CHAPTER THIRTY-NINE

1720 Words

NATIGILAN SI ALANI nang makita kung sino ang pumapasok sa opisina ni Ezekiel. Walang iba kundi ang Vice Mayor na si Cristina Perez. Sopistikada ang dating nito kahit pa suot ang uniform nito. Kahit nang eleksiyon ay hindi niya binoto ang babae. Tulad ni Ezekiel ay galing din ang pamilya nito sa kilalang mga politika. Hindi kasi kaila sa kanya na masama ang ugali ni Cristina. Sa kabilang department ay ito palagi ang laman ng tsismis. Tumayo siya at binati ang babae. “Good morning, wala po ngayon si Mayor,” nakangiti niyang wika sa babae. Tiningnan siya ng babae. Pinagmasdan siya nitong maiigi at napangiwi. “Hindi si Ezekiel ang kailangan ko. Alani, right?” tanong pa nito sa kanya kaya tumango siya. Hindi niya maintindihan kung bakit kinabahan siya sa mga titig nito. Kung hindi si Ez

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD