“M-makikiinom lang s-sana ako…” Hindi ko na napigilan ang panginginig ng boses nang magsalita ako. Itinaas ko rin ang kamay na may hawak na baso para ipakita sa kanya na totoo ang sinabi ko. Pasimple rin akong umatras para magbigay ng distansya sa aming dalawa. Masyado siyang malapit at kinakabahan akong lalo kapag ganoon. Baka… baka kung ano pa ang mangyari at matuloy ang hindi dapat matuloy. Bahagya naman siyang sumulyap sa kamay ko pero halos mapapikit ako sa hiya nang bigla itong manginig, kaya wala akong nagawa kung hindi ibaba na lang itong muli. Damn! I am so tensed! Muli siyang tumingin sa aking mga mata. “Uh-uh. Hmm… that’s it?” Bahagyang tumaas ang kanyang kilay at umarko rin ang labi para sa isang ngisi. Napalunok ako habang marahang tumatango. Damn! Bakit ba parang ni