“Pasensya ka na talaga, Chris. Bawi na lang ako next time, ha? Please send my regards to Henry…” Nagmamadaling ini-off ko ang laptop at inayos ang iba pang mga gamit. “Naku, iniisip ko tuloy na gumagawa ka lang ng paraan para hindi ka makaharap ng ibang lalaki.” May nanunudyong ngisi sa kanyang labi pero mabilis akong umiling. Bahagya rin akong napahinto sa ginagawa at humihingi ng paumanhin na tumingin sa kanya. “Hey, no. Of course, I want to meet him as well. Gusto ko rin makipagkumustahan kay Henry pero kasi nagkaroon ng problema sa shop. Pasensya na talaga. Bawi ako.” Kumakain kami kanina habang hinihintay si Henry kasama ang best friend niya na siya ring magiging best man. I admit that I am kind of nervous. Hindi ko alam kung kailan ako masasanay na humarap sa iba. Minsan ay hind