chaptee 2

1201 Words
"Hoy, babae anong ginawa mo riyan? Mababali na 'yang leeg mo sa kakasilip d'yan," saad ni manang Pilar na ngayon ay naka pa meywang sa harapan ko. "Ah, wala po manang, sinisilip ko lamang si Jessica," pagsisinungaling ko kay manang Pilar. Si Jessica ay ang matalik kong kaibigan, katulad ko anak din ito sa isa sa mga trabahador ng hacienda. Siya lamang ang nakakaalam sa lihim kong pag-ibig para kay Zyler. "Sige, po manang pupunta lang ako ng kusina. Tutulungan ko po si nanay Iska doon. Laylay ang balikat ko na nagtungo sa kusina. Halos isang oras na akong nakasilip sa labas nag-aabang sa pagdating ng lalaki. Ngunit katulad ng dati bigo na naman ako. May pinagbago pa nga ba? Kapareha lang din ito sa anim na taon na nagdaan umuwi pa rin akong luhaan. Sayang lang ang paglalagay ng kolorete ko sa aking mukha. Akala ko pa naman makikita ko na siyang muli. Nagsimulang nanginit ang mata ko, dahil sa nagbabayang mga luha. Sanay na naman na ako, ngunit bakit itong puso ko ay hindi pa rin nasanay sa sakit. Bakit nga ba ako nasasaktan? Wala namang kami. Ni hindi nga alam nito ang pangalan ko. Ako lang ang nag-iilusyon na baka nagustuhan rin ako nito. Pero itong puso ko ang tanga. Nang high School pa lamang ako ay marami ng nagkakagusto at nanliligaw sa akin pero ni isa wala akong pinagtuunan ng pansin dahil para sa akin ay si Zyler lamang ang nasa puso ko. Walang sino man ang makakapagpalit nito sa puso ko. Lalo na noong nanalo ako ng MS. BUKIDNON, mas dumadami ang nanliligaw sa akin. Kabilang na dito si Emmanuel, anak ng isa sa mga mayamang angkan dito sa lugar namin. Gwapo at mabait rin si Emmanuel, kasing edad ko lamang din ito. Ngunit kahit anong gawin ko na ibaling at atensiyon ko sa kanya, hindi pa rin ako nagtagumpay. Tanging si Zyler pa rin ang sinisigaw ng tangang puso ko. Tila ako isang hibang nangangarap ng napakataas. Paano ba ako magugustuhan ng isang Zyler Terence Villamor, na bukod sa gwapo, ay apo pa ito ng may- ari ng tinirahan naming hacienda. Kumbaga langit siya at nasa lupa lamang ako. Hindi mangyayari na maghalo ang tubig at ang langis. Ngunit kahit anong kastigo ko sa aking sarili na kalimutan ko na siya, ngunit wala pa rin, eh. Sabi nga nila first love never dies, totoo na nga talaga ang kasabihang ito. Dahil si Zyler ang first love ko at kahit anong gawin ko. Hindi pa rin mamatay-matay ang nararamdaman ko sa kanya. Kahit anim na taon na ang lumipas na hindi ko ito nakikitang muli. Naalala ko pa kung paano ako pagsasabihan ni Jessica. "Believe na talaga ako sayo, besh. Kung may contest lang ng patangahan sa pag-ibig, aba'y tiyak ikaw na ang mananalo dahil sa pagiging tanga mo." nakataas ang kilay na saad ni Jessica. "Besh, naman. Ikaw na nga lang ang matatakbuhan ko at mahihingan ko ng payo, aawayin mo pa ako," maktol kong sabi. Marahil nagsasawa na ito sa kangangawa ko tuwing mabibigo akong abangan ang nag-iisang lalaking iniibig ko. "Kasi naman besh, naka ilang ulit na ba akong nagbigay ng payo sayo. Hindi mo rin naman sinusunod. Kaya 'wag ka na lang hihingi ng payo sa akin. Dios, ko day naman. Ang daming nanliligaw sayo, pero bakit d' yan ka pa umiibig sa lalaking hindi yata nag-e-exit sa mundong ito." Nang-uuyam na kasi ito walang ibig bukang bibig ko kung magkakasama kami kundi so Zyler lang. Mabuti na lang at nakakatiis pa itong kaibigan ko sa akin. " Haisst, ano pa nga ba, ang gagawin ko, siguro it's about time na kalimutan ko na ang lalaking lihim kong minahal. Tama na nga siguro ang pitong taon na paghihintay na bumalik ito sa kanilang hacienda." ani ko sa aking sarili. Dinukot ko ang pink na wallet na palaging kong dala sa akibg bulsa. Pagbukas ko pa lang, larawan ng taong mahal ko ang tumambad kaagad sa akin. Nakuha ko pa ito ng minsan ay naglilinis ako sa inookapahan nitong silid. Nagpalinga-linga sa loob ng kusina ng mansion. Mabuti na lamang at walang tao sa kusina. Walang asungot sa pag-emote ko. "Hay, mahal ko. Paalam sayo, siguro hanggang dito na lang tayo, hindi ko na kaya ang maghintay pa ng isang taon ulit para makita kang muli." saad ko habang kinausap ang larawan na hawak ko. Isipin ko pa lamang na kakalimutan ko na ang Zyler ko ay labis na akong nasasaktan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaiyak. Hindi ko yata kaya ang magmove-on. Saan nga ba ako mag mo-move on wala nga namang kami. Napasubsob ang ulo ko sa mesa habang humihikbi. Ganito nga ba talaga ang umibig. May kaakibat na sakit. "Mr. Cupido ako nama'y tulungan mo, bakit di panain ang kanyang damdamin----" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko. Dahil sa baritonong boses na nandito sa aking likuran. "Hey, is there any problem," aniya ng baritonong boses. Tila bumukas ang pintuan ng langit at bumaba ang mga anghel na nagsisiawitan. Ganyan ang impact sa akin ng baritonong boses. Ang sarap sa tainga at ang gaan sa pandinig. Bigla akong napaharap sa lalaking nagsasalita sa aking likuran. Nang tuluyan na akong nakaharap sa kanya ay tila yata biglang tumigil ang pag-ikot ng aking mundo. Ganitong - ganito 'yun ang napapanood ko sa pelikula, nag so-slow motion ang lahat na mga pangyayari. Nasa harapan ko ang pinaka gwapong lalaki na nakikita ko. Mas lalo itong tumangkad at mas lalong naging handsome ito. Kahit hilam ang aking mga mata sa luha ay malinaw ko pa ring nakikita ang kabuoan nitong mukha. Halos hindi na ako makahinga dahil biglang pagbilis na t***k ng aking puso. Pakiramdam ko may isang libong kabayo ang magkarerahan sa pagtakbo sa aking dibdib. Nakakabingi. "Close your mouth, miss. Baka mapasukan pa 'yan ng langaw," wika nito sabay sa aking baba at isinisirado ang aking bibig. At pagkatapos kumuha ito ng panyo sa kanyang bulsa. "Miss, your drooling over me," Bigla kong hinablot ang hawak nitong panyo at pinahid sa tumutulo kong laway. Shocks naman, bakit ba hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kanya. At ang mas nanakahiya nakita pa niya ang pagtulo ng aking laway. Tumalikod ako kaagad at pinahid ang laway na tumutulo sa bibig ko. "Boy friend?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya dahil sa narinig. "Po?" pag-tataka long tanong. "I mean, boyfriend mo ba 'yang iniiyakan mo. Sorry, hindi ko sinasadyang makinig sayo. I just want to drink a cold water," wika nito at itinaas ang hawak niyang isamg basong malamig na tubig. "Ah, hindi po, Practice ko lang 'yun para za sinalihan kong theater. Wala pa po akong boyfriend." pag - tatanggi ko na sinasabayan ko pa ng pag-iiling sa aking ulo. Kahit nais ko sanang sabihin na. "Wala akong boyfriend dahil hinintay kita," kahit papaano may natira pa rin namang delikadesa sa aking sarili. "Okay, good," tugon nito sabay talikod sa 'kin. Naiwan akong tulala. Gusto kong maglumpayat sa sobrang saya. Ano kaya ang ibig sabhin ng good na sinasabi n' ya ayaw kaya akong magka boyfriend dahil gusto niya rin kaya ako? Impit akong napatili sa isiping 'yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD