Ilang segundo lang ay nagbukas ang itim na BMW sa harapan namin at mula roon ay iniluwa nito ang babae na kanina ko pang hinahanap. Mabilis na umibis palabas ng sasakyan si Chrismel at nagmamadaling lumapit sa akin. “My gosh! You are here! Sabi ko na nga ba!” Sinalubong niya ako ng yakap at kahit paano ay makakahinga na ako ng maluwag. Finally! Makakaalis na rin ako sa lugar na ‘to! Masyadong mayabang at bastos ang nakatira rito! Tsk! Bakit ba kasi rito pa talaga ako naligaw?! “Ang tagal mo! Akala ko ba rito ang venue?” bulong ko sa kanya na may halong inis pero tinawanan lang niya ako bago humiwalay sa akin. “Brother…” Narinig ko pang ani ng isang boses kaya nawala ang atensyon ko sa aking pinsan. At mula rin sa nakahintong sasakyan ay lumabas doon ang isang pamilyar na lalaki na