Chapter 11

1588 Words
ALANIS' POV Mabuti na lang at sabado ngayon kaya wala muna akong makikitang Julian o Russel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyari sa akin. Ang paglipat namin sa Maynila, ang pagpasok ko sa YGA, na nakilala ko ang bagong kaibigan ko na si Marinel, ang paghahalikan namin ni Russel, ang pagkagalit sa akin ni Uste at ang pangba-blackmail sa akin ni Julian para lang hindi niya ikalat ang video. Halos isang linggo pa lang ako dito sa Maynila pero ang dami nang nangyari. Namimiss ko na tuloy ang mga kaibigan ko sa probinsya hays. "Mall tayo?" Pagyaya sa akin ni kuya Travis habang naglalaro kami ng chess sa sala. Kaming dalawa lang ang nandito sa bahay dahil nasa trabaho si papa habang si mama naman ay may pinuntahang kakilala niya dito sa Maynila. "Eh? Bago lang tayo dito sa Maynila, kuya at hindi pa natin alam ang mga pasyalan at puntahan dito. Paano 'yon?" Tanong ko at pumahalumbaba. "I read a book yesterday about Manila's destinations, ways and tours. I already memorized it so don't need to worry." sabi niya at kaagad nang niligpit ang pinaglalaruan naming chess. Hindi na ako nagulat sa sinabi ni kuya Travis. Mabilis siyang makamemorize ng isang bagay and he's too smart kaya hindi na nakakapagtakang alam na niya ang pwedeng mga mapuntahang pasyalan at daan dito sa Maynila. "Okay. I'll change my clothes lang." Sabi ko at tumayo na. "Make it faster dahil ang bagal mo pa namang kumilos," Natatawa niyang sabi. "Hmp. Oo na, 'wag mo na akong asarin!" Inirapan ko naman ito ng pabiro na ikinatawa na naman niya. *** "Wow! Their malls are way too larger than malls in Masbate, kuya." sabi ko kay Kuya Travis habang nililibot namin ang buong SM Mall. "What do you expect my little sis? This is Metro Manila, a commercial city and the national town of fashion and technology." sabi niya. "Oh! Crap that terms, kuya. Nasa mall tayo at wala sa school." Umirap ako ng pabiro. Natawa lang ito sa sinabi ko. Hinila ko naman siya papuntang Timezone. Pagkapasok namin sa loob ay pinagtitinginan kami. That stares again sa tuwing nasa mga public places kami na para bang may mga nakakahawa kaming sakit. "Mga artista ba 'yang dalawa? Ang ganda at ang gwapo, no?" Narinig kong sabi ng isang babae na nasa mid 30's na ang edad. "Oo nga, Leng. Magkapatid siguro dahil magkamukha. Mukha pang mga mayayaman." Sabi naman ng kasama nito. "I think this is not a good idea na pumunta tayo rito." Bulong ni Kuya Travis sa akin. "Don't mind them na lang, kuya. Tara at bumili muna tayo ng token!" Pumunta naman kami kaagad sa cashier para bumili ng token. Mukhang na starstruck pa yata si ateng cashier kay kuya Travis dahil natulala siya nang makita ang kuya ko. Natawa na lang ako habang si kuya naman ay nasungitan si ateng. Sorry but my brother hates when somebody stares at him. Kaagad kaming dumiretso sa shoot that ball at paramihan ng masho-shoot na bola. Nagpustahan kami na ang matatalo ay manlilibre ng ice cream. Si kuya ay ayaw ng basketball hindi katulad ni papa pero masasabi ko naman na marunong siya nun. Marunong rin naman ako dahil tinuturuan ako ni papa noong nandoon pa kami sa Masbate. "Ihanda mo na ang pera mo, lil sis dahil matatalo na kita." Mayabang na sabi nito habang ready na kami magshoot ng bola. "Let's see, Travis." Mapanghamon kong sabi hanggang sa nag-umpisa na kaming maglaro. Sheez! Ang galing magshoot ng bola ni kuya. Kung sineseryoso niya nga lang ang basketball at favorite sport niya ito ay malamang at Varsity Player na siya sa school namin sa Masbate kaso mas active siya sa mental sports kaya walang pag-asa na maging isang basketball player siya. 105-107 na ang score namin at lamang siya ng 2pts. 6 seconds na lang ang clock time at itinira ko na ang last ball ko. 3.. 2.. 1.. Shoot! Napatalon ako sa tuwa dahil natalo ko si kuya Travis. 108-107 ang score namin. Napapailing na lang ito habang kinukuha ang ticket na naipon namin sa slot machine. "Matatalo mo pala ako, huh? Ano ka ngayon? Manlibre ka na!" Nang-aasar kong sabi. Napangiti na lang si kuya Travis at nagkrus ito ng kamay. "Oo na, ikaw na ang panalo. Labas na tayo." Itinago na muna namin ang ticket na naipon namin para sa susunod raw na pagpunta namin ni kuya dito sa Timezone ay makaipon pa kami ng mas maraming tickets at maka claim ng mas magagandang prizes. Hinila na niya ako papalabas ng Timezone habang inaasar ko pa rin siya. Kuya Travis is so kind to me, ni minsan ay hindi niya ako inaway o pinagsalitaan ng masama. Lahat ng gusto ko ay suportado niya. Nagpaparaya siya palagi sa akin that's why I love him so much. Nang maka-order na kami ng ice cream sa isang food stall ay naglakad na kami papunta naman ng foodcourt pero habang naglalakad kami ay hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito sa mall. Si Russel. Nagkasalubong kami at nagulat ito nang makita ako. Bigla namang nagbago ito mula sa nakakatakot na aura niya nang makita niyang kasama ko si kuya Travis. May bitbit siyang plastic bags na National Bookstore ang tatak. Doon siguro siya nanggaling. Magsasalita na sana ako para kausapin siya nang nilagpasan niya lang ako na ikinasakit ng damdamin ko. Talagang galit pa rin siya sa akin. "Kilala mo 'yon?" Tanong ni kuya Travis sa akin. Tumango ako. "Bestfriend siya ni Uste." "Oh." Tanging sagot ni kuya. Sobra kong nasaktan si Russel pero wala akong magawa. I need to do this for him. Nawalan na rin ako ng gana pang magmall dahil sa insidente na nangyari kaya napagpasyahan na lang namin ni kuya na umuwi na. Pagkarating namin sa bahay ay nakita ko si Uste na nakaupo sa sala namin. Umakyat na si Kuya Travis sa kwarto niya at hindi pinansin si Uste. May alitan kasi si kuya at Uste na hindi ko alam. Ayaw naman nilang sabihin sa akin ang dahilan nang alitan nila. Alam rin nila mama at papa na may alitan sila pero katulad ko ay wala rin silang alam sa rason ng alitan nila. I hope na magkaayos na sila kung anuman iyon. Nilapitan ko si Uste at umupo sa tabi niya. "Nandito ka pala. I thought you are mad at me." sabi ko ng malungkot. Tinignan niya ako at hinawakan ang kamay ko. "Hindi ako naniniwalang gusto mo si Julian. May ibang rason pa bukod do'n kaya naging kayo. You can trust me, Alanis, please tell me the reason why you and Julian are now together." I can see the sincerity of his face. Siguro ito na ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang totoo. I trust Uste. I sighed before I speak. "Julian saw me and Russel kissing in the Gymnasium. He took a video of us kissing. Blinackmail niya ako na kapag hindi ako pumayag sa mga kondisyon niya ay ikakalat niya ang video sa buong YGA. Ayokong namang mangyari 'yon dahil masisira ang reputasyon ni Russel sa buong school kapag nakita ng mga estudyante ang video na 'yon. He is known being a Student School President at nirerespeto siya ng lahat ng estudyante ng YGA. Ayoko nang dahil sa akin ay masira siya." Uste look so shock dahil sa sinabi ko. "You and Russel already kissed? Pero bakit? Do you like him?" Natahimik ako pero tumango rin di kalaunan. Hindi naman ito makapaniwala base sa ekspresyon ng mukha niya. "You like my bestfriend." "Yes. I like him, Uste. I don't know kung paano nangyari 'yon basta he makes my heartbeats faster kapag nandyan siya. The electricity runs through my veins in our skin contact and this rollercoaster feeling kapag tinititigan niya ako sa mga mata ko. This is the first time that I like a guy at sa kanya pa. Sa bestfriend mo pa." I said. He nodded and smiled at me. "Dalaga ka na nga, Alanis." I pouted. Sumandal naman siya sa sofa. "You like Russel. Did he like you too?" "He said that he likes me, too." Tumango ulit ito at umiling. "That guy, hindi man lang nagkukwento sa akin na gusto ka pala niya. Kaya pala panay ang dikit niya sa akin sa tuwing kasama kita. Alam ko na ang dahilan." Uste smirked. "Galit siya sa akin. Ang akala niya ay pinaglaruan ko lang ang damdamin niya when I kissed him back. Kanina sa mall, nakasalubong namin siya ni kuya Travis pero hindi niya ako pinansin at nilagpasan lang. Masakit kasi hindi niya alam na para sa kanya ang ginagawa kong pagsama kay Julian." Malungkot kong sabi. "Then tell him the truth. Siguro naman ay may karapatan si Russel na malaman ang pampablackmail na ginagawa ni Julian sa'yo. Russel is understanding person. Nasaktan nga lang siguro siya sa ginawa mong desisyon pero maiintindihan ka niya at sigurado ako do'n. Malawak ang pang-unawa niya at ni minsan ay wala pang nakaaway o nakaalitan 'yon." Ganon ba talaga kabait si Russel? Na tipong wala pa siyang nakaalitan o nakaaway? Pero bakit sa nakikita ko ngayon base sa mga ekspresyon niya ay hindi? Paranoid lang siguro ako dahil may tampo siya sa akin. "Thank you, Uste. Sasabihin ko rin sa kanya ang totoo." "Don't be afraid, too. Akong bahala kay Julian, sisiguraduhin kong hindi niya makakalat 'yung video." I got confuse dahil sa sinabi niya. "Paano?" He just wink at me. "Basta.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD