"My love... gusto mo ulit mag- rides tayo? Tapos bulalo?" nakangising wika ni Clyde. Ang nakabusangot na mukha ni Cara ay biglang nagliwanag nang marinig iyon. Naalala niya kasing bigla ang naganap sa kanila noong huli silang nag- rides ni Clyde. Ang gabi kung saan akala niya hindi na nila mauulit pa ang makasalanang gabi na pinagsaluhan nila. Pero napagtanto niyang mas masarap lumikha ng makasalanang gabi kung si Clyde ang kasama niya. "Sige. Sana umulan para alam mo na," aniya bago tumawa. Natawa na lang din ng malakas si Clyde nang makuha niya ang ibig sabihin ni Cara. "Kahit hindi umulan mamaya... bakbakan tayo malala." Pilyang piniga ni Cara ang tarubo ng kaniyang nobyo bago siya tumakbo patungo sa kaniyang silid. Habang si Clyde naman ay natatawang sumunod na lamang sa kaniya. N