“I miss you, ate… Hindi mo na ako pinapasyalan.” Ang nakasimangot na mukha ng aking kapatid ang makikita sa screen ng aking cellphone. Alas tres na ng hapon, wala na rin masyadong customer na pumupunta kaya kahit paano ay nakapagpahinga na muli ako. Si Jerico naman ay kanina pang nakauwi matapos manggulo sa akin kaninang umaga. Habang naghihintay na mag-alas singko at dumating si Sebastian ay naisipan kong tawagan muna sina Papa para mangamusta. Eksaktong si Isaac naman ang may hawak ng cellphone kaya siya rin ang nakasagot ng tawag ko. Agad na napangiti ako sa narinig. “I’m sorry, baby ko. Naging busy lang si ate. Promise, this weekend uuwi ako. I will buy many things for you, okay? Miss ka na rin ni ate.” Sinubukan kong paglubagin ang loob ng aking kapatid. Mag-ta-tatlong linggo