"Wifey! Tikman mo itong luto ko!" masayang sabi ni Clyde matapos niyang lutuin ang kanilang hapunan. "Wow! Amoy pa lang! Alam ko ng masarap!" wika naman ni Cara bago nagtungo sa kusina. Namilog ang mata niya nang tikman ang luto ng kaniyang asawa. Inasahan na kaagad niyang masarap iyon kaya napa- thumbs up siya. Napangiti naman si Clyde bago hinalikan sa labi ang kaniyang asawa. "Pasado na ba ako sa iyo bilang hubby mo?" malambing na sabi ni Clyde. Natatawang tumango si Cara. "Pasadong - pasado! Ako ba? Pasado? Hindi ako masyadong marunong magluto. Pero marunong naman akong maglinis at marunong akong mag- asikaso." "Wifey, hindi ba sinabi ko naman sa iyo na ayos lang sa akin kahit na hindi ka marunong magluto? Huwag mo ng isipin pa iyon dahil ako na ang bahala sa lutuin. Ang mahalaga,