“Please, Hyacinth. Are you going to fail me this time? Hahayaan mo ba na maging malungkot ako sa araw na ‘yon?” Halos mapahilot ako sa aking sentido nang marinig ang maarte at halos nagmamakaawang boses ni Jerico sa kabilang linya. Nakailang buntong-hininga na rin ako dahil kanina pa akong na-pe-pressure sa kanya. “I… I can’t promise, Jerico. Uhm… m-marami kaming orders ngayong week—” I wasn’t able to finish my words when he cut me off. “Next week pa naman ‘yon. Matatapos mo na ‘yang orders ngayong buong linggo kaya may free days ka na next week.” Hindi siya patatalo at talagang ipipilit iyong gusto niya. Muli akong huminga ng malalim. “Next week din. Actually ngayong buwan, puno na ‘yong schedule ko. Hindi mo ba napansin na noong nakaraang linggo rin?” Napatingin ako kay Hestia na