1

1004 Words
"Justine....h- honey... kumain na tayo," nauutal na sabi ni Cara nang tawagin niya ang kaniyang asawa. Isang taon na ang lumipas simula nang ikasal sila ngunit hindi pa rin nagbabago ang trato sa kaniya ni Justine. Hindi siya nito itinuturing na asawa dahil hindi naman siya mahal ni Justine. Walang pagmamahal sa kaniya ang asawa niya dahil may ibang nagmamay ari ng puso nito. Para nga lang silang borders sa malaking bahay na iyon. Uuwi lang si Justine kung kailan nito gusto. Bihirang - bihira siya nito tabihan sa kama. At ang malala pa doon, hindi sila nagkaroon ng honeymoon. Nananatiling birhen pa rin si Cara dahil walang balak na galawin siya ni Justine. Matalim siyang tiningnan ni Justine. "Hindi ka pa rin ba susuko? Isang taon ka ng ganiyan sa akin. Hindi ka pa rin ba titigil sa mga ginagawa mo? Hindi mo ako kailangang intindihin dahil hindi naman asawa ang tingin ko sa iyo. Ilang beses ko bang uulit- ulitin sa iyo na wala akong nararamdaman na kahit ano para sa iyo? Na hindi kita magagawang mahalin? Wala ka bang isip? Hindi mo ba maintindihan iyon? Ganiyan ka ba kabobo?" Palaging lumalabas sa bibig ni Justine ang mga katagang iyon at sanay ng marinig ni Cara ang masasakit na salitang iyon pero may dulot pa rin itong kirot sa kaniyang puso. Kahit iniisip niyang balewala lang ang mga katagang iyon, hindi pa rin niya maiwasang masaktan. "H- Honey... ano ba ang dapat kong g- gawin para m- mahalin mo lang ako?" naluluhang sabi ni Cara. Asar na ngumisi si Justine. "Wala. Wala kang dapat gawin dahil hindi mangyayari iyon. Sumuko ka na, Cara. Hindi kita magagawang mahalin. Akala mo siguro, porke nauto mo ang mga magulang ko na makasal tayo, nagtagumpay ka na. G ago! Kinulong mo lang ang sarili mo sa akin eh wala naman akong pakialam sa iyo! Hinding- hindi kita gagalawin, Cara. Ang babaeng mahal ko lang ang aangkinin ko at hindi ikaw! Kahit lumuha ka pa ng dugo, hinding- hindi ako magkakaroon ng katiting na pagmamahal sa iyo! Sabihin mo lang kung kailan mo balak makipag- divorce sa akin. Alam mo kung bakit ginusto ko na sa ibang bansa tayo ikasal no'n? Para madali lang akong makikipag- divorce sa iyo! Tangina mo kainin mo iyang lahat! Araw- araw mong sinisira ang araw ko!" Pabagsak na isinara ni Justine ang pinto ng kanilang bahay bago nagmamadaling pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan at pinaandar kaagad ito. Ni minsan hindi naging excited si Justine na umuwi sa bahay nila ni Cara. Palibhasa'y hindi naman niya mahal ang kaniyang asawa. Lumuluhang kumain mag- isa si Cara. Simula nang ikasal sila ni Justine, palagi na lang siyang kumakaing mag- isa. Ni minsan hindi siya nito sinabayan sa pagkain. Napipilitan nga lang ito kapag bumibisita sa kanila ang mga magulang nito. Ngunit halata sa mukha ni Justine na wala talaga itong pakialam sa kaniya. Hindi ko na yata makakaya pang ipanglaban ang pagmamahal ko sa iyo, Justine. Araw- araw akong nauubos sa mga pagmumura mo sa akin at masasakit na salita. Sana'y mapagod na ng tuluyan ang puso kong mahalin ka para magawa na kitang palayain.... Nakatulog na namang lumuluha si Cara. Palagi naman siyang ganoon. Wala ng bago. Kahit ano pang pang- aakit ang gawin niya kay Justine, wala itong epekto. Nakikita niya lang sa mata ng asawa niya ang pandidiri nito sa kaniya. GABI NA NANG MAGISING SI CARA. Malungkot siyang bumangon sa kaniyang kama at saka lumabas ng kaniyang kuwarto. Patungo na sana siya sa kusina nang makarinig siya ng doorbell mula sa labas ng kanilang bahay. Nangunot ang noo niya at dahan - dahang naglakad palabas upang silipin kung sino ang tao sa labas. "H- Hi..." alanganing sabi ng guwapong lalaki na sa tingin niya ay nasa edad trenta pataas. "Sino sila?" "Ako si Clyde. Clyde Monteverde. Nandito ba si kumpareng Justine? Pasaway na lalaking iyon akala ko sasamahan niya ako magpunta sa bahay ng inaanak namin. Birthday kasi no'n. Eh kauuwi ko lang kaninang tanghali mula sa Canada. Hindi ko alam ang bahay ng kaibigan namin..." paliwanag sa kaniya ni Clyde. Pinagmasdan ni Cara ang guwapong mukha ng binata. Sa isip niya, mas gwapo pa ito sa kaniyang asawa na si Justine at mas maganda ang katawan at tindig. Kapansin- pansin din ang malamig nitong boses na kay sarap pakinggan. "W- Wala siya d- dito eh..." aniya sabay yuko. Napalunok ng laway si Clyde nang mapatingin siya sa malusog na s uso ni Cara. Nakasuot lamang kasi ito ng night gown na manipis kung saan bakat ang u tong nito. "B- Bakit? N- Nasaan siya?" Nag- angat ng tingin si Cara. Para na siyang maiiyak sa mga sandaling iyon. "Ahm... ano kasi ..... ah... h- hindi kasi kami okay ng a- asawa ko kaya... b- bihira siyang umuwi dito. I- message mo na lang siya. Ayokong i- message siya dahil magagalit lang siya sa akin..." naluluhang sabi ni Cara. Napaawang ang bibig ni Clyde bago dahan - dahang napatango. "Ahm... pasensya na. Hindi ko alam. Ibig sabihin, ikaw lang ang nadiyan sa bahay niyo?" Mabagal na tumango si Cara. "O- Oo..." "Sige, aalis na ako. I- lock mo ito ng maigi. Salamat sa impormasyon. Pasensya na sa abala. Mag- iingat ka dito." Malalaki nag hakbang ni Clyde na naglakad patungo sa kaniyang sasakyan. Bago niya paandarin ang kaniyang sasakyan, sinilip niya muna sa side mirror ng kaniyang sasakyan si Cara bago siya umalis. Bigla siyang naawa sa babae lalo na't napansin niya ang pamumugto ng mga mata nito. Habang si Cara naman, bumuga na lamang ng hangin bago marahang naglakad papasok sa loob ng kanilang bahay. Ni minsan hindi siya sinabihan ni Justine na mag- iingat siya sa kanilang bahay kapag iniiwan siya nito mag- isa doon. Palagi itong galit sa kaniya. Mabuti pa sa ibang tao, narinig ko ang katagang iyon. Ngunit sa mismo kong asawa, hindi ko man lang iyon narinig. Ito na ba ang sign para tuluyan ko ng palayain ang aking mahal na asawa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD