Pagkatapos kumain ay nagpasya na ring umuwi sina Chrismel at Henry. Anong oras na pero nagliliwaliw pa rin itong dalawa, na akala mo ay hindi bukas ang kasal nila. “Sige na, couz. Mauuna na muna kaming umalis ni Henry…” Kinausap pa ako ng pinsan ko habang si Henry naman ay kausap si Sebastian na hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil naunang lumabas ang dalawa. Samantalang ako ay hanggang dito lang sa tapat ng pinto dahil hindi na hinayaan pa ni Chrismel na lumabas ako. Akala ba niya ay tatakas pa ako rito? Tsk! “Remember that you just left your cousin here in the lion’s den.” Sinubukan ko kung makokonsensya siya pero tinawanan niya lang ako. “Grabe ka naman, Hyacinth. Swear, Seb is a nice guy. Walang mangyayaring masama sa ‘yo rito.” Pagpapalubag pa niya ng loob ko h