Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bahagya pang sumilip sa hallway para tingnan kung may ibang tao roon. Noong makita na tahimik at walang katao-tao sa paligid ay saka ako lumabas sa kuwarto. Maingat ko ring isinara ang pinto na para bang sa kaunting langitngit noon ay mayroong makakarinig. Nakabibingi ang katahimikan sa buong hallway na tanging mahihina ko ring hakbang lang ang maririnig at ang pigil na hininga. Daig ko pa ang nasa horror film sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro sa isipin na baka bigla ko na lang makasalubong si Sebastian. Mayroon pa akong kasalanan sa kanya at kapag naiisip ko iyon ay parang bigla na lang akong kakainin ng kahihiyan. Hindi ko naman alam ang kuwarto niya dahil hindi ko na iyon inalam. Baka bigla ko siyang pasukin—a