"Pare, maayos ba ang buhay mo ngayong may asawa ka na?" tanong ni Clyde sa kaniyang kumpare.
Bumuga ng usok si Justine. "Hindi. Impyerno nga sa totoo lang."
Kumunot ang noo ni Clyde. "Ha? At bakit naman naging impyerno? Ano ba ang nangyari? Pasensya ka na wala akong balita sa iyo simula nang umalis ako. Masyado kasi akong naging busy. Pero ngayon, hindi na. Sila daddy at mommy na ang bahalang mag- asikaso ng business namin sa states."
Muling humithit ng yosi si Justine bago nagsalita. "Kilala mo naman siguro kung sino ang babaeng mahal ko, 'di ba?"
"Oo.. si Karen. Pero paano iyan? Kasal ka na. Dapat maging tapat ka sa asawa mo."
Asar na tumawa si Justine. "Tapat? Tangina niya! Inuto niya kasi ang mga magulang ko kaya kami kinasal. Magaling din ang gaga. Wala akong pakialam sa kaniya. Asawa ko lang siya sa papel. Hindi ko naman siya mahal."
"Awit iyan, pare. Kawawa naman iyon. Paano pala iyan? Nagtatanong siya sa akin kung nasaan ka at kung ano ang ginagawa mo, ano ang sasabihin?" saad ni Clyde bago uminom ng alak.
"Bahala ka na. Magpalusot ka na lang. Makikiusap sana ako eh. Hindi kasi alam ng mga magulang ko kung ano ang ginagawa ko sa kaniya. Hindi rin naman siya nagsusumbong. Puwede bang ikaw muna ang tumingin - tingin doon? Sa totoo lang, galit talaga ako sa kaniya. Kaso nga lang, baka kung ano rin ang mangyari sa kaniya, ako naman ang malalagot. Malapit lang naman iyong binili mong bahay sa amin 'di ba?"
Tumango si Clyde. "Oo ang kaso nga lang, mahirap ang ganito. Paano kung sa akin naman mabaling ang pagmamahal niya? Eh kasal kayo?"
Ngumisi si Justine. "Eh 'di mas mabuti! Para hiwalayan na niya ako. Sa ibang bansa naman kami kinasal kung saan puwede mag- divorce. Kung maaari nga lang, landiin mo iyang babae na iyan para hindi na ako ang guluhin niya."
Natawang napailing si Clyde. "Tarantado ka. Asawa mo, parang pagkain mo lang na ibibigay sa akin."
Sumeryoso si Justine. "Pare, hindi ko nga siya mahal. Sa tagal nating magkaibigan at magkumpare, kilalang- kilala mo na ako. Kilala mo kung sino ang babaeng nagmamay ari ng puso ko at hindi siya iyon. At kilala mo rin ako mawalan ng pakialam sa isang tao. Kilala mo ako kapag galit sa isang tao. Kung maaari nga lang, ayoko ng umuwi doon. Napipilitan lang talaga ako umuwi dahil tinitingnan ko kung okay lang ba siya."
"Hay naku, pare. Bahala ka. Basta, gagawin ko na lang kung ano ang makakaya ko. Busy din ako eh. Kapag nagka- time na lang ako, sisilip- silipin ko na lang siya sa bahay ninyo. Ang laki pa naman ng bahay na iyon. Baka magbigti siya doon kapag nandilim ang paningin niya," wika ni Clyde sabay kagat labi.
"Sa kaniya ko na ipinangalan ang bahay na iyon para kapag nagkahiwalay kami, kaniyang- kaniya na iyon. Wala akong balak kunin pa ang bahay na iyon dahil may binili na akong bahay para sa amin ni Karen," dagdag pang sabi ni Justine.
SUMAPIT ANG HATINGGABI, NAGPAALAM NA SI CLYDE sa kaniyang kumpare dahil uuwi na siya. Hindi naman ganoon kalakas ang tama ng alak sa kaniya kaya makakapagmaneho pa siya pauwi. May dala siyang pagkain na ipinabibigay ni Justine para kay Cara. Kaya naman dadaanan niya muna si Cara bago tuluyang umuwi.
Uminat- inat muna siya sabay hingang malalim bago lumabas ng kaniyang sasakyan. Nakatatlong doorbell siya bago bumukas ang malaking gate. Malungkot ang mukha ni Cara na bumungad sa kaniya.
"Nasaan si Justine? Kasama mo ba ang asawa ko?"
"Nag- inom kaming dalawa. Ahm.... ano kasi... alam kong masasaktan ka pero wala na yata siyang balak magpunta pa dito. Kaya ako na lang ang madalas na bibisita sa iyo kung sakali. Kapag hindi ako busy. Kapag may kailangan ka, magsabi ka na lang."
Gumuhit ang kirot sa dibdib ni Cara nang marinig iyon. Para siyang sinaksak ng maraming beses sa dibdib. Agad na nangilid ang kaniyang luha. Gusto niyang umiyak ng malakas ngunit pinili na lang niyang kimkimin ang kirot at pait na kaniyang nararamdaman.
"Ganoon ba? Salamat dahil nag- abala ka pang puntahan ako dito. Wala na talaga siyang pakialam sa akin dahil ibang tao na ang sinabihan niyang puntahan ako dito..." garalgal ang kaniyang tinig na saad.
"Sorry kung sasabihin ko sa iyo ito pero mahal na mahal talaga niya si Karen. Ito ang babaeng pinakamamahal niya. Kaya hindi ko alam kung magbabago ba ang nararamdaman niya para kay Karen. Sa tingin ko kasi, malabong mangyari iyon. Malabong maibaling ni Justine ang pagmamahal niya sa iba...."
Napasinghap si Cara nang maamoy ang alak na nagmumula sa bibig ni Clyde. Papikit - pikit na nga ito nang inabot sa kanya ang dala nitong pagkain mula kay Justine.
"Teka... kaya mo pa bang magmaneho pauwi?" nangangambang tanong niya.
Hindi nagsalita si Clyde. Nakayuko na lang ito habang nakasandal sa pader. Tinitigan ni Cara ang mukha ng binata. Hindi niya maiwasang humanga sa kaguwapuhan nitong taglay. Hinaplos niya ang mukha ni Clyde at saka mahinang sinampal.
"Clyde? Tulog ka na ba? Magpahinga ka muna saglit dito bago ka umuwi. Baka mabangga ka pa kapag pinilit mong magmaneho..."
Napamulat ng mata si Clyde. "Ha? A- Ayos lang ba? Kahit sa sala na lang ako maidlip."
"Oo sige. Akin na ang susi ng sasakyan mo para ipasok ko na muna ito. Pumasok ka na sa loob."
Pagewang- gewang na naglakad si Clyde sa loob ng bahay na iyon at agad na nahiga sa sofa. Ipinasok naman ni Cara ang sasakyan ng binata at saka siya pumasok na sa loob ng kaniyang bahay. Pinagmasdan niya muna ang natutulog na si Clyde. Hanggang sa mapaluha siya ng maisip na ibang tao na ang mag- aalala para sa kaniya imbes na ang kanyang asawa.
Sige... ito pala ang gusto mo, Justine. Ang ipamigay ako sa iba. Asawa mo ako pero ang kumpare mo pa ang dapat magkaroon ng pakialam sa akin. Wala kang puso. Masyado mo ng dinudurog ang puso ko.
Dumako ang tingin ni Cara sa mapulang labi ni Clyde. Hanggang sa inilapit niya ang mukha niya sa binata at maingat na hinalikan ito. Nagulat siya nang hawakan ni Clyde ang kaniyang ulo at siilin siya ng halik. Nakapapasong halik ang natanggap niya mula kay Clyde at hindi na niya nagawang magpumiglas pa dahil tumutugon na siya sa mainit nitong halik.
Nalasahan niya ang alak na nagmumula sa bibig ni Clyde nang magsalo ang kanilang laway. At nagulat siya nang biglang lamasin ni Clyde ang kaniyang dibdib kaya agad siyang lumayo kay Clyde.
"Hmmm..." mahinang ungol ni Clyde habang nakapikit.
Habol hininga naman ang ginawa ni Cara dahil nalunod siya sa mainit at mapusok na halik ni Clyde.