"Love..." Mahigpit na yumakap si Cara kay Clyde. Nagtataka namang gumanti ng yakap si Clyde sa kaniyang nobya. Namilog ang kaniyang mga mata nang humikbi Cara habang nakasubsob sa matipuno niyang dibdib. Agad siyang kumalas ng yakap dito at pinahid ang masaganang luha ni Cara sa mga mata. "My love... bakit po umiiyak? Anong problema? Inaway ka na naman ba ni Justine? Sabihin mo sa akin. Magsalita ka. Huwag mo siyang pagtakpan. Babanatan ko talaga ang lalaking yon," galit na wika ni Clyde na para bang ano mang oras handa na siyang sugurin si Justine. Mabagal noong umiling si Cara. "Hindi siya ang dahilan kung bakit ako umiiyak." "Ha? Kung hindi siya ang dahilan, sino? At bakit ka nga umiiyak? Sabihin mo sa akin, please. O may masakit ba sa iyo? Si Karen, inaway ka ba niya? Sasapakin ko