“We are now in the most exciting part!” masiglang-masigla ang taga-anunsyo sa gitna. Nangingibabaw ang matinis na boses niya na nakikipagsabayan sa alon. Napailing na lang ako bago muling ininom ang laman ng kopita na nasa tapat ko lang. Agad na gumuhit ang pait sa aking lalamunan pababa sa aking sikmura. Hindi naman ako umiinom pero kailangan ko nito ngayong gabi. Kailangan ko nang pampatibay ng mukha at loob hanggang matapos ang gabi. Nakakadalawang baso pa lang ako pero pakiramdam ko ay umiikot na ang paningin ko. “May I call on the presence of our wedding bouquet and garter catchers? Maaari po ba na samahan n’yo ako rito sa gitna?” Nagpatuloy sa pagsasalita iyong baklang MC sa gitna at kasabay noon ay ang malakas na palakpakan na nagmumula sa mga bisita. Damn! Paano nga ba ako na