“Seems like you are well-prepared, brother. What’s up, huh?” Mahihimigan ang panunudyo sa boses ni Henry. Ang plano ko kanina ay umalis na para hanapin ang pinsan ko pero ngayon na nandito na sila at kasama ko na ay sila naman itong walang planong umalis. Ngayon ay nasa harap na kami ng hapag kung saan ay maraming mga nakahaing pagkain sa harapan namin. Iba't iba 'yon na daig pa ang pumunta ako sa fiesta. Nangunguna ang dalawang ikakasal sa pagpasok dito sa loob ng mansion na animo ay sila ang nakatira rito, samantalang 'yong mismong may-ari nito ay tahimik na sumunod na lang sa kanila pagkaraan. Nagdadalawang-isip pa ako kung susunod ba ako o aalis na pero hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. At ‘yong mga pupuntahan ko ay nandito rin. "Mukhang pinaghandaan talaga, babe…" humaha