Mariing pinisil ni Clyde ang kaniyang noo bago tumingin sa kalsada. Masakit ang ulo niya dahil wala pa siyang maayos na tulog. Nang magising kasi siya sa bahay ni Cara ay agad din siyang umalis. Ayaw naman kasi niyang magkaroon ng isyu mula sa asawa ng kaniyang kumpare.
Patungo siya ngayon sa kaniyang kompanya upang tingnan ang mga bagong sasakyan na ilalabas nila. Lumakas ang negosyo niya dahil sa dami ng bumibili ng sasakyang inilalabas nila sa market. Talaga naman kasing matitibay at magaganda ang sasakyan nila na talaga namang hindi agad- agad nawawasak kapag nabangga.
"Kumusta? Nagkakaubusan na ba ng mga materyales sa bagong ilalabas nating sasakyan? Sigurado akong marami na naman ang bibili niya," tanong niya sa kaniyang sekretarya.
"Naayos ko na lahat, sir. Kumuha na po ako kaagad ng mga materyales mula sa Korea pati na sa Japan. At tama po kayo, marami na kaagad ang nagtatanong kung magkano ang sasakyan na ilalabas natin ngayong taon. At sa tingin ko, ang sasakyan na naman natin ang magiging bida. Mauungusan na naman natin ang ibang brands...." mayabang na sabi ni Jom.
Ngumisi si Clyde. "Well, ano pa nga ba ang mangyayari? Kaya may magagalit na naman diyan dahil sisikat na naman ang produkto nating de- kalidad at talaga namang matibay ang bawat pyesa."
Nagtungo na siya sa kaniyang opisina at naging abala doon. Sa bawat sasakyan na nilalabas nila, pinag- iisipan niya itong maigi. Sinisigurado niya na magiging maganda ang sasakyan at talaga namang matibay. Akala niya nga noon, malabong lumago ang kaniyang negosyo. Ngunit bigla itong nakilala at marami ng nag- invest sa kaniyang kompanya.
"Hi, Clyde! Kanina ka pa ba dito?" sambit ni Elena sabay kagat labi.
Si Elena ay anak ng isang kilalang negosyante na nag- invest din sa kaniyang kompanya at naging kaibigan niya rin ito dahil sa kaniyang amang si Gray Monteverde. May gusto sa kaniya si Elena pero hindi niya ito pinapansin dahil ayaw niya sa babaeng haliparot.
"May kailangan ka pa? Marami pa akong dapat gawing importante kaya huwag mong sayangin ang oras ko..." mahinahon ngunit madiin niyang sabi.
Lumabi si Elena. "Ang sungit mo naman palagi! Hindi ka na ba magbabago? Araw- araw ka na lang bang masungit sa akin? Walang naman akong ginagawang masama sa iyo. Sa tagal nating magkakilala, ni minsan hindi ka naging malambing sa akin."
Tumigil si Clyde sa kaniyang ginagawang pagbabasa. "At bakit naman ako kailangang maging malambing sa iyo? Sino ka ba? Girlfriend ba kita?"
Natawa si Elena. "Kaya ka hindi nagkakaroon ng girlfriend dahil diyan sa ugali mo. Masyado kang coldhearted at arrogant!"
"Oh tapos? Ano naman sa iyo? Nilalait mo ang ugali ko pero ikaw naman 'tong papansin sa akin? Sira ulo ka ba? At kaya naman walang sumeseryoso sa iyo dahil haliparot ka. Alam mo ba iyon?"
Tila sinampal si Elena sa sinabing iyon ni Clyde. Wala talagang preno ang bibig ng binata kapag naiinis ito. Aminado naman siya sa pag- uugali niya. May pagkamayabang siya at malamig lalo na sa mga taong hindi niya gusto ang pag- uugali. Wala siyang pakialam kung masaktan man ang mga ito sa mga sasabihin niya. Ngunit kahit ganoon siya, mayroon pa rin siyang puso sa taong gusto niya o sa taong malapit sa puso niya.
"Darating ang araw na ikaw naman itong magpapansin sa akin dahil mami- miss mo ang kakulitan ko."
Tumawa si Clyde. "Oh? Kailan? Sana nga dumating kaso mukhang malabo. Huwag kang mangarap ng gising ha? Nagmumukha kang tanga eh."
Inis na lumabas ng opisinang iyon si Elena habang si Clyde ay natawang muli bago bumalik sa kaniyang ginagawa. Natatawa na lang siya sa pagiging istupida ni Elena.
Naging abala siya sa kaniyang kompanya at inabot na ng gabi doon. Kumain na lamang siya sa labas bago napagpasyahang umuwi. Madadaanan niya ang subdivision kung sana nakatira si Cara. Napahinto siya sa may tabi habang nagtatalo ang isip niya kung pupuntahan niya ba si Cara o hindi. Sa totoo lang, wala siyang awa sa taong hindi niya niya kilala talaga o close. Pero hindi niya mawari kung bakit naaawa siya kay Cara.
Hindi niya alam kung dahil ba ito sa sitwasyon ni Cara ngayon o nang makita niya ang pait at sakit sa mga mata nito noong unang beses silang magkausap.
Tangina ano ba ito? Kailangan pa ako naawa sa isang taong hindi ko naman lubusang kilala o malapit sa akin?
Bumuntong hininga si Clyde bago nag- U turn upang bumili ng pagkain na madadala niya kay Cara. Mabilis siyang nakabili at nagtungo sa bahay nito. Tatlong beses siyang nag- doorbell bago bumukas ang gate ng bahay na iyon. Kumunot ang noo niya nang maamoy ang alak na nagmumula kay Cara.
"Ikaw na naman pala, Clyde. Mabuti ka pa, naisipan akong dalawin dito. Iyong asawa ko kaya? May balak pa ba?" basag ang boses na wika ni Cara habang nangingilid ang luha nito sa mata.
Agad na nag- iwas ng tingin si Clyde dahil ayaw niyang makita pa ang magandang mukha ni Cara na napupuno ng sakit at pait.
"Ahm... pasensya ka na. Hindi koa alam kung nasaan si pare ngayon. Baka.... baka nandoon kay K- Karen..." aniya nang hindi tumitingin kay Cara.
Biglang humagulhol si Cara na ikinagulat ni Clyde. Malakas itong umiyak bago pinaghahampas ang matipunong dibdib ng binata.
"Ano ba ang naging mali sa akin para ganito ang trato niya? Mali ba ang magmahal? Mali ba ang umasa na balang araw magagawa niya akong mahalin? Nagmahal lang naman ako pero bakit ganito ang sukli sa akin? Bakit araw- araw akong pinapatay? Bakit araw- araw na dinudurog ang puso ko?" umiiyak niyang sabi.
Hindi alam ni Clyde ang sasabihin. Kusa na lang gumalaw ang kamay niya at saka niyakap ng mahigpit si Cara. Sa unang pagkakataon, nagawa niya iyon sa babaeng hindi naman malapit sa kaniya. Nagulat siya nang maramdaman ang kakaibang init sa katawan ni Cara.
"Cara? Cara? Ayos ka lang ba?"
Hindi na nagsalita pa si Cara at muntik na niyang mabitawan dahil nawalan ito ng malay. Buong araw itong umiyak at dinapuan pa ng sakit.
"F uck!" inis na sambit ni Clyde bago dali- daling binuhat si Cara papasok sa bahay nito.