USTE'S POV
"Vien! What's happening to you? Bakit parang wala ka sa kondisyon ngayon?" tanong ni Coach Aldrich nang mapansin niyang kanina pa palpak ang pagtira ko ng bola sa net.
Napahinto ako at napayuko. "I'm sorry, coach."
Bumuntong-hininga ito at inabutan ako ng bottled water. Kinuha ko naman iyon.
"Sige, pagbibigyan kita ngayon dahil isa ka sa pinakamagaling na player ko pero sana kung anuman ang issue na meron ka ngayon ay hindi ito makaapekto sa mga susunod na practices mo. Maliwanag ba?"
"Opo, sorry po ulit." sabi ko. Tumango lang ito at pinagpahinga na ako.
Umupo ako sa isang bench at galit na sinipa ang batong tinatapakan ko sa field. Hindi ako makapaniwalang gusto ni Alanis si Julian. Ang alam ko ay ayaw niya sa lalakeng iyon.
Hindi ko maintindihan. Hindi ko makitang gusto nga niya si Julian.
Parang may mali.
"Tomas my love, nandito ka pala. I'm glad to see you again,"
Napaangat ako ng tingin nang makita si Chloe sa harapan ko.
Ang kulit talaga ng babaeng 'to! Ayaw akong lubayan kahit may girlfriend na ako.
Hindi ko siya pinansin at ininom na lang ang bottled water na ibinigay ni Coach Aldrich sa akin.
Umupo naman siya sa tabi ko at biglang pinunasan ang pawis sa noo ko. Kaagad ko namang tinabig ang kamay niya. Ngumiti lang naman siya sa akin.
Kahit ano kasing rejection ang gawin ko sa kanya ay balewala na lang iyon. Sanay na sanay na rin ako sa tatlong taon na ginagawa niya ito.
She's beautiful and famous pero bakit pinipilit niya ang sarili niya sa akin? May iba na akong gusto at si Lara iyon.
"Bakit ba ayaw mo akong lubayan, Chloe? Alam mo namang may girlfriend na ako." Sabi ko saka pinagmasdan ang mga co-players ko na naglalaro sa field.
"Kasi mahal kita, I don't know why I'm so madly in love with you kahit hindi mo ako gusto. 2 years ko na ring alam na may girlfriend ka sa Masbate but who cares? Hindi pa naman kayo kasal at pwede pang magbago ang feelings mo." sabi ni Chloe.
Umiling ako.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo. You don't know how I fight for Lara. Noong una ayaw sa kanya ng pamilya ko dahil average lang ang pamumuhay nila at gusto ng pamilya ko na mayaman rin ang magiging girlfriend ko pero lumaban ako, pinaglaban ko siya and the reason why I'm here in YGA ay dahil 'yon sa kanya. I really love her so much and I can't afford to lose her." I seriously said.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko na maluha-luha na siya dahil sa sinabi ko. Masakit man para sa kanya iyon pero kailangan ko iyon sabihin.
She fake her laugh at nagpahid ito ng luha niya. "Ang sakit pala na sa'yo na mismo manggaling 'yan."
I suddenly hugged her na ikinagulat niya. Sa loob kasi ng tatlong taon ay ngayon lang kami nakapag-usap ng ganito na walang pagtataboy na naganap.
"You're beautiful, rich and famous. Ang daming magkakagusto sa'yo, Chloe. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa akin. You deserve someone else." sabi ko.
Tuluyan na siyang humagulgol kaya inalo ko siya at hinagod ang likod niya.
"Ang sakit, Tomas, why are you doing this to me? Sobrang sakit!" Hagulgol niya.
"I'm really sorry,"
Ilang minuto pa bago siya tumahan. Kumalas na siya sa yakap ko at nagpahid ito ng luha.
She smiled at me saka inayos ang nagulo niyang buhok. "I realized na tama ka. Dapat hindi ko na ipilit ang sarili ko sa'yo. Siguro tatanggapin ko na lang ang katotohanang hindi mo ako magagawang mahalin. I'm sorry sa mga pangungulit at paghahabol ko sa'yo, pati sa pagbabanta ko sa girlfriend mong si Lara sa f*******: na aagawin kita sa kanya. I'm sorry Tomas." She apologized.
I tapped her shoulder. "It's okay Chloe. Sorry kung nasaktan ko man ang damdamin mo.."
She shrugged. "Wala na 'yon. I hope that you will be happy with her always. I gotta go." Tumayo na ito at inayos ang hawak niyang sling bag.
Tumayo na rin ako at nginitian siya. "Thank you for understanding me."
Ngumiti ito at humakbang na papalayo pero nakakadalawang hakbang palang siya ay bumalik ito sa akin at may sinabi.
"Protect your cousin from my brother. Kuya is really crazy to that girl." sabi niya at tuluyan nang naglakad papalayo.
Sabi na nga ba, may mali kay Alanis at Julian at malalaman ko rin iyon.
RUSSEL'S POV
Simula nang dumating ang babaeng iyon sa buhay ko ay hindi ko na siya magawang maialis sa isip ko. Bawat segundo, minuto, oras at araw ay siya na lang palagi ang naiisip ko. Unang beses ko pa lang siyang nakita ay nakuha na niya ang loob at atensiyon ko.
Nung hindi ako nakapagpigil sa bugso ng damdamin ko ay hinalikan ko siya sa loob ng Gymnasium at ang akala ko ay gusto niya rin ako dahil tumugon siya sa mga halik ko. Ayon pala ay hindi. Pinaglaruan niya lang ang damdamin ko! Sinaktan at iniwan niya rin ako katulad ng ginawa sa aking pag abandona ng mga magulang ko.
Walang nagmamahal sa akin. Sarili ko na lang ang nagmamahal sa akin.
But I don't give a damn care kung hindi niya ako gusto. Ang mahalaga lang sa akin ay ang damdamin ko at gusto ko na ako naman ang masunod at kumontrol ng buhay ng isang tao.
Pumasok siya sa buhay ko at hinding-hindi na siya makakatakas pa sa akin. Iyon ang pagkakamali niya. Siya ang dahilan kung bakit nababaliw na ako ngayon.
Ang isang Russel Madrid ay binabaliw na ng isang babae.
"Sa akin ka lang Alanis, akin lang.."