“Oh, Hyacinth, anak! Ano ang ginagawa mo rito?” Gulat na gulat si Papa nang mabungaran ako sa pinto ng bahay namin. Hindi na ako naghintay ng kahit ano sa shop kanina at nagpasyang umuwi na. Iyon nga lang ay hindi sa tinutuluyan ko sa Manila. Kahit na umuulan ay dumiretso ako rito sa Cavite. Nag-cab na lang ako dahil siguradong mahihirapan akong mag-commute, at wala rin ako sa mood na magpalipat-lipat. Kung sana ay dala ko lang ang sasakyan kanina ay hindi rin ako masyadong nahirapan. Mag-alas sais na ako nakarating dahil traffic sa daan. Mayroon pang aksidente sa dinaanan namin kaya iyong dapat isa’t kalahating oras na biyahe ay tumagal ng mahigit na dalawang oras. Habang nasa biyahe ay naka-off ang cellphone ko. Ayoko munang tumanggap ng tawag mula sa kahit na kanino. Well, hindi ko