"Cara... anak, wala ba talagang pag- asa na magmahalan kayong dalawa ng anak kong si Justine?" tila maluluhang sabi ng mommy ni Justine. Bumuntong hininga si Cara bago napayuko. Hindi niya inasahan na dadalaw sa kaniyang bahay ang magulang ng kaniyang asawa. Mabuti na lang talaga, maagang umalis si Clyde. Dahil kung hindi, malamang malalagot siya kapag nakitang may kasama siyang lalaki sa bahay niya. At malamang, siya pa ang lalabas na masama sa kanilang dalawa ni Justine. Lalo pa't hindi alam ng mga ito na matagal ng may ibang babae ang kaniyang asawa. "Mommy.... alam niyo pong ginawa ko ang lahat para mahalin ako ni Justine. Lahat ng puwede kong gawin, ginawa ko. Nagmukha akong aso. Nagmukha akong alipin. Trinato ko siyang higit pa sa asawa. Ginawa ko siyang mundo ko. Pero ano po ang n