RUSSEL'S POV
Pagkalabas ko nang mall ay padabog kong itinapon ang mga pinamili ko sa basurahan para sana sa experimental analysist ng Science Club namin sa YGA. Napakuyom ako ng kamao ko at sobrang nagdidilim ang paningin ko sa nakita ko kanina.
Sino 'yung lalakeng kasama ni Alanis? Boyfriend niya ba iyon? Hindi ba't sila na ni Julian?
Napasabunot ako sa buhok ko at napakuyom ng panga. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin, kinakain ako ng matinding pagseselos ko at alam ko na nakakasama na 'to.
Simula nang dumating si Alanis sa buhay ko ay natuto na akong magselos at magalit sa isang tao. Unti-unti na niya akong binabago.
"f*****g s**t!" Sigaw ko at napasabunot ulit sa buhok ko.
Para naman akong baliw na tinitignan ng mga tao sa labas ng mall kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Anong tinitingin-tingin niyo diyan?!" Sigaw ko sa kanila.
Natakot naman sila sa inasal ko at kaagad na nagsipag-alisan.
Kaagad naman akong umuwi sa apartment ko at umupo sa sofa sabay tanggal ng suot kong t-shirt. I'm leaving alone in this small house na ibinigay sa akin ni Don Fiñero para matirhan ko.
I celebrate my birthday, christmas and new year in this small house. Sanay na akong mag-isa dahil wala namang akong kamag-anak na pumupunta rito. Iniisip nila na isa lang akong sampid sa pamilya nila.
Wala naman akong pakialam doon dahil sarili ko na lang ang binubuhay ko. Ayoko naman na umasa na lang palagi kay Don Fiñero para sa ikakabuhay ko kaya naghanap ako ng trabaho at isa akong waiter ngayon sa isang restaurant tuwing gabi. Nakakapagod man na sa umaga ay nag-aaral ako at sa gabi ay nagtatrabaho pero wala naman akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko.
Binuksan ko ang cellphone ko at tinitigan ang mga litrato ni Alanis na kinuha ko mula sa f*******: account niya. Nagbukas ako ng account ko at pinuntahan ang profile niya.
Naka in a relationship na pala sila ni Julian na mas lalo pang nagpagalit sa kaloob-looban ko. Natapon ko ang cellphone ko at nahulog ito sa sahig kasabay ng matinding paghiyaw ko.
Ano bang nangyayari sa akin? Para na akong nababaliw sa lagay kong 'to. Kalmado lang akong tao pero binabalutan na ako ngayon ng masamang poot.
"What are you doing to me, Alanis?" bulong ko at hinawi ang buhok ko.
Kaagad akong nagpunta sa kusina at kumuha ng tubig sa ref saka ito ininom.
Kalma lang Russel, makakasama sa'yo ang matinding galit at baka kung ano pang magawa mo.
Nang naisip ko na naman ang lalakeng kasama ni Alanis kanina sa mall ay naihagis ko sa sahig ang hawak kong baso kaya nabasag ito. Napaupo ako sa sahig at hinawakan ng magkabilang kamay ko ang ulo ko.
"Mapapatay ko siya, mapapatay ko!" Mahinang bigkas ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Naaalala ko na naman ang hirap at sakit na dinanas ko simula nang inabuso ako noong bata pa lang ako. Walang araw na hindi ako sinasaktan ng tiyahin ko.
Ang pag-untog ng ulo ko sa pader, ang pagpalo sa akin gamit ang kahoy, pagsabunot sa buhok ko, pagpapakain sa akin ng kaning baboy, pagluhod ko sa bilao na may munggo, pangbubugbog at kung anu-ano pang pananakit na dapat hindi dinadanas ng isang musmos na bata.
Bakit ba walang nagmamahal sa akin? Ano bang nagawa ko sa mundong ito para pahirapan ako ng ganito? Bakit ako inabandona ng mga magulang ko? Ni minsan na kahit ganon ang trato nila sa akin ay hindi ako nagalit sa kanila pero ngayon naisip ko na hindi ko na sila kailangan pang isipin. Nabuhay at tinulungan ko ang sarili kong makabangon kaya dapat ay sarili ko na lang ang intindihin ko, kapakanan at pansariling kaligayahan ko na lamang ang ipaprioridad ko. Wala na rin akong pakialam kung may masasaktan akong ibang tao.
"Simula ngayon, ibang Russel na ang makikilala nila."
USTE'S POV
Lunes na ulit at pasukan na. Kaagad kong sinugod si Julian sa Gymnasium na nagpapractice ng basketball kasama ang mga kateammates niya.
Pagkakita ko sa pagmumukha niya ay kinuwelyuhan ko siya na ikinabigla ng mga kasama niya.
"Baliw ka ba? Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas nito sa pagkakakwelyo ko sa kanya.
"Ikaw! Ang kapal naman ng mukha mo para i-blackmail ang pinsan ko! Ganyan ka ba talaga kasama? Tangina bitawan niyo ako!" sigaw ko. Dahil sa pinagtulungan akong awatin ng mga kateammates niya ay nailayo nila si Julian sa akin.
Julian fake his laugh. "I-blackmail ang pinsan mo? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo." Nakangiti niyang sabi.
Pigil ang galit ko at baka ano pa ang magawa ko kaya huminga ako ng malalim.
"Kung anuman ang binabalak mo kay Alanis, sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay at hinding-hindi kita matatanggap bilang boyfriend niya." Nginisian lang ako ni Julian at bumaling ito kina Neil at Denver.
"Binabantaan na ba ako ni Tomas? Matatakot na ba ako?" Nang-aasar nitong sabi na ikinatawa ng buong teammates niya.
Sinamaan ko na lang sila ng tingin at kaagad nang umalis.
I won't accept Julian in Alanis life. Never.
ALANIS POV
Salamat naman at may basketball practice sila Julian kaya hindi ko siya makakasama ngayon sa Cafeteria. Ang kasama ko ngayon ay si Marinel. Pagkatapos naming umorder ay umupo na kami sa isang bakanteng upuan.
"So, alam na pala ni Uste ang pang bablackmail sa'yo ni Julian?" Tanong ni Marinel. Tumango ako.
Kanina kasi sa classroom ay naikwento ko na sa kanya ang pinag-usapan namin ni Uste kahapon sa bahay.
"At alam na rin niyang gusto mo si Russel?" tanong niya ulit. Tumango ulit ako.
"Ayon naman pala e, sabi-"
"Hello!"
Napahinto si Marinel at napatingin sa gawing likod ko. Napatingin rin ako sa tinitignan niya at nagulat ako nang si Russel ang bumati sa amin.
"Paupo, ah?" Sabi niya at umupo ito sa tabi ko.
Ang akala ko ba ay galit siya sa akin? Kahapon nga sa mall ay ang sama ng tingin niya sa akin pero bakit ngayon ay nilalapitan na niya ako?
Napansin naman nito ang pagkatulala ko kaya pumilantik siya sa daliri niya at nginitian ako.
Bakit ba ang gwapo niya lalo na kapag ngumingiti?
"Alam ko ang iniisip mo. Hindi na ako galit sa'yo, Alanis. Natanggap ko na rin naman na kayo na ni Julian. Bakit nga pala ako magagalit sa'yo kung hindi naman tayo? Let's forget about that. Friends na tayo, hindi ba?" sabi ni Russel.
Medyo nalungkot ako sa sinabi niya. Hindi pala kami pero bakit nasasaktan ako?
"O-oo naman. Friends na tayo." Ngumiti ako ng peke at napatingin kay Marinel na may concern na tingin sa akin.
Bumaling naman si Russel kay Marinel. "Sorry kung nakisali ako sa usapan niyo."
"Okay lang, President." Sabi naman ni Marinel at ngumiti ito.
Nakita ko na papalapit na sa amin sila Julian kasama sina Neil at Denver. Halatang kakatapos lang nilang magpractice.
Natahimik at medyo namula naman si Marinel nang makita niya si Neil na busy sa cellphone nito. Si Denver naman ang nakatingin sa kanya.
Nang makalapit na sila sa pwesto namin ay kaagad akong hinalikan sa pisngi ni Julian at kumunot ang noo nito nang makita si Russel sa tabi ko.
Umupo si Denver sa tabi ni Marinel na pasimpleng tumitingin kay Neil na busy pa rin sa paggamit ng cellphone nito. Umupo naman ito sa tabi ni Denver.
"Nandito ka pala President," walang emosyong sabi ni Julian.
Ngumiti lang si Russel pero alam kong hindi iyon ngiting totoo kundi ngiting peke. "Yeah, I'm here. Gusto ko lang rin sabihin sa'yo na next month na ang competition niyo ng YGA Varsity Team. Be ready for that. Hmm.. kung sumali lang talaga ako sa team ninyo malamang mas malaki ang chance na manalo kayo kaso ibabalato ko na lang sa'yo 'yon dahil apo ka ni Don Finero Saavedra."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Halata naman na nainis si Julian sa sinabi ni Russel.
Sila Marinel, Neil at Denver ay mukhang nagulat rin sa sinabi ni Russel.
"Ang sinasabi mo ba ay mas magaling ka kaysa sa akin? Na kailangan ka namin sa team? Kahit wala ka do'n ay mananalo pa rin kami." sagot ni Julian na sobrang sama ng tingin kay Russel.
"Wala akong sinasabing ganyan. Ikaw na mismo ang nagsabi na mas magaling ako kaysa sa'yo." Natatawang sabi ni Russel at tumayo na ito.
"I'll go ahead. Bye, Alanis and Marinel!" Ngumiti pa siya ng mapang-asar kay Julian bago ito umalis.
Is that Russel? Bakit parang nag-iba siya?
Sa nakita ko kasi ngayon ay ang Russel na mataas ang confident sa sarili. What happened to him?
"Tss. Ang yabang! Mas magaling naman ako kaysa sa kanya." sabi ni Julian na napakuyom ng panga.
"Ayon ang unang beses na narinig ko siyang magsalita ng ganon." Sabi ni Marinel dahilan para maagaw ang atensyon ni Neil.
"Oh, it's you Marinel na crush ni De-" Kaagad namang tinakpan ni Denver ang bibig ni Neil at sinamaan ito ng tingin.
"Ha? Ano 'yon?" Mamula-mulang tanong ni Marinel kay Neil. Kinikilig yata na ngayon ay nakakausap na niya si Neil.
"W-wala hehe." sabi ni Niel dahil tinitignan na siya ng masama ni Denver.
"Denver likes Marinel," Bulong naman sa akin ni Julian dahil kanina pa kami nakatingin sa kanila.
Nagulat naman ako doon.
"Really?" gulat kong sabi. Julian nodded at inakbayan ako.
"Since first year, may gusto na si Denver kay Marinel pero ubod ng pagkatorpe 'yang si Denver kaya hindi makalapit kay Marinel."
Paano iyon? Si Neil ang gusto ni Marinel pero si Denver ang may gusto sa kanya? Ang komplikado naman nun.