Chapter 6

1152 Words
"Totoo best? Muntikan ng may-?" kaagad kong pinutol ang nais sabihin ng best friend kong si Jessica. Tinakpan ko ang kanyang bibig sa aking mga palad. Paano ang lakas ng boses ng bruhildang ito. Nandito pa naman kami sa amin. "Shhh, h'wag kang maingay best. Baka marinig tayo ni mama," mahinang wika rito. Umakto pa akong tila nilalagyan ng zipper ang bibig ko. "Ahh, sorry, best. Paano kasi ginulat mo ako." tugon ng echusera kong kaibigan. "Aray! Ano ka ba best. Bakit ka nangungurot ng singit?" maktol kong tanong nito. Ang sakit ng ginawa niya. "Bakit naman hindi? Hoy, babae. Baka nakakalimutan mo, laking Manila 'yang senyorito mo. At t'yak na babaero 'yan. Papaiyakin ka lamang ng lalaking' yan. Best naman, magdahan-dahan ka naman sa desisyon mo. Paano kung pinaglalaruan ka lang niyan, ha? Paano kung katawan mo lang ang habol niya sa' yo? At pagkatapos wala na finish ka na, shoo, away ka na sa kanya," mahabang lintanya ng magaling kong best friend. Napakamot na lamang ako sa ulo. Dahil mas dinaig pa nito ang mama ko sa kanyang panenermon. "Best naman, eh. Hindi mangyayari 'yan. Hindi ko isusuko ang bandera ko," tugon ko na lamang sa kanya. Para tumahimik na ang bibig niya. "Ano'ng hindi? Muntikan mo na nga 'yang isuko ang watawat ng Pilipinas. Nabalandra mo na nga sa kanya. Nalawayan at nalasahan na nga niya, 'di ba?" walang prenong wika nito. Pakiramdam ko tuloy pumunta lahat ng dugo ko sa mukha. Nanginit ang buong pagmumukha ko. At sa tingin ko nagkulay kamatis na itong pisngi ko. Nagsisisi tuloy ako kung bakit sinabi ko pa sa bruhildang 'to. Kung hindi ko lang ito, best friend matagal ko na itong nabatukan. Kaloka 'to ang tabil ng dila. Napasimangot ako sa kanyang mga tinuran. Umandar na naman ang pagka feeling nanay nito sa akin. Pero kahit ganito ang best friend ko mahal na mahal ko pa rin ito. "Best, 'wag kang magagalit sa akin. Ang akin lang naman, ayaw kong masasaktan ka sa bandang huli," saad nitong muli at ginanap ang aking mga palad. Kapwa kami napalingon sa pinto ng may kumatok. "Apple, anak. Lumabas ka muna d'yan sa silid mo may naghahanap sa iyo," tawag ni mama sa akin. Napatingin ako kay Jessica, araw ng linggo ngayon. Wala akong pasok sa mansyon at lalong wala naman akong inaasahan na bisita. "Sino ba 'yan, mama? Wala naman akong inaasahan na bisita," sigaw ko sa labas ng aking silid. "Ahh, basta. Lumabas ka na riyan," balik nitong sigaw sa akin. Napipilitan akong tumayo mula sa aking kama. Ayaw kong makipag-usap kahit kanino. Isang beses sa isang buwan na nga lang kung kami'y kapag bonding ng best friend ko may asungot pa. Ngayon lang kasi ito umuuwi rito sa baryo namin. Dahil simula nagkolehiyo na ito ay nasa lungsod na sila tumira. Lumapit ang kanilang mga magulang doon dahil nandoon naman din nagtatrabaho ang kanyang mga magulang. Naniningkit ang aking mga mata, nang makita ko kung sino ang naghahanap sa akin. "Hi, Apple. Sorry, kung hindi ako nakapagpaalam sa iyo na pumunta rito," bungad niya sa akin. Malapad na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Baka sabihin pa nito na snobera akong p********e. Kahit ang totoo ay naiinis ako sa kanya. Mabait naman na lalaki si Emmanue, kung matuturuan lang sana ang puso kung sino ang mamahalin nito, kaso hindi. Dahil tanging puso lang ang nakakalam kong sino man ang taong tinitibok nito. "Ahhm, hi, Em-" napatigip ako sa pagbati ko sa lalaki ng biglang sumingit si Jessica kulang nalang at itulak ako nito palayo kay Emmanuel. Pinandilatan ko siya sa kanyang ginawa pero ang bruha ngumisi lang ito sa akin. "Hi, Emmanuel, napadalaw ka?" matamis ng ngiting sumalubong ang maharot kong best friend. "Hello, Jes. Ahm, yeah. Kinukumusta ko lang si Apple. Medyo matagal na rin kasing hindi kami nagkikita," Kulang na lang ay magkukulay puso ang mata nito dahil sa nakita. Isa rin ito sa mga dahilan kung ayaw kong sagutin siya dahil alam kong matagal ng may gusto sa kanya si Jessica. High school pa lamang kami ay patay na patay na siya kay Emmanuel. Hanggang ngayon ay ito pa rin ang pinapangarap ng best friend ko. Hindi ko rin naman masisisi ang best friend ko. Kahit sinong babae ay magkagusto rito, p'wera lang sa akin. Dahil bukod sa mayaman ito, may angkin din itong ka gwapuhan na kina iinggitan ng ilan at kaya nagkakandarapa sa kanya ang ibang mga kababaihan. Varsity player rin ito sa height niyang six flat, matipuno rin ang ang kanyang katawan. At ang ilong niyang agaw pansin dahil sa perpektong pagkatangus nito at kanyang mala membro ng BTS ang chinito nitong mga mata. Campus crush rin siya dati way back during high school days namin. Kaya sobrang baliw na baliw ang kaibigan ko sa kanya. "Papasukin mo muna 'yang bisita mo, Anak," tawag sa amin ni mama. "Ay, sige po, pasok muna tayo sa loob Emmanuel. Pagpasensyahan muna itong bahay namin medyo may kaliitan," nahihiyang turan ko sa kanya. "No, worries. Apple," tugon nito na hindi pa rin napalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Nang lingunin ko ang best friend ko ay nakasimangot itong nakatingin sa amin. Nginisihan ko lamang siya dahil nakakasigurado akong kanina pa ito naaasar sa akin. "Ahmm, Apple. May dala pala akong bulaklak, for you. Wait lang kukunin ko sa kotse," Nagmamadali itong tumakbo patungo sa kanyang sasakyan at pagbalik nito ay may bitbit na itong isang boquet ng mga bulaklak. "Here, sana magustuhan mo," alanganing ngiti ipinakawalan niya bago ibigay sa akin ang mga bulaklak. Nagdadalawang-isip naman ako kung tatanggapin ko ba ito o hindi. Nag-aalala ako sa kay Jessica dahil t'yak nasasaktan ito sa kanyang nasaksihan. Lumingon ako kay Jessica, nangungusap ang aking mga mata sa kanya na sana maintindihan niya ang gagawin ko. Dahil ayaw kong makasaktan ko rin si Emmanuel. Tila naman yata naintindihan ng kaibigan ko ang aking nais na ipaabot sa kanya. Tumango ito sa akin senyales na ayos lang kung tatanggapin ko ang bigay ni Emmanuel na mga bulaklak. Tipid akong ngumiti habang inaabot ang mga bulaklak. "Thank you, Eman. Pero sana hindi ka na nag-abala pa," kiming ngiti ko sa kanya. "It's okay, maliit na bagay lamang 'yan." Nagpatiuna ng pumasok si Jessica, sa loob nv bahay namin habang kasunod naman kami ni Eman. Sa 'di inaasahan biglang natisud ang mga paa ko. Mabuti na lamang naagapan ni Emmanuel ang pagkatumba ko. Mukha tuloy kaming magkayakap sa aming posisyon ngayon. "Apple!" tila isang kulog sa ilalim ng lupa dahil sa baritong boses na tumawag sa akin. Biglang bumilis ang t***k ng aking puso dahil sa paglingon ko ang madilim na anyo ni senyorito Zyler ang aking nakikita. A/N: Pasensiya na po at natagalan ang update ko. Busy pa po ako noong nakaraang araw may tinapos lang po muna ako. Sana po maiintindihan ninyo. Love you, guys.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD