bagong client na napademanding sobra. At ito ang nag-aayos ng mga kailangan ng client nila na iyon. "He's so gross...lantaran na ang pangbababae niya"gigigil na sagot niya sa kaibigan. Ibinaba naman nito ang hawak na sketch pad na hawak at napatingin sa kanya. "You know what sis, kung hindi pa kita kilala at hindi ko alam na si Kuya King ang boyfriend mo, iisipin kong you're a crazy jealous girlfriend towards kuya Duke"anito sa kanya. Inirapan naman niya ito at inabot ang ginagawa nito at tinignan ang mga drawings nito. Napataas ang kilay niya sa mga combination ng kulay na nakikita niya sa sketch pad nito ngayon. "Yuck, sino ba naman ang gustong tumira sa kulay gold with orange combination"maarteng sita niya sa nakikita niyang kulay. "It's our client's request"pinanlakihan lang siya nito ng mata bago inagaw sa kanya ang sketch pad na hawak niya. "But, back to what I told you. Stop meddling Kuya Duke's life will you. Focus on kuya King, as his girlfriend. Mas concern ka pa kasi sa kambal ng jowa mo"pagbabalik nito sa usapan nila. Inirapan niya ito bago siya bumalik sa table niya at abalahin ang sarili niya. "My boyfriend is a good boy, hindi ko na kailangan pang problemahin si King because I know wala siyang gagawing hindi ko magugustuhan. Kaya lang naman ako concern dyan sa magaling mong pinsan is because someday I will be his sister-in-law"paliwanag niya. She heard Blaire small chuckle's, napailing nalang siya ng lingunin niya itong nakangisi sa kanya. "You know what, kunwari naniniwala nalang ako"sabi pa nito bago siya nito talikuran at magbusy-busy'han na naman ang loka. Siya naman ay inirapan nalang ito. Why people around her doesn't believe on what she's saying. Concern lang naman talaga siya kay Duke, kasi sa tanda ba naman nito nagrerebelde pa ito sa hindi nila malaman na dahilan. Naaawa lang naman siya sa mga magulang ng mga ito. Well they can say whatever they want to say...bahala sila sa buhay nila. Inabala nalang niya ang sarili niya, madami pa siyang kailangan na tapusin. Hindi na niya kailangan na pagtuunan pa ng pansin ang kakambal ng nobyo niya. NASA BAHAY siya ngayon ng parents ni King at kasalukuyan niyang pinapakalma ang mother ng kanyang boyfriend. Nasangkot kasi sa isang gulo ang magaling nitong anak at heto inaasikaso na ng ama nito at kapatid ang gulong kinasangkutan. Nasa prisinto ito ngayon at kasalukuyan na nakakulong sa salang pambubugbog, kasama ang mga kabarkada nito. "How did my little boy end up like this"may bahid ng hinanakit na turan ng ginang. Tita Issay is a very loving mother, lahat ng mga anak nito kahit na anim silang lahat alam niyang mahal na mahal nito ang mga anak na pantay pantay. Nakita niya ang lahat ng iyon simula pa noon mga bata sila. Kung paano nito asikasuhin ang mga anak maging ang asawa nitong si Tito Malik with all her heart. "Tita, I know Duke has a reason why he's doing all of this"pag-aalo niya. Malalim na bumuntong hininga lang ang ginang at pinakatitigan siya nito. "I know that too, Eunice. Kilala ko ang mga anak ko, kahit hindi magsalita ang mga iyan. Kahit magtinginan lang ang mga iyan alam ko kung anong ibig nilang iparating. Ang hindi ko lang maintindihan, nagkulang ba ako sa pagpapaalala sa kanila ng magandang asal kaya nagkakaganito ang anak ko. Duke is a very loving child, sa kanilang lahat siya ang pinakamalambing at mapagmahal. I don't know what happened to my son, Eunice."paliwanag nito sa kanya sa malungkot na boses. Doon naman dumating ang asawa nitong si Tito Malik at ang nobyo niyang si King. Pero lumipas na ang ilang sandali, nakapasok na ang lahat pero walang kasunod ang mga ito. "Where's Duke?"hindi natiis na tanong ni Tita Issay sa mag-ama. Malalim na buntong hininga at iling lang ang naisagot ng asawa nito. Inakay na ni Tito Malik ang asawa paakyat sa kwarto ng mga ito. Marahil doon nalang pag-uusapan ng mag-asawa ang mga nangyari. Samantala naman siya ay nilapitan ang nobyo at nagtatanong ang mga titig niya habang nakatingin dito. "Duke, wasn't there when we arrive. Ang sabi may nagbail na sa kanya at hayun nakalabas ng hindi na namin inabutan."paliwanag nito sa kanya. Naiinis na inilabas niya ang kanyang cellphone at nagsimula ng magtipa ng agawin iyon sa kanyang mga kamay ni King. "Stop, tracking Duke. Mas lalo siyang nagrerebelde kapag sinusundan mo siya"mahinahon ang pagsasalita nito. Sinimangutan naman niya ang nobyo bago niya inabot ang cellphone niya dito. "I'm not tracking him. I will just text him na nag-aalala sa kanya si Tita Issay. That's all"naiinis niyang sagot sa nobyo niya. Nagkibit balikat naman ang binata sa kanya bago siya nito hinapit palapit dito at niyakap siya ng mahigpit. "Thanks for caring about my family, love"bulong nito sa kanya. Napangiti naman siya dito at ginantihan ng yakap ang nobyo. "Of course I care about them, magiging isang pamilya naman tayo pagdating ng araw"malambing na niyang sagot dito. Humiwalay sa kanya si King at akmang hahalikan siya nito. Bigla siyang nakadama ng excitement sa katawan ng maramdaman niyang pababa na ang mukha nito sa kanya. Ura-uradang naipikit niya ang kanyang mata. This will be their first true kiss sa lips kapag nagkataon. Ang huli tanda kasi niya na naglapat ang kanilang mga labi noong mga bata pa sila. If she's not mistaken, she's only six that time, and King is 13 years old when their first kiss happened. Mula ng pormal na maging boyfriend niya ito palaging sa kamay at sa pisngi lang siya nito hinahalikan. Kaya naman bigla siyang nakaramdam ng excitement sa katawan. Pero lahat ng excitement sa katawan niya nawala ng maramdamang sa pisngi na naman niya dumako ang labi nito. Dismayadong napamulat siya ng mata niya habang nakalapat pa ang labi ni King sa kanyang pisngi. Tsk super gentleman talaga ng Love ko. Pipi niyang reklamo. "Ehem!"exaggerated na may tumikhim sa likuran niya. Nang lingunin niya ito nakita niya si Duke na madilim ang mukhang nakatitig sa kanila ng kakambal nito. "Kung maghahalikan kayo doon kayo sa loob ng kwarto mo King. Hindi dito, have respect to our parent's house will you"sita nito sa kakambal nito. Bigla naman siyang pinamulahan ng pisngi. Alam niya ang tumatakbo sa isip ni Duke ng mga sandaling iyon. kasi naman nakatalikod siya sa main door, kaya kung mula doon aakalain talaga ng mga taong bagong dating na naghahalikan sila ni King. Hindi kasi pansin kung saan ba talaga siya hinalikan ng nobyo niya. "What's not decent in what we're doing? She's my girlfriend Duke, baka nakakalimutan mo. I can kissed her where ever place I pleased to kiss her."nakangising sagot ni King. "Tsk!"iyon nalang ang nasagot naman ni Duke. Nagdadabog itong nilagpasan silang dalawa, kita sa mukha nito ang galit. But hindi iyon ang ipinagtataka niya, kundi ang kakaibang ngisi ni King habang nakikipag-usap ito sa kapatid nito kanina lang. Para ba kasing natutuwa itong nahuli silang dalawa na naghahalikan ng kapatid nito. Na kung titignan ito ngayon, kala mo nakajockpot na ang loko sa lotto. "Still jealous Duke"hindi nakaligtas sa pandinig niya ang sinabi nito. Although mukhang walang balak na iparinig sa kanya iyon ni King, sapat na ang hina ng boses nito para marinig niya ang binulong nito. Tsaka hello, she's just inch away to her boyfriend. Malamang maririnig pa talaga niya ang binulong nito. "Love, ihahatid na kita. It's late already"bulong sa kanya ni King. Lalo siyang nagtaka ng makitang naging mas malambing sa kanya ang nobyo niya. Kung titignan kasi sila ngayon kala mo hinahalikan na naman siya ni King habang nakaakbay ito sa kanya. Napansin din niyang nakatitig ang nobyo siya sa itaas ng bahagi ng bahay ng mga ito habang nagsasalita. Nang sundan niya ang tinitignan nito nakita niya si Duke na masamang nakatitig sa kanilang dalawa habang nasa ikalawang palapag ng bahay ng mga ito. Mas lalo ang pagtataka niya ng padabog na pumasok ng kwarto si Duke kasabay ng paghalak-hak ni King. "Let's go"tumatawa pa ding yakag sa kanya ni King. Nagkibit balikat nalang siya dito, at nagpatianod sa gusto nitong mangyari.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD