Chapter 19

1377 Words
HALOS mapunit na ang kanyang labi sa kakangiti dahil nitong mga nakaraan araw ay todo talaga ang panunuyo ni King sa kaniya. Itunuring talaga siya nitong reyna, araw-araw itong nagpapadala ng sulat na mayroon mga pulang rosas na labis niyang kinatuwa. Pakiramdam niya'y siya na ang pinaka-swerteng babae sa buong mundo. Ngunit lahat ng kaligayahan ay may kapalit na kalungkutan, pagdating ng hapon ng araw na iyon may isang balita ang dumating na naging sanhi para gumuho an ganiyang pangarap. "Reyna ko, hindi ka maniniwala sa ibabalita ko," bukad ni King sa kaniya pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan ay niyakap siya kaagad ng lalaki. "Ano iyon?" malumanay na tanong niya. "Nagpadala ng mensahe sa akin si May, pumayag na raw siyang maging donor si Miguel ni Kian," masayang balita nito. Bigla naman nawala ang ngiti sa labi niya, mukhang totoo ang sinabi sa kanya ng babae nag-usap sila noong isang araw, 'di nga niya alam kung saan nakuha ng babae ang landline niya. Naalala niya ang sinabi nito or tamang sabihin ang banta nito sa kanya nang nakipagkita siya rito. "Alam kong nagkakabutihan na kayo ni King at gano'n din ang anak ko, at alam ko din mahihirapan akong pumasok uli sa buhay ng mag-ama ko kung nariyan ka nakabuntot, nakikipag-usap ako ngayon sa iyo na layuan mo sila," anito sabay tingin ng deritso sa mata niya. Tahimik na sinulubong niya ang talim ng titig ng babae at buong tapang na sumagot, "Sa pagkakaalam ko wala kanang karapatan pa kay King man o kay Kian. Matapos ng ginawa mo sa kanila, ngayon babalik ka na parang walang nangyari. Hindi sila tuta na 'pag nagsawa ka ay iiwan mo at kapag namiss mo babalikan mo, higit sa lahat, I'm not one of your employee na kung makautos ka parang pinapaswelduhan mo ako, may sarili akong isip at kaya ko magdesisyun para sarili ko." Tumawa lang ang bruha. "Palaban ka na ngayon ah! Baka nakakalimutan mong ako at ang anak ko si Miguel ang mas kailagan ng mag-ama ko ngayon," mala demonyong hirit nito. Bigla naman siyang natahimik tama ito mas kailagan ang mga ito, may pumapasok na isip niyang plano ng babaing alisin siya sa buhay ng mag-ama. "So? Ano lalayo ka ba or kami ni Miguel ang lalayo at mawawala si Kian Kay King at 'pag nangyari 'yun, panigurado ma-d-depress ito at makakalimutan ka niya." Saglit na tahimik siya, kahit kinakabahan ay 'di niya pinahalata. "Paano mo nakakayang gamitin ang karamdaman ng anak mo parang makuha lang ang gusto mo? Anong klase kang ina!!!" medyo tumaas boses na giit niya. Ngumisi lang ito. "Isipin mo kung ano gusto mong isipin, ano na? Lalayo ka or kami ang lalayo?" nakataas kilay na tanong nito. Hindi alam ni Mary kung ano ang pipiliin niya basta alam niya mas importante ang kalusugan ni Kian, dahil ‘di niya makakayang unti-unti itong pinapatay ng sakit, ayaw niya mawala ang sigla at ang ngiti sa labi nito tuwing binabati siya kahit sa kunting panahon niya lang nakasama ang bata mahal na niya ito. Saka mas mabuti nang siya ang magsakripisyo ‘wag lang ang mag-ama masyado niyang mahal ang mga ito. Naiiyak na tumayo siya pero pinigilan siya ni May. "Hindi ako nagbibiro, Mary. Kapag ‘di ka lumayo, alam muna, 'wag mo akong susubukan bibigyan kita ng kunting araw makasama pa sila at 'wag ka magkakamaling magsumbong kay King intindihan mo?" Wala sa sariling tumango siya, gustuhin man niyang ayawan ito ay hindi niya magagawa, buhay ni Kian ang nakataya. Kahit pa para siyang mamatay sa isipang lalayo siya sa mag-ama na siyang naging dahilan na ng kaniyang kasiglahan. "Reyna ko, ayos ka lang ba? Ba't ka namumutla at tila naiiyak?" Napabalik siya sa kaniyang katinuan ng marinig niya ang nag-alalang boses ni King. Huminga siya ng malalim at ngitian ang lalaki. "Wala iyon, masaya lang ako sa narinig ko kaya't naiiyak ako," pagsisinungaling niya. Minasdan muna siya ng lalaki bago siya nito niyakap. "Masaya rin ako, alam mo bang ikaw agad ang pumasok sa isip ko nang marinig ko ang magandang balita, gusto ko kasing maging parte ka ng bawat pasya ko at pangyayari sa akin buhay at kay Kian." Mas lalo lang tuloy siya naiyak sa narinig, hindi niya mabatid kung makakaya niya ba iwasan ang mag-ama o hindi pero kailangan niyang subukan. Hindi kakayanin ng kaniyang loob na mapahamak si Kian dahil ang pansarili niyang kaligayahan ang kaniyang pipiliin. Kumalas siya sa lalaki at yumuko, humugot siya ng lakas sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. "King..." "Yes, aking reyna?" "Mas makakabuti siguro kong huwag na muna tayo magkita—" "Ano ang ibig mong sabihin?" Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi. "Ang ibig kong sabihin ay iwasan mo na nating magsama habang hindi pa natatapos ang operasyon ni Kian—" "Hindi maari! Bakit naman tayo lalayo sa isa't-isa? Wala namang masama kung magsama tayo at kailangan ka ni Kian, kailangan kita. Kailangan ka namin—” Napapikit siya sa uri ng boses na ginamit ng lalaki. "Mabuti pa'y magpahinga na muna tayo, saka na lang ulit tayo mag-uusap kapag hindi na ako nahihilo..." "Kung gano'n ay hindi maayos ang pakiramdam mo?" Tumango siya bilang sagot. Akmang hahawakan siya sana ng lalaki pero umatras siya, at hindi ito tinignan pa muli kaagad lang siya tumalikod sabay sabing, "Magpapahinga na muna ako, mag-iingat ka sa pag-uwi." Narinig niyang napabuntonghininga ang lalaki pero hindi ito ng komento pa, ilang saglit pa'y narinig niyang papalayo na ang yapak nito saka lang siya ng angat ng kaniyang ulo, kasabay noon ay ang pag-agos ng luha sa kaniyang mga mata. *** TATLONG araw na ang nakalipas matapos nilang mag-usap ni King, kada araw pakiramdam niya'y mas bumigat ang loob niya. Miss na miss na niya ang mag ama ngunit wala man lang siya magagawa para makita ang mga ito sa takot niyang totohanin ni May ang banta nito. Gusto niya sanang tawagan si King upang humingi ng tawad dahil sa ganiyang inasal ng huli nilang pagkikita dahil mukhang diramdam iyon ng lalaki at hindi ito nag paramdam sa kaniya. Ito na ba ang katapusan niya? Mawawala na ba talaga sa kaniya ang dalawang mahalagang tao sa kaniyang buhay? Nilamos niya ang ganiyang kamay sa kaniyang mukha, ilang saglit pa'y napatalon siya sa gulat ng tumunog ang ganiyang cellphone. Nang makita niya ang pangalan ni King ay napuno ng tuwa at pangulila ang ganiyang puso. "King, I'm sorry sa sinabi ko—" "Mary, may sasabihin sana ako," putol ng lalaki sasabihin niya. Binalot ng kaba ang kaniyang puso ng marinig niya ang tono ng lalaki. "Ano iyon?" halos hindi na humingang tanong niya. "Lilipat kami bukas sa bahay ni May..." "D-dahil?" tanong niya. Narinig niyang bumuntong hininga ang lalaki sa kabilang linya. "Pansamantala lang naman kami roon dahil kailangan malapit sa hospital ang tutuluyan ni Kian habang inaayos pa ang mga kailangan sa gaganaping operasyon." "Gano'n ba?" Natahimik ang kabilang linya habang siya'y parang hihimatayin na sa sakit na nadadarama niya dahil tila kinukutsilyo ang ganiyang dibdib. "Pumayag lang ako tumira kami roon para sa ikakabuti ni Kian at wala ng iba pa sana'y huwag ka mag-isip na makikipagbalikan pa ako sa kaniya. Alam kong nahihirapan ka, hindi mo man sinasabi pero ramdam ko, aking reyna. Ipanatag mo ang loob mo, sa iyo lang ako, at mananatiling gano'n kaya't hintayin mo ang pagbabalik namin, ngunit kung iisipin pwede ka naman dumalaw rito o gusto mong kami na lang ni Kian pumunta diyan—" "Huwag, King," maagap na pigil niya na kaagad niya din pinagsisihan dahil natahimik ang sa kabilang linya. "King... hindi sa ayaw ko kayong makita o makasama ano kasi—" "Nandito si Kian gusto ka niya maka-usap," pag-iiba nito ng usapan kaya't mas lalo siyang nalungkot. "King, teka, mahal na mahal kita, tandan mo iyan," pabulong ngunit punong-puno ng emosyon na pahayag niya. Akala niya'y hindi nasasagot ang lalaki dahil nawalang imik ito pero... "Mahal na mahal din kita, tandan mo din sana iyan." Nang maibigay na ni King kay Kian ang cellphone ay nawala ang lungkot nadama niya at nawala din ang pananabik sapagkat nagawa siyang aliwin ng bata at sa narinig niyang pinahayag ni King ay sapat na para mapanatag siya kahit papaano. … Binibining Mary
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD