PROLONGUE
PROLOGUE
“APPLE, dalhin mo na itong pagkain sa may veranda. Kanina pa naghihintay ang mga bisita ni Don Romano,” pukaw sa akin ni Nanay Iska.
Agad naman akong tumalima, inayos ko muna sa pagkakapusod ang hanggang beywang kong buhok. At sinipat ko ang aking mukha sa maliit na salamin na sa aking bulsa. Nang makasiguro na maayos na ang aking hitsura. Binitbit ko na ang food tray para dalhin sa veranda.
Malayo pa lamang ako dinig na dinig ko na ang malakas na tawanan nina Don Romano at ang kanyang mga bisita kasama na rin si Zyler.
“Kumpadre, dapat maikasal sa lalong madaling panahon ang mga apo natin,” wika ni Don Romano. Ang tinutukoy nitong kumpadre si Mayor Conchito Romaldez ang alkalde ng aming bayan.
Hindi ako tumuloy sa kanilang kinaroroonan at nagtago sa likod ng pintuan. Hindi ko alam bakit biglang bumilis ang t***k ng aking puso? Sino ang tinutukoy nilang apo?
“Ngunit napapabalita dito sa buong Sta. Felimana na may karelasyon na isang kawaksi itong apo mo, Kumpadre,” si Mayor Conchito.
“Nagpapatawa ka ba, Kumpadre? I know my grandson.He will never like a low class woman. All of that is just a hearsay, right, Zyler?” baling nito sa mahal kong Zyler, na ngayon tahimik lamang na nakaupo. Halos pigil ang aking hininga habang naghihintay sa maaring kanyang kasagutan.
“Zyler, do you hear me?" tanong ulit ni Don Romano. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata.
“Yeah, Lolo Romano is right. Hindi mangyayari na magkagusto ako sa isang katulong,” tugon nito kay Don Romano at nilangkapan pa ng mahinang pagtawa.
Tila tinakasan ako ng lakas sa aking narinig, nanlalambot ang aking mga tuhod. Biglang sumikip ang aking dibdib kasabay nang pagdaloy ng aking masaganang luha. Nabitawan ko ang aking dalang food tray dahilan na napunta sa akin ang lahat ng kanilang atensiyon.
“Apple,” rinig kong sambit ni Zyler sa aking pangalan ngunit hindi na ako nag-abala pang tingnan siya. Kaagad kong pinulot ang mga basag na pinggan at baso. Hindi ko na alintana ang hapdi ng aking na hiwa na daliri mula sa mga nabasag. Dahil ang tanging nais ko ngayon ang makalayo sa kanilang lahat.
“Serviguenza! You embarrass me in front of my guests!” asik ni Don Romano sa akin. Matagal na akong nanilbihan dito sa mansiyon ng mga Villamor ngunit ngayon lamang ako napagsalitaan ng ganito. Yumukod ako sa harapan ni Don Romano.
“P-paumanhin, Don Romano. Hindi ko sinasadya,” nauutal kong tugon dahil sa panginginig ng aking labi.
“I don't want to hear any of words from you. Just leave!”
Buhat sa aking narinig kumaripas na ako ng takbo habang walang humpay ang pagbagsak ng aking mga luha. Umaasa ako na sana sundan ako ni Zyler at magpapaliwanag sa lahat ng aking narinig. Ngunit wala, walang Zyler. Nasumusunod sa akin.