"Pare, dapat inaasikaso mo ang asawa mo. Nang dahil sa ginagawa mo, nagiging mahina ang katawan niya. Mukhang walang maayos na tulog at hindi pa yata kumakain ang asawa mo," seryosong sabi ni Clyde.
"Kumpare naman, alam mo naman ang dahilan, 'di ba? At kasalanan niya iyan. Kaya nga nakikiusap ako sa iyo na ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Kung may iuutos ka sa akin, susundin ko..."
Nainis bigla si Clyde. "Talaga bang wala ka ng balak na ayusin ang relasyon ninyo? Kung hindi mo talaga siya kayang mahalin, bakit hindi ka na lang mag- file ng divorce para maghiwalay na agad kayo?"
"Sa susunod na. After two or three years. Alam kong hindi papayag ang mga magulang ko kapag hiniwalayan ko kaagad siya. At saka, hindi talaga ako naaawa sa kaniya. Kasi siya naman ang may kasalanan kung bakit nangyayari sa kaniya iyan. Kung hindi niya sana ipinilit na ikasal kami, eh 'di sana hindi siya nagdudusa sa piling ko?"
Bumuntong hininga si Clyde bago tumingin sa ibang direksyon. Naaawa talaga siya para kay Cara. Ngunit wala siyang balak na gawan ito ng masama kahit na binubugaw ito sa kaniya ni Justine.
"Bahala ka. Baka pagsisihan mo rin sa huli ang ginagawa mo sa kaniya. For sure, ginagawa naman niya ang lahat para maging mabuting asawa sa iyo pero mukhang wala kang balak bigyang pansin iyon."
"Wala talaga. Pasensya na sa abala, pare. Huwag mo na lang siyang puntahan sa bahay. Hayaan mo na lang siya. Baka naaabala na kita masyado. Kaya naman niya ang sarili niya. Nagiging madrama lang siya para maawa ako sa kaniya."
Hindi na lang nagsalita pa si Clyde. Umalis na lamang siya sa lugar na iyon at nagtungo na lamang sa kaniyang kompanya. Balak nga sana niyang huwag ng bigyang pansin pa si Cara dahil hindi naman niya ito kaano - ano. Asawa lang ito ng kaniyang kumpare. Hindi naman sila close. Ngunit nang makita niya itong lumuluha, naaawa talaga siya.
"Tangina naman..." mahina niyang sabi nang muling sumagi sa isipan niya ang malungkot na mukha ni Cara.
Pumikit siya ng mariin bago pilit na itinuon ang atensyon sa kaniyang binabasa. Ayaw niya kasing may iba siyang iniisip kapag may ginagawa siyang importante.
SAMANTALA, HINDI NA HALOS MAGALAW NI CARA ang pagkain sa kaniyang harapan. Hinawakan siya ni Jonah Villaluz. Ang kaibigan niyang napagsasabihan niya ng lahat. Ang kaibigan niyang hindi siya iniwan noon pa man.
"Ikaw naman kasi eh. Sinabihan na kita. Bakit kasi hindi ka nakinig sa akin? Alam mo, kapag may isang lalaking nagmamahal talaga ng totoo, hindi makukuha ng ibang babae. Kahit sabihin pa nating palagi kayong magkasama kung iba naman ang nilalaman ng puso niya, wala rin..."
"Alam ko naman iyon. Umasa lang ako. Pero iyon na nga, ako itong nagdudusa sa mali kong desisyon. Kung puwede ko nga lang sanang ibalik ang nakaraan, hindi ko na siya pakakasalan pa," malungkot na saad ni Cara.
"Oh bakit ayaw mo pang makipag- divorce sa kaniya? Sa ibang bansa naman kayo kinasal, 'di ba? Kaya talagang approved agad iyan."
"Hindi pa puwede eh. Siguro mga dalawang taon pa. Para hindi naman sumama ang loob sa akin ng mga magulang niya. Kasi ako talaga ang gusto nilang mapangasawa ng anak nila. Ayaw kasi nila kay Karen. Iba raw ang pakiramdam nila sa babaeng iyon. Sa akin daw, magaan ang loob nila. Pero wala naman akong magagawa kahit gusto ako ng mga magulang ni Justine kung ayaw naman niya sa akin."
Bumuntong hininga si Jonah. "Hay naku! Nakaka- stress naman ang buhay pag - ibig mo! Siya nga pala, sino pala iyong kumpare ng asawa mo na bumibisita sa iyo?"
"Si Clyde. Clyde Monterde."
Namilog ang mata ni Jonah. "Si Clyde Monterde? Seryoso?"
"Oo..."
"Oh my! Isang kilalang businessman! Mabentang- mabenta ang mga sasakyan niya dahil de- kalidad talaga ito! Matibay at magaganda pa ang bawat disenyo ng sasakyan! Mabuti nagagawa ka niyang bisitahin. Kumusta naman siya makipag- usap sa iyo? Ayon kasi sa mga narinig ko, masungit daw ang taong iyon. Mayabang at coldhearted. Hindi iyon basta- basta nakikipag- usap sa kung sino. Wala siyang pakialam kung sino pa ang isang tao basta ayaw niya, ayaw niya."
Tumingin si Cara sa kaibigan. "Ganoon ba? Hindi ko kasi siya kilala. Kailan ko lang siya nakilala. Noong hinahanap niya si Justine."
"Mailap naman kasi sa tao si Clyde. Ayaw na ayaw niyang napapa- poster ang mukha niya."
Tumango- tango si Cara. "Sabagay, halata naman sa mukha niya na masungit siya. Pero mukhang mabait naman."
Nagkibit balikat si Jonah. "Ewan ko lang. Ang balita ko, wala pa siyang nagiging girlfriend. Single raw since birth! Siguro mga nakalandian, marami. Sa guwapo ba naman niya, 'di ba? Imposibleng wala siyang tinira. Ang dami kayang babae ang gustong matikman siya. At ang balita, daks daw!"
Natawa si Cara. "Tumigil ka na nga! Mukha kang daks. Ikaw ba ay may boyfriend na?"
"Wala pa eh. Wala pa akong makitang matino. Lahat mukhang tulisan."
Muling natawa si Cara. Kahit paano gumaan ang pakiramdam niya ngayong nakausap niya ulit ang kaniyang bestfriend. Ilang linggo rin kasi siyang nagmukmok sa kaniyang bahay at umiyak nang umiyak.
NANG MAKAUWI siya kinagabihan, nangunot ang noo niya nang makita ang sasakyan ni Clyde sa tapat ng kaniyang bahay. Dali- dali siyang lumabas doon at tiningnan si Clyde. Seryoso ang mukha nitong tumingin sa kaniya at hindi man lang ngumingiti.
"Kumusta ka dito?"
"Ayos lang. Nagiging okay naman ako kahit papaano," tugon niya bago tipid na ngumiti.
Bumuntong hininga si Clyde. "Maglibang ka na lang. Lumabas- labas ka kaysa umiyak ka buong magdamag. Nagpunta lang ako dito para kumustahin ka. Busy din kasi ako. Sa totoo lang, hindi ako natutuwa sa ginagawa sa iyo ni kumpare pero huwag mo sanang isipin na tinotolerate ko ang ginagawa niya. Pinagsasabihan ko naman siya pero hindi siya nakikinig sa akin. Kaya bilang tulong na lang din, ito lang ang magagawa ko. Ang kumustahin kita."
Tila nahaplos ang puso ni Cara sa sinabing iyon ni Clyde. Kahit walang emosyon ang mukha nito, nararamdaman naman niyang may pakialam ito sa kalagayan niya.
"Ayos lang. Maraming salamat. Hindi mo na nga dapat pa itong gawin dahil hindi naman tayo close o ano. Pasensya ka na kung naaabala ko pa ang oras pa. Pero huwag kang mag- alala, lilibangin ko na lang ang sarili ko para hindi na ako maging malungkot pa."
"Tama iyan. Mabuti naman at naisipan mong gawin iyan. Sige na. Aalis na ako. Mag- iingat ka palagi dito."
Mabilis na umandar palayo ang sasakyan ni Clyde. Bumuga ng hangin si Cara habang nakatingin sa papalayong sasakyan ng binata. Ewan niya ba ngunit tila magaan ang loob niya sa binata kahit na hindi naman sila magkakilala masyado. At may parte kay Cara na tila ba gusto niyang magkalapit pa silang dalawa at makilala ang binata. Bigla tuloy nag- init ang kaniyang pisngi nang maalala niya ang gabing hinalikan niya ito. Ang halik na muntik pa siyang malunod at maubusan ng hininga.
Bakit niya kaya ito ginagawa? Bakit niya ako kinakamusta kahit na ayos lang naman kahit hindi niya gawin ito? Pinakiusapan ba siya ni Justine para gawin ito? O siya lang mismo ang gumagawa nito dahil naaawa siya sa akin?